70: Meet Red Dragon

Magsimula sa umpisa
                                    

"Muntik ko na siyang mahalikan sa cheek! Gumalaw kasi siya bigla, e! Hays, sayang!" Ano raw?! Hahalikan niya 'yong pusa ko?!

"Ang gwapo niya talaga!" sabi pa no'ng isa. Waaaa! Pinagpapantasyahan nila ang hubby ko! This can't be! Ako lang ang pwedeng magpantasya sa pusang 'yon. Akin siya! Wow, obsessed much, Candice?

Lumabas ako sa hideout ko tapos ginamit ko 'yong pinakanakakatakot na acting ko sa kanilang tatlo.

"Awooo!"

Sobrang nanlaki 'yong mga mata nila, akala mo, nakakita talaga sila ng aswang. Aaswangin ko talaga kayo kapag hindi n'yo tinigilan si Jeydon!

"Oh, my gee! Nakakatakot siya!"

"Waaa, alis na tayo!"

"Ayoko na! Tara na, girls!"

Ayun, tumakbo sila palayo, takot na takot.

"Wahaha! Sa 'kin pa rin ang huling halakhak!"

Hindi ko napigilang matawa. Haha, 'yan ang napala n'yo! Pagpantasyahan n'yo ba naman 'yong hubby ko, e.

Biglang may parang dumaan sa likod ko. Nilingon ko kung sino pero wala naman akong nakita. Haha, alam ko na 'yon, e. Tinatakot nila ako. 'Sus, luma na 'yon, e, gasgas na. Sino naman kaya 'yong malakas ang trip na nananakot sa 'kin? Hindi ba niya nakitang isa kong manananggal? Mumu rin ako! Ay, mali. Monster pala ako.

"Candice..."

Hala? Shete naman, bakit gano'n 'yong boses, kakaiba? Huhu! Sino ba kasi 'yon? Anak ka ng pusa! Hindi ka nakakatuwa, ha? Kapag nakilala ko lang kung sino ka, babatukan talaga kita.

"Candice..."

Pucha, ayun na naman! Huhu, Mama ayoko na! Ayoko ng ganoong joke. Takot ako sa multo, e. Kaya nga 'yon ang palaging panakot sa 'kin ni Kuya noong bata pa kami.

"Candice..."

"Waaaaa!" Ayoko na talaga, grabe, hindi ko na kaya!

Tumakbo ako palayo sa pwesto ko. Sa sobrang takot ko, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Amp, ano ba naman 'to? Parang biglang lumaki 'yong tunnel na ginawa namin. Maliit lang 'to, ah! Nasaan na ba 'yong labasan? Hala, nawawala na yata ako sa sarili ko. O baka naman nililigaw ako no'ng multo? Waaa, huwag po ako! Bata pa ako. Nanlamig na ako, nag-replay pa naman 'yong boses kanina.

"Huhu, ayoko na! tama na!"

May dumaan na naman sa likod ko. Waaa, ayoko na talaga.

"Mama!"

Saan na ba ako pupunta? Dead end na 'yong sa harap ko, e. Teka nga, may coffin do'n. Ibig sabihin, may bampira. Tama, si Pusa, nando'n.

Pumunta agad ako sa harap ng kabaong, nakasara 'yon. Ang creepy naman doon, o. Bakit ang galing nilang gumawa ng props na nakakatakot? Pula pa 'yong ilaw, pambihira talaga.

"Pusa... tayo ka riyan."

Walang reply si Jeydon, kinabahan ako lalo kasi lalong lumamig. May aircon ba roon? Wala naman, ah. Naiiyak na talaga ako, takot nga ako sa multo, e! Huhu, karma ko ba 'yon sa pananakot ko kanina ro'n sa tatlong babae? Joke lang naman 'yon, e! Joke lang talaga 'yon pero ito parang hindi na joke, e.

"Hubby, labas ka na riyan please, natatakot na ako." Naghintay ako ng five minutes pero hindi pa rin bumukas 'yong kabaong. Narinig kaya ako ni Jeydon? Binuksan ko na nga lang.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon