"Sira ulo kang tomboy ka, tigil-tigilan mo yung kapapanood ng mga kakornyhan mo." Matigas na sabi ko.

Tinawanan naman niya ako. Napangiti ako nang marinig ko ang sigawan ng mga batang model namin, humarap ako sa kanila.


"Okay kids! Pupunta kami ng Kuya Felix niyo sa My Heart Charity. Sinong gustong sumama?" Sigaw ko sa mga bata. Hinampas naman ako ni Felix dahil sa pagsabi ko na Kuya siya ng mga 'to.

"Me! Me!" Sabay sabay na sigaw nila. Napangiti ako. Yung My Heart Charity, bahay ampunan siya ng mga batang may sakit sa puso. Taon-taon talaga pumupunta ako dun para tumulong at pasayahin sila, dahil na rin sa nangyari sa akin nung baby pa ako kaya naisipan kong tumulong sakanila.

"Mukhang kulang ang isang van para sa mga bata." Sabi ni Felix.

Tinignan ko siya.

"Apat naman yung van natin para sa mga model, di ba? Pagamit na natin yung dalawa." Sabi ko. Tumango naman si Felix saka lumabas ng Studio 8 para ipahanda yung sasakyan.

Tinignan ko ang cellphone ko, hindi pa rin siya tumatawag. Wala siya sa unit niya kanina nung umalis ako.

"Sandali lang kids." Sabi ko saka tinawagan ko si Kei.

"Hello?" Napakunot ang noo ko nang may sumagot na lalaki.

"Sino ka?" Pagtataka ko.

"Drake! Cellphone ko yan! Amina nga yan!" Mataray na boses ni Kei, bullshit.

"Hello?"

"Where the hell are you, Kei?" Matigas na tanong ko. Langya ayokong mag-isip ng mali.



"Ah... Kyle, kasama ko yung mga kaibigan ko." Pagpapaliwanag niya.

"Kailan ka pa nagkaroon ng lalaking kaibigan bukod kay Tom?" Tangina yung boses ko nanginginig sa inis. Kapangalan pa ng pinsan kong si Drake.

"Relax okay? Wa—"

"Fuck. Paano ako magrerelax kung yung girlfriend ko may kasamang lalaki na hindi ko naman kilala!" Sigaw ko sa kanya. Narinig kong huminga siya ng malalim.

"Sorry na. Kaibigan ko lang siya." Damn, ginamitan na niya ako ng malambing na boses! Mariin kong ipinikit ang mata ko.

"Nasaan ka? Susunduin kita." Mariin na sabi ko.

"Dito sa mall malapit sa condo."

Pinatay ko na ang cellphone at mabilis akong na lumabas ng studio.

"Oh saan ka pupunta?" Sigaw ni Felix sa akin.


"Susunduin ko lang si Kei, mauna na kayo ng mga bata! Siguraduhin mong dala lahat ng pagkain para sa charity!" Nilagpasan ko na siya at mabilis akong sumakay sa sasakyan ko.

*

MARIE'S P.O.V

Pagkalabas na pagkalabas ko ng mall nakabungad na kaagad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Kyle. Ang cute niya magselos.

"Get in." Matigas na sabi niya saka pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

Sumakay na ako. Kaibigan ko lang naman yung kasama ko kanina. Si Drake yon, mas matanda ako sa kanya, at bestfriend ko siya. Nagkakilala kami sa isang bar nung college ako. High school pa lang siya non at tinakot ko siya na sasabihin kong menor siya kapag hindi niya ako sinamahan mag-inom. Kaya lang kung makaasta na siya akala mo boyfriend ko siya.

Pagkasakay niya sobrang tahimik pa rin niya.

"I'm sorry, baby." Paglalambing ko.

"Alam mo namang ayokong may lumalapit sayong ibang lalaki, psh." Naaasar na sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya sa manibela.

"Sorry na po. Hindi ko na uulitin." Nakangiting sabi ko.

"Aish, fine." Medyo inis pa rin siya pero pansin kong kahit papaano okay na. Buti naman noh, hindi ko keri yung galit niyang mukha, parang sasabog sa sobrang selos.

Pagdating namin sa isang charity napakunot ang noo ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya. Parang nagtaka na naman siya kaya naman tumahimik na lang ako.

"Nakalimutan mo na siguro yung sinabi sayo ni Felix." And who's Felix?

Hinila na niya ang kamay ko papasok sa loob, 'My Heart Charity' yan ang nabasa ko.

"Lahat ng bata dito may sakit sa puso." Bulong niya sa akin. Napalunok ako.

"KUYA KYLE!" May mga batang nanghihila sa kanya ngayon. Inilibot ko ang paningin ko at halos maiyak ako nang makita ko ang ibang bata na naka-wheel chair. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila nung bata pa ako.

Yeah, may sakit rin ako sa puso. Hanggang ngayon, pero mas maayos na ngayon ang kalagayan ko kesa nung bata pa ako.

"Ate Kei!" Sunod naman akong pinalibutan ng mga bata. Napatiim bagang ako nang yakapin nila ang binti ko. Umupo ako para makapantay sila.

"Kyle, may mga sakit din ba sila?" Tanong ko.

"Si Ate Kei, ulyanin na. Naglaro tayo dati sa studio ni Kuya Kyle! Nandito kami ngayon para makipaglaro sa mga batang may sakit sa puso! Tara!" Sigaw ng isang bata at hinila ako palapit sa mga may sakit.

"Kei! Buti naman at nakarating ka! Ito yung sinasabi ko sa'yo noon na pinupuntahan namin ni Kyle taon-taon." Isang babae na maikli ang buhok ang lumapit sa akin. Nginitian ko na lang siya.

Tumulong ako na pakainin yung mga bata, napansin ko naman ang pakikipaglaro ni Kyle sa mga ito! Ghad, sinong hindi magkakagusto sa katulad niya? Dagdag points kaya yung pagkahilig niya sa bata. Ang sarap siguro maging ina ng mga magiging anak ni Kyle.

"Ate..." May isang bata ang humila ng damit ko.

"Yes?"

"Gusto ko ng juice..." Sabi nito.

Ngumiti ako at binigyan ko siya ng Zest-O.

"Hey, baby..." Napalingon ako kay Kyle ng bigla siyang lumapit sa pwesto ko, pero nakatingin siya dun sa batang humila ng damit ko.




"Frances? Ang laki mo na ah!" Excited na sigaw ni Kyle at binuhat yung Frances na humingi ng juice sa akin. Ang cute bagay kay Kyle maging Daddy ng mga magiging anak ko.

"Frances, siya si Ate Kei mo. Ngayon ko lang siya naisama dito kaya naman gusto kong makilala mo siya." Nakangiting sabi niya, kinawayan naman ako ni Frances. Natuwa naman ako dahil itong lugar na 'to hindi pa napupuntahan ni Kei. Ngayon lang edi ibig sabihin ako ang nauna.

"Hello, Frances..." Nakangiting bati ko.

"Kuya Kyle gusto ko ng juice." Sabi nito. Napakunot ang noo ko, di ba binigyan ko na siya ng juice?

Ibinalik sa akin ni Kyle yung zest-o na inabot ko kay Frances.

"Hey, juice 'to di ba?" Pagtataka ko.

"Yes baby, pero gusto kasi ni Frances na ipagtitimpla siya ng juice, ganyan kasi siya maglambing. Sinong gusto mong magtimpla Frances?" Tanong ni Kyle.

Nanlaki ang mata ko ng ituro niya ako. Hinila naman ako ni Kyle sa isang mahabang mesa, buhat-buhat niya pa rin si Frances. Ipinagtimpla ko na siya ng juice tapos ibinigay ko na rin kaagad.


"Matagal mo nang ginagawa 'to?" Tanong ko kay Kyle na ngayon ay nakangiting pinapanood ang mga bata.

"Hmm, five years pa lang naman baby. Nung baby pa ako sabi ni Love, tumitigil ang paghinga ko sa loob ng 15 seconds. Kasabay non ang pagtigil rin ng pagtibok ng puso ko." Seryosong sabi niya. Tinignan ko siya nakita ko ang saya sa mga mata niya.


"Bakit tumitigil ang pagtibok ng puso mo?" Kinakabahan na tanong ko. Humarap siya sa akin.

"Hindi ba kinuwento na sayo ni Love? Baby h'wag mo nang ipaulit malulungkot ka lang." Nakangiting sabi niya. Hinila niya ako at niyakap niya ako mula sa likod.

"Kaya naman sobrang laki ng pasasalamat ko sa diyos dahil pinagaling niya ako, binigyan niya pa ako ng pagkakataon na patibukin itong puso ko para sa'yo." Masayang sabi niya.

Ngumiti ako. Soulmate ba kami ni Kyle? Pareho kaming may pinagdaanan nung mga bata pa kami. Ewan, kung ano-ano ang naiisip ko.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Nakangiti siya sa akin at sobrang ganda ng mga mata niya.

Pero biglang napakunot ang noo niya at nakatingin siya sa dibdib ko, naka-V-neck T-shirt kasi ako.

"Baby? Ngayon ko lang napansin, may nunal ka pala sa dibdib mo?" Nakakunot noong sabi niya. Kaagad kong hinawakan 'yon. Naisip ko kaagad si Kei. Wala siyang nunal sa dibdib niya.

"Ha?! M-matagal na 'to ano ka ba!" Kinakabahang sigaw ko.

Umiling siya.

"No baby, ngayon ko lang nakita 'yan." Paninigurado niya...

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Madami ka pang hindi alam sa akin Kyle." Malambing na sabi ko at pilit kong hinuli ang mata niya ng mata ko.


"Ah, really? I—" Hinalikan ko ang labi niya para matigil na siya.

"Yiiiieeee!!" Nagsisigawan ang mga bata sa paligid namin kaya naman isinabit ko na ang braso ko sa leeg niya. Sandali niyang tinugon ang halik ko pero mabilis din siyang bumitaw.

Nakatingin pa rin siya sa dibdib ko, at hinawakan niya 'yon ng isang daliri niya.

"Are you sure baby matagal na 'to?" Nakakunot noong tanong niya. Hinila ko ang kamay niya at lumunok ako.

"Of...Of course! Ano ka ba?" Hinampas ko siya sa dibdib niya. Ngumiti siya sa akin pero isang pilit na ngiti.

"I love you..." Sabi ko.


"I...love you too."

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon