Naka-wrapped yong paa niya sa bewang ko habang nakaupo siya sa lap ko.

"Jillian baka maglandi ka na naman ah."

"Hindi ah"

"Siguraduhin mong hindi. Wala ka ng babalikan dito pag naglandi ka kay Pam! Magpapahalik ka na naman don!" sabi niya sabay sabunot sa buhok ko.

"Aray!"

Loko tong babe ko eh, pero okay lang, sana nga ganito siya lagi.

Ilang minutes din kami sa posisyon na ganito bago ako tumayo. Mamimiss na naman daw niya ako dahil walang mangungulit sa kanya maghapon.

"Uuwi na ako babe ha?"

Nakahiga na ulit siya habang yakap yong unan niya.

Pagkatapos ko siyang halikan lumabas na ako ng room niya.

"Bakulaw wait lang.."

Hmm? Paglingon ko sa kanya bigla siyang yumakap.

"I love you babe" sabi niya.

Natutuwa naman ako tinawag niya akong babe. Ngiting-ngiti tuloy ako.

"Hmm baka mapunit na yang bunganga mo sa pagngiti mo!" sabi na naman niya saka niya kinurot yong pisngi ko.

Wala akong masabi dahil kinikilig ako haha!

Grabe na to!

"Thanks babe, I love you."

"I Love you too. Mamimiss kita bakulaw."

Mamimiss ko din ng sobra ang babe ko. Di kasi ako sanay na hindi siya nakakasama. Pero ngayon kailangan ko muna samahan ang parents ko para puntahan si Wendy. Di ko alam kung ano plano nila.

Baka gusto lang talaga nila makita ang Sis ko pero sana i-convince nila na sumama sa amin. Para makasama ko din siya.

Nagdrive na ako pauwi. Ilang minutes lang nakarating agad ako ng bahay.

Pagpasok ko ng room ko dinial ko agad yong number ni Jean.

Ring

Ring

Ring

"Uy Jill?"

"What's up?"

"Nothing. Kagigising lang. Ang aga mo namang tumawag. Miss mo ko babe?"

"Tse!" kako, natatawa ako dito kay Jean.

"Bakit? Anong kailangan mo babe?" tanong niya.

"Baby bat alam mong may kailangan ako sayo?" tanong ko din na natatawa.

"Parang di ako sanay sayo babe." sabi niya.

Ang aga-aga puro kami kalokohan lang.

"Jean aabsent ako pupuntahan namin si Wendy."

"Talaga?! Sasama ako!"

"Hindi pwede, kaya ako tumawag para makisuyo na ihatid at sunduin mo ang babe ko sa work niya. Please?"

Sana pumayag si Jean.

"Hay kainis! Gusto ko makita si Wendy. Miss ko din yon pero dahil mas mahal kita...hmm... sige na nga!"

"Yun oh! Thanks Jean I love you! Ikaw na bahala sa babe ko ha?"

"Oo na! I love you too. Sige ako na bahala. Take care babe haha. Pasalubong ko kahit Chicks lang."

"Sige maguuwi ako ng maton para sayo. haha!"

"Di bale na. Nagbagong buhay na pala ako. Di na ako mambabae haha"

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant