Chapter 1

11.6K 167 1
                                    

Kiefer's POV

Papunta akong Batangas today para kausapin ang parents ni Aly. I decided to ask for their blessing before proposing to her. Para kung sakaling tanggihan man ako ni Aly, malakas ang backer ko.

Kinakabahan man, malakas ang tiwala kong matatanggap naman nila ako bilang official son-in-law.

Hindi nga pala alam ni Ly na nandito ko sa kanila ngayon. Busy siya with shoot and other stuff. Maaga akong umalis ng bahay dahil kailangan ko rin bumalik ng Manila at may date kami ni Ly mamayang gabi. Kumatok na ako sa pinto at di naman nagtagal pinagbuksan ako ni Inay.

Inay: Kief anak, kumusta ang biyahe? Halika't pumasok ka na. Buti naman at nakarating ka na. Kanina ka pa hinihintay ng Itay mo. Nagtatampo at masyado daw napatagal ang dalaw mo dito sa bahay.

Nagmano ako kay Inay.

Kiefer: Ok naman Nay. Wala naman masyadong traffic dahil maaga pa. Si Tay nman eh nun weekends lan andito po kami ni Ly. Namiss nya agad ako?

Inay: Di ka na nasanay sa itay mo. Alam mo nman gustong gusto ka kakwentuhan nun.

Kinabahan ako lalo, gusto pa kaya ako kakwentuhan ni Itay pag sinabi kong gusto ko ng pakasalan ang nag-iisang prinsesa nya. Habang nilalabanan ko ang aking kaba sakto naman baba ni itay galing kwarto. Nilapitan ko naman at akmang magmamano pero niyakap niya ko.

Itay: Kief hijo, dumating ka na pala. Kamusta? Si princess ba't di mo kasama.

Kiefer: ah Tay, ako lan po. gusto ko po sana kasi kayo makausap ni inay ng tayo lang tatlo.

Inaasahan ko ang gulat sa kanilang dalawa pro ako ang nagulat sa sagot nila sa kin.

Itay: Ano? Kasalan na ba ang paguusapan natin anak. Kelan nyo ba plano? Mahina ka. Imbes na ang dami ko ng apo sa inyo ni princess hanggang ngayon wala pa rin

Inay: oo nga anak. Wala pa ba kayong planong magsettle down ni princess. Baka naman mahirapan na kayo magkaanak kun matanda na kayo magpakasal.

Speechless, yan ang initial reaction ko. Nasundan ng tuwa. Botong boto talaga sa akin ang parents ng mahal ko. Though same lang din nman sa family ko. Wala silang masamang masabi kay Alyssa. Bukod sa maganda na, napakabait at ang husay makisama.

Kiefer: Tay, nay naman. Di naman kayo masyadong excited sa apo. Eh di pa nga ako nakakapagpropose kay Ly eh.

Itay: Napakabagal mo tlaga. Eh bat ka nga pala andito?

Napakamot na lan ako sa ulo. Makulit talaga to si Tatay pero mahal na mahal ko yan kasi pag inaaway ako ni Ly pag sinusumpong. Siya lang ang kakampi ko.

Kiefer: Tay kaya nga po ako nandito. Hihingin ko sana ang blessing niyo ni Inay pra makapagpropose na ako kay Ly.

Itay: anak matagal ko ng ibinigay ang blessing ko sa inyo. Nung nagpaalam ka na gusto mong ligawan ang prinsesa ko, kasama na doon ang blessing ko para maging asawa ka niya in the future.

Kiefer: po? Tay that was five years ago. Pano naman kayo nakasigurong magiging okay ang relationship namin ni Ly. At karapat dapat ako para sa kanya

Itay: anak, 5 taon kayo naging magbestfriend ng anak ko. Witness ako sa friendship niyo at lalong lalo na pag may problema si princess. Alam kong lagi ka nandyan para sa kanya. Kulang na lan ikaw ang maging tatay para ipagtanggol siya sa lahat ng nanakit sa kanya. Matagal na kitang gusto para sa anak ko. Kaya masaya ako nung natauhan ka at sinabi mo sa akin na mahal mo si princess ng mahigit pa sa kaibigan.

Namumula ko sa mga pinagsasabi ni tatay. Hindi ko alam kung natutuwa ba siyang umamin ako pero di pa rin nawawala ang lagi pangaalaska niya na kung gaano daw ako kabagsik sa ibang chicks dati pero nung kay Ly na daw tumitiklop ako lagi.

