Chapter 16

7 2 0
                                    


"Gibson?! Gibson... Ikaw.. Ikaw si Gibson, hindi ako maaaring magkamali."

"Uhmm.. Tita, hindi po ako si Gibson, ako po si John Anthony Zacharias Lee. Anak po nina Elizabeth Epifanios de Guzman at Zhao Dominique Lee. Kaya imposible pong ako si Gibson".

"Hindi, ikaw si Gibson, at papatunayan natin yan."

Ayan na lang ang huling sinabi ng mama ni Sofia, okay lang naman sa akin dahil mahinahon niyang sinabi yan at kahit natulala siya ng mga ilang buwan o araw ay hindi siya nagwawala at nagpupumilit na ako si Gibson. Handa daw siyang maghintay upang mapatunayan na ako daw si Gibson.

Naguguluhan ako, pero alam kong imposible.

Agad na akong pinauwi ni Sofia at baka magpumilit pa daw ang mama niya.

Sinunod ko naman si Sofia. Pero bago ako umuwi, sinabi ko na susunduin ko siya bukas, this is it, let's get ready for the new beginning. Yung hindi ka na laging nagpepretend sa sarili mo about sa nararamdaman mo, ang sarap sa pakiramdam.

Pumayag si Sofia, at habang sinasabi ang "oo" at "sige na", sinabayan niya ito ng ngiti at tuwa.

Napakasaya ko nung araw na yun!!!

Our Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon