70: Meet Red Dragon

Start bij het begin
                                    

Unti-unti kong inangat 'yong takip ng kabaong tapos walang laman! Hala, nasaan na si Jeydon?

"Waaa, ayoko na!"

Pinikit ko 'yong mga mata ko tapos tumalikod ako at tumakbo palayo pero may nakabangga naman ako.

"Waaa, mumu, huwag po! Huwag po ako, please!" Tinulak ko siya tapos tumalikod ako. Do'n na lang ako sa kabaong magtatago.

Bago ko pa marating 'yong kabaong, hinila ako ng multo, tapos niyakap niya ako mula sa likod ko. Teka! Multong nangyayakap?

"Shh... Huwag ka ngang maingay."

Tumayo ang mga balahibo ko ro'n, parang may electric shock akong naramdaman. Ramdam na ramdam ko 'yong hininga niya. Ang bango. Dinig na dinig ko rin 'yong hininga ko Pati rin 'yong paghinga niya, dinig ko.

"Multo, bakit ka nangyayakap, ha?!"

"Hindi ako multo, bampira ako at kakagatin kita." Ang sexy ng boses niya, bakit gano'n? Kinabahan ako, ah. Hinarap ko siya tapos nakita ko na naman 'yong Edward Cullen ng buhay ko! Waaa, ang gwapo ni Jeydon ko.

"Sira ka!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya. Ouch, parang ako lang ang nasaktan kasi ang tigas tsaka, wow, ang sexy ng chest niya. Sira-ulo siya! Siya lang pala 'yong nanakot sa 'kin! "Natakot talaga ko ro'n!"

Tiningnan niya lang ako tapos tinitigan niya 'yong mata ko. Unti-unti niyang inilapit sa 'kin 'yong mukha niya. Magkadikit na 'yong mga noo naming dalawa.

"Nakakatakot ba ako? Sa gwapo kong 'to?"

"Kahit gwapo ka, bampira ka pa rin!" Tama na, huwag mo na akong titigan please, baka matunaw ako rito, e.

"Gusto mong kagatin talaga kita?" sabay smirk.

Waaa! Tinulak ko siya palayo, ang adik niya. Namula na tuloy ako. Kung anu-ano 'yong pinagsasabi niya, kainis.

"Haha! Bakit lumayo ka?"

Lumapit na naman siya sa 'kin, napaatras ako tapos napasandal ako sa may table. Nilapit na naman niya 'yong mukha niya. Waaa, Jeydon, huwag. Mahina ako sa tukso, e. Haha, echos lang. Noong sobrang lapit na niya sa 'kin, napapikit na lang ako tapos hinalikan niya ako sa noo ko.

"Nakakailang kiss ka na sa 'kin kaya 'yan lang muna."

Pagdilat ko ng mga mata ko, ang laki ng ngiti niya. Wow, ako pa raw? Siya kaya ang laging nagki-kiss sa 'kin.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Tara, kain na muna tayo. Hindi ako nag-breakfast, gutom na ako, e."

"Sayang, akala ko iki-kiss mo na ako," bulong ko sa sarili ko.

"Marami pa namang next time, wifey." Ang lapad ng ngiti niya sa 'kin. Shucks, narinig niya pala 'yon! Ang akas ng pandinig niya.

Pumunta kaming tambayan nila. Naka-costume pa rin kami pero wala na akong pakpak. Ang bigat kaya no'n tapos ang init pa kapag suot-suot ko. 'Yong hubby ko naman, kahit nakapambampira na costume, ang gwapo pa rin. Pinagtinginan tuloy siya ng mga babae. Dukutin ko ang mga mata nila, e!

Pagdating namin do'n, nakita namin si Kuya Charles at mukhang bad trip siya. Anong problema ng lalaking 'yon?

"Huy, Kuya! Anong problema?"

"Bad trip kasi si Marky, e, kakagising pa lang. Paano 'yong marriage booth namin!" Masyado niyang kinarir 'yong booth nila, kahapon pa siya ganoon. "Malilintikan talaga 'yon sa 'kin!"

"Huwag ka ngang maingay diyan, Tanda! Ang aga-aga, bad vibes ka kaya ka tumatanda agad, e."

Pinanlisikan siya ng mata ni Kuya Charles. Hala, lagot ka, Pusa.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu