"Anong plano?" ngumiti siya at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Na liligawan kita at kapag nakagraduate kana ay dadalhin kita sa Manila at pag-aaralin."

Napasinghap ako at naitulak siya. Tama ba itong naririnig ko at hindi ako nananaginip?

"Lena, seryoso ako." umiling ako.

Kailanman ay hindi ako umasa kay Jonas. At hindi ako papayag sa gusto niya. May plano na kami para sa pag-aaral ko ng kolehiyo. Ang kursong kukunin ko at kung saan ako mag-aaral.

"Jonas, ayoko. Kung ano man ang plano mo ay itigil mo." yumuko siya at napahawak sa batok niya. Kitang kita ko ang pagkadismaya niya sa sagot ko.

"Alam kong nakakabigla pero totoo ang sinabi ko, Lena. Kahit sa panliligaw ka na lang sana pumayag." mas lalo akong napasinghap.

Hindi ko inasahan ang bagay na ito. Oo disi-nwebe na ako. Nasa legal age na ako. Kung tutuusin ay pwede ko ng gawin lahat ng gusto ko. Hindi mahigpit si Mama at Papa saakin, pero pagdating sa ligaw-ligaw na 'yan ay doon lumalabas ang pagiging mahigpit ni Mama.

"Jonas… hindi ganoon kadali. Alam mong ayaw ni Mama ang bagay na 'yan."

"Alam ko. Kaya nga kakausapin ko siya mamaya." nanlaki ang mata ko. "Atsaka babalik pa ako sa Manila. Bibigyan naman kita ng oras para makapag-isip isip. Kung sakaling pumayag si Aling Mayet ay kaagad akong uuwi dito at sisimulan ko ang pagsuyo sa'yo."

Napayuko ako at nagpigil ng ngiti. Kabisadong kabisado ko si Jonas at kung ano man ang sasabihin niya ay talagang papanindigan niya. Naniniwala naman ako sa kanya. Si Mama lang talaga ang mahirap makuha ang tiwala lalo na kung ako na ang pinag-uusapan.

"Bahala ka." ang tangi kong nasabi. Ngumiti siya at kinuha ang libro ko.

"Hatid na kita sa bahay?" nangunot ang noo ko at tumayo.

"Bahay ninyo?"

"Oo. Nandoon Mama at Papa mo, may kasama silang lalaki."

Kasama nila si Abraham? Bakit anong sadya nila sa bahay nila Jonas?

"Kilala mo 'yon?" tanong niya habang naglalakad.

"Oo, si Abraham."

"Sino 'yon? Bago dito?"

"Oo. Hinahanap niya kapatid niya naglayas daw kasi at dito pumunta. Nakita namin siya ni Papa sa bundok. Nasira sasakyan niya ninakaw ang ilang piyesa ng makina kaya doon muna sa bahay nakatira habang hinahanap kapatid niya." napahinto sa paglalakad si Jonas. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Nakatira siya sa bahay ninyo? Paano kung masama ang lalaking 'yon at pagnakawan kayo?" bahagya akong tumawa.

"Hindi naman. Kung sana 'yon ang balak niya edi ginawa na niya sana."

Depensa ko kay Abraham. Saka wala naman sa mukha niya ang bagay na 'yon. Pagnakawan kami at pagsamantalahan? Malabo.

Nang makarating sa bahay nila ay kaagad niya akong hinila papasok ng gate. Namitas siya ng bulaklak at binigay saakin

"Sa-salamat." namumula ang pisngi kong sabi.

"Lena!" napatingin ako sa bahay nila Jonas. Lumabas si Mama, nasa likuran niya si Papa. Nang mapansin si Jonas sa tabi ko ay kinabahan na ako.

"Magandang hapon po, Aling Mayet, Mang Julio." bati ni Jonas.

"Magandang hapon din, iho." sagot ni Mama at pinandilatan ang hawak kong bulaklak. Hysterical akong pumwesto sa tabi niya.

"Hihintayin ko na lang po ang balita, kung kinakailangang bayaran ko ang mga tauhan niyo ay gagawin ko mahanap lamang kapatid ko." napatingin ako sa likuran.

I'd Rather Where stories live. Discover now