BTK 04

38 0 0
                                    

KEIRA'S POV

Unti unti kong minulat yung mga mata ko. Nasaan ako? Ahh... Kwarto ko ito ah? Paano ako nakarating dito? Anong nangyare?


Tinry kong bumangon pero ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko habang sinusubukan kong sumandal sa headboard ng kama ko.


Paano ako nakarating dito? Ang naaalala ko lang lumabas ako at bumili ng ice cream sa ministop. Tapos naglakad lakad ako. Tapos yun na.


Teka... Baka naman panaginip lang lahat ng yun? Eh kung panaginip yun, bakit ganito parin yung suot ko? Eto parin yung kagabi. Meaning hindi talaga panaginip.


*FLASHBACK*


Nakarating ako sa isang parang old warehouse. Natakot ako kasi gabi na at naisip ko baka may mga mamamatay tao dun kaya umatras ako. Umatras ako ng umatras hanggang sa bumangga ako sa isang matigas na bagay.


Hindi ako makatingin kasi natatakot ako. Eto na ba? Mamamatay na ba ko? Bakit nga ba kasi ako nag lakad lakad ng hindi ko alam kung saan ako pupunta? Sa palagay ko bumangga ako sa dibdib ng isang lalake. Rinig na rinig ko kasi yung pag hinga niya eh.


Nagpupumiglas ako. Tinakpan niya yung ilong ko ng panyo. Nakakahilo yung amoy... hindi...ko...na...kaya...

*END OF FLASHBACK*


Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ko lahat ng nangyari. Yung lalaki... Hindi ko nakita yung itsura niya... Bakit niya yun ginawa? Bakit niya ko inuwi? Bakit? Hindi ko alam kung dapat ko bang isipin na mabait siyang tao o masama.


"Oh sweetie! You're awake! Buti naman at gising ka na. It's 7 AM in the morning. May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong sakin ni mommy.


"I'm fine. hmm.. Mommy... Paano ako nakauwi last night? And I'm sorry for leaving without asking for permission." Sincere kong sabi kay mommy. I know nagalala siya sakin.


"It's okay sweetie. Just don't do it next time, okay? Tiyaka yung sa tanong mo, the security guard of this village brought you here."


"Security Guard?" Takang tanong ko.


"Yes. May problema ba Keira?" Tanong sakin ni mommy habang hinihipo hipo yung leeg at noo ko.


"I'm fine. Wait for me sa dining hall. I'm just going to take a bath." Nakangiti kong sabi kay mommy. Tumango naman siya sabay hinalikan niya yung noo ko bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.


Naligo na ko at nag toothbrush. Nag suklay rin ako after ko mag blow-dry ng buhok. Pagkatapos, nag bihis na ko ng pang alis since naalala ko aalis kami ni Abby ngayon.


Naka-plain navy blue na fitted shirt ako at high wasted shorts na black. Nag vans rin ako na color black. Pinili ko rin dalhin yung chanel na sling bag ko para dun ko ilalagay yung phone ko, car keys, and money. Pati narin yung necessary cards like atm and such.


Lumabas na ko ng kwarto after ko mag prepare at dumiretso sa dining hall kung saan nandun si mommy. Nagsisimula na rin siya kumain kaya naman umupo na ako sa upuan ko at nag simula na rin kumain.


"Aalis ka?" Tanong sakin ni mommy. Tumango naman ako bilang sagot. "Sino kasama mo?" Tanong niya ulit.


"Obviously Abby. She's the only person I know here." Natatawa kong sagot kay mommy. Tumango na lamang siya bilang sagot.


"I'm off. May mga aasikasuhin pa ko sa opisina. Take care okay? Love you." Sabi sakin ni mommy at tuluyan na siyang umalis pagkatapos.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NATUS CAEDEREWhere stories live. Discover now