Chapter 10

8 2 0
                                    


"Btw, ang problema ko kasi ay about sa pamilya ko. Hanggang ngayon, nagmumukmok pa rin si mama dahil sa kapatid ko"

"Bakit, anong nangyari sa kapatid mo?"

"Walang masamang nangyari sa ate ko at sa bunso kong kapatid, ang iniiyakan kasi ni mama ay yung nawawala kong kapatid, 14 years na siyang nawawala at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap at hindi pa rin sumusuko si mama sa paghahanap"

"Wait, ibig sabihin, apat lahat kayo?! At may nawawala kang kapatid mo na 14 years niyo nang hindi nakikita?"

"Oo, at hindi ko na alam ang gagawin ko kay mama para lang tumigil na siya sa paghahanap at kalimutan na niya si Gibson."

"Gibson pala ang pangalan ng kapatid mo. Btw, mas matanda ba siya sayo?"

"Oo, mga 1 year ang tanda niya sa akin."

"Bakit nawala ang kapatid mo, anong nangyari?"

"Nang pagkapanganak daw ni mama kay Gibson, bigla na lang daw nawala sa incubator si Gibson at malamang kinuha siya."

"Hindi ba nakita sa CCTV kung sino yung kumuha?"

"Hindi eh, parang ang bilis daw ng pangyayari"

"Ah, minsan ba naisip mo na sana hindi na lang siya nawala at sana naging masaya na lang kayo o minsan ba naisip mo na sana hindi na lang siya binigay ng diyos para hindi nagkakaganyan ang mama mo?"

"Ano bang tanong yan haha.. Parehas lang naman yan eh pero ang mas gusto ko ay sana hindi na lang siya nawala, edi sana may isa pa akong kapatid ngayon at kaibigan pa na kakulitan at sumaya pa kami lalo"

"Ahhh, haha sana nga. Uhm sige off muna ako, salamat dahil tinuring mo na din akong kaibigan mo"

Our Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon