"Hindi naman siguro ganun kasama si dustin diba?" Tanong ni blaze sa sarili niya.
Shinake niya ang ulo niya para tuluyan siyang magising.

"Oh ang aga mo yata nagising?" Tanong ng tatay niya na kakapasok lang sa kusina

"Oo nga po eh, nakalimutan kong hindi po pala ako kasama sa fieldtrip hehe" Sagot niya

"Pasensya kana anak ha, kahit kulitin natin ang nanay mo hindi na papayag yun"

"Bakit po ba ayaw niyo akong payagan sa mga ganitong okasyon?" tanong ni blaze

"Baka kung mapano ka lalo na't wala kami" Sagot ng tatay niya

"Yan naman lagi dahilan niyo eh" nasa isip na sabi ni Blaze

"Sige tay akyat na po ako" Pagpapaalam ni Blaze at naglakad na

Pagakyat niya sa kwarto ay muli itong humiga sa kama at kinuha ang cellphone niya. Nagcheck ito ng mga post ng mga classmate niya

"buti pa sila nagsasaya, ako ito matutulog buong araw" Sambit niya sa sarili

Tok tok! 

Napalingon si Blaze sa pintuan, hinintay niyang pumasok kung sino man ang kumatok. Narinig niyang pinihit ang doorknob at pumasok ang tatay niya

"May kailangan kayo tay?" Tanong niya

"May naghahanap sayo sa baba, staff daw ng school niyo" sagot ng tatay niya

Napaisip si blaze kung sinong staff ng school nila ang pupuntahan siya sa bahay,  ganun ba siya kaimportante para puntahan pa siya sa bahay.

"Sige tay sabihin niyo magbibihis lang ako saglit" Sagot ni blaze

"Sige nak" at bumaba na ang tatay niya

Nagmadaling naghilamos si Blaze at nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay dali dali na siyang bumaba

"Nasan po sila tay?" Tanong ni blaze nang wala siyang nadatnan na tao sa sala.

"Nasa labas sila, hindi na daw sila papasok" Sagot ng tatay niya

Nagkibit balikat nalang siya at lumabas na para puntahan ang sinasabing staff ng school. Paglabas niya ay may lumapit sa kanyang dalawang lalaki at pilit siyang hinila papasok ng sasakyan

"Ano ba bitawan niyo ako?  Saan niyo ako dadalhin?!" Galit na sigaw ni Blaze

"Taaaaaaaaaay!!!!" Sigaw ni blaze pero hindi na ito maririnig dahil nasa loob na siya ng sasakyan na unti unti ng umaandar

"Sino kayo? Saan niyo ako dadalhin?" Sunod sunod na tanong blaze

"May gustong makita at makausap ka" Sagot ng isang lalaki

"Sino?" Tanong ni blaze

"Malalaman mo din pag nakarating na tayo" Sagot ng isa pa

"Aaaaaaaaaahhh pakawalan niyo na ako,  kung sino man yang boss niyo ayoko siyang makausap o makita!" Sigaw ni Blaze

"Ang ingay naman nito dre" Iritadong sabi ng isang lalaki at sumenyas

Nagets naman ito ng isang lalaki kaya kinuha niya ang panyo at tinakpan ang ilong ni Blaze

"mmmmmm" bulaslas ni blaze bago ito makatulog

"Tumahimik din sa wakas" Sambit nung nag utos na patulugin si blaze

"Ano bang kailangan ni Dustin dito?" tanong nung isa

"Aba malay ko" sagot naman nung isa

"Kamukha niya si Allison" Sagot naman nung lalaki na nagdadrive

The Lost Princess(Under Revision) Where stories live. Discover now