Inay: naku kayong dalawa talaga. Sandali nga lang at maghahain na ko ng tanghalian.

Itay: sige nay. O anak yun na nga. Magpropose ka na at ng magkaapo na ko ng basketball at volleyball players. Ayoko ng kayong dalawa na lang lagi ni princess ang pinapanood ko.. gusto ko naman mapanood mga apo ko sa inyo.

Kiefer: apo agad tay? Eh hindi pa nga ako sigurado kun papayag yun prinsesa nyo.

Itay: jusko naman anak. Ano ng nangyari sa ravena moves mo? Kayang kaya mo na pasagutin yan ulit. Napasagot mo na nga dati.

Kiefer: salamat tay. Sana nga umoo na si Ly. Gusto ko na rin kasi gumawa ng anak.

Itay: hoy ravena.. pakasalan mo muna ang anak ko bago yan paggawa ng bata.

Napakamot na lan ulit ako sa ulo.

Naging productive ang punta ko ng Batangas, nakipagkwentuhan pa ko kila itay bago napagdesisyunan na bumalik na ng Manila.

Hindi ko pala nasabi magkasama na kami ni Ly sa iisang condo. Prang live-in pero hindi pa namin ginagawa yung ginagawa ng mag-asawa. Malaki ang respeto ko kay Ly at kahit minsan gustong gusto ko na. Iniisip ko na lang lagi na mas magandang may mangyari sa amin sa honeymoon. Mas worth it ang paghihintay.

Kakarating ko lan sa condo at tahimik pag pasok ko. Wala pa siguro si Aly. Dumiretso na ko sa kwarto para magfreshen up at may lakad pa kami. Pero laking gulat ko ng makita kong natutulog pala ang mahal ko. Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya. Napakaamo talaga ng mukha ng babaeng ito, hindi mo mababakas sa mukha niya ang pagod. Lagi kasing happy. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Hinalikan ko siya at nagising naman.

Alyssa: hon... (medyo inaantok pa)

Kiefer: babe, matulog ka na lan muna pagod ka ata sa shoot kanina. Huwag na muna tayo lumabas. Kumain ka na ba?

Alyssa: ok lan hon. Kanina pa naman ako tulog. Hinintay lang kita. Magshoshower lan ako tas pwede na tayo umalis.

Pabangon na sana sya ng bigla ko syang hilahin pahiga.

Kiefer: huwag ka na muna maligo. Magcuddle muna tayo babe. Namiss kita. I havent seen you the whole day. Musta babe ko?

Alyssa: ok naman hon. Pagod pero sa cuddle mo lan nawawala na pagod ko. I miss you too po. Saan ka ba galing?

Kiefer: Dyan lang sa tabi tabi.

Bigla namang bumitaw sa yakap ko si Ly at tumingin sa akin ng masama na ikinagulat ko.

Alyssa: hoy ravena. Saan tabi tabi ka nanggaling? Mamaya nambabae ka na. Porke't nawawalan ako ng oras sayo lately baka naghahanap ka na ng iba.

Ang cute talaga magselos ni Ly parang bata nakapout pa. Niyakap ko siya ulet at di naman sya nanlaban at napayakap na ren sken.

Kiefer: Babe naman. Kailangan ko pa bang mambabae? Eh nasayo na lahat. Maganda, masexy, mabait (kiniss ko siya sa lips) at higit sa lahat napakasarap pa humalik.

Natawa naman sya.

Alyssa: Bolero ka pa rin after 5 years. Walang pagbabago.

Kiefer: Hindi bola yun huh. Grabe ka naman babe after 5 years feeling mo binobola pren kita (Nagtatampo kunyare) gusto na nga kita pakasalan eh (pabulong kong sabi)

Alyssa: anong sabi mo?

Kiefer: wala. Sabi ko nagugutom na ko. Di pa ba tayo aalis?

Alyssa: naku kawawa naman ang baby hon ko. Wait lan shower lan ako tapos alis na tayo.

Kiefer: gusto mo sabayan na kita magshower?

Alyssa: RAVENA... (nakapamewang pa)

Kiefer: (niyakap ko sya) babe naman di na mabiro.. sabi ko nga magshower ka na magisa para makaalis na tayo. gutom na tlaga ako eh..

At nagshower na nga siya.. kahit na alam ko naman sa sarili ko na wala akong balak may mangyari sa amin ni Ly bago kami ikasal natatawa parin ako sakanya pag binibiro ko sya. Kala nya siguro gusto ko talaga. Haaaayy pero konting tiis na lang boi malapit na malapit na.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon