He's just inlove

58K 852 27
                                    

2

Is it just me o talagang nakikita ko si Dave?

And he called me nerd again!

"I'm not a nerd!" I yelled again. Hiding the surprise nang makita ko siya dito. Ano bang ginagawa niya dito?

"Yes you are, nerdy." He chuckled. Mas malapit na siya sa'kin. I can even smell his cologne. "Wag mo nga akong amoyin, baka maubos ako."He smiled. Feeling ko namumula talaga ako. Nice move, Alex.

"Wait! Yan ba ang Alex na hinahanap mo?" A girl shrieked. It's the great Angeline.

"Yes." Dave looked at her with a...cold stare?

Hinawakan ako ni Angeline at tiningnan mula ulo hanggang paa. Minamata ba talaga ako nitong impakta na 'to? As in right now?

Nakatingin pa rin si Dave sa kaniya, ayan naman siya. Nakakatakot naman ang expression niya.

"I can do better than her in bed. I know all the positions, just name it." Angeline flirted. Is she for real? Lumalabas ba talaga sa bibig niya lahat ng naririnig ko? Ano na ang nangyari sa women empowerment and all? Lalong humigpit ang hawak ni Angeline sa kamay ko. I winced. But, unfortunately I'm not in the mood for a fight today; she's not worth all the drama.

Lumayo na rin yung mga babae, alam naman nilang when Angeline do her thing walang lalaki ang sino mang tatanggi.

"Don't touch her or I'm gonna f*cking kill you." Biglang nagsalita si Dave. He's really angry, hindi na siya yung kanina na parang nakikipag-flirt pa. Umiiba ang aura niya right before my very eyes, parang katulad nung huli ko siyang nakitang makipag-away. Binitiwan rin ni Angeline ang kamay ko, napansin niya rin siguro ang pag iba ng ihip ng hangin.

"Come on, babe. Where is it now? My place or your place?" Angeline smiled and shoot her shot again.

But God made other plans for us today dahil napa-gasp na lang ako ng biglang buhusan ni Dave ng mineral water si Angeline sa ulo. At saan niya nakuha ang mineral water? Hindi ko na alam. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

"The next time you touch my girl, siguraduhin mong may insurance ka na." He said with his infamous death glare. Kahit ako natakot na hindi man lang ako yung sin—

Sinong my girl ang sinabi niya kanina?! Ako? Nabingi na ba ako?

Magsasalita na sana ako when all of a sudden. The bearer of the death glare spoke. "Get in the car."

With that cold voice and cold stare, sino bang hindi mapapa-sunod? And with all the people looking at me, kahit siguro serial killer siya, sasama ako sa kaniya at mag thank you pa pag pinatay niya na ako.

Pareho kaming pumasok ni Dave sa kotse niya. Parang insult sa isang magarang sasakyan ang tawagin na 'kotse' lang siya. Yun ko lang napansin na nakasakay na talaga ako sa isang Lamborghini.

Is this the real life? Is this just a fantasy?

Wala rin imik si Dave. Ano namang sasabihin ko? Umalis na kami at hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Teka! Diba, gangster 'to? Baka i-salvage pa ako nito! Ang galing mo talaga Alex! Ba't ka sumama?

Ilang sadali pa tumigil na kami sa park kung saan ko siya unang nakita. Hindi pa rin kami nagsasalita, natatakot ako.

"Be my girlfriend until she wants me back again." Then he sighed.

What?

"A-ano?"

"Bingi ka ba? I said be my girlfriend until Kristina wants me back. I want you to make her jealous! So she'll realize that she's still in love with me!" He yelled. He yelled at me.

Hindi ako nag salita. Hindi ako nag salita kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko pa 'to nababasa sa mga libro!

The gangster is in love? And he wants me to do the dirty job?

Wait. Anong chapter ba 'to ng libro at gusto kong malaman ang susunod na process.

Hindi ako makapag-salita, siyempre ayoko! Mabuti akong tao no!

"You know what?! Forget it! Get out!" Nagulat ako ng sumigaw siya ulit. "Get out of my car now!"

What is happening? Confused to hell na ako.

Binuksan ko na lang ang door at lumabas na, natakot na ako eh. Nakita ko sa mata niya ang galit and... I don't know, pain?

FRIDAY NIGHT

"As in, friend? Talagang sinabi niya yun? Teka. Gusto ko na tuloy makita ang mukha ng Dave na yan."Sabi ni Kathy habang naglalagay ng cream sa mukha niya.

I decided to tell her. Syempre bestfriend ko 'to eh. Halos hindi na nga ako makatulog last night sa kakaisip ng mga sinabi ni Dave.

"Be my girlfriend until she wants me back again..."

"Be my girlfriend until she wants me back again..."

"Be my girlfriend until she wants me back again..."

"Be my girlfriend until she wants me back again..."

"Yes, Kathy! Sinabi niya yun! Ewan ko nga ba't ako pa ang napili niya. Kainis naman! Nako-konsensya tuloy ako." I groaned. Totoo naman. Ba't ko pa kasi siya nakilala! Napaka-nosy ko naman kasi!

"So bakit hindi ka pumayag? Sayang naman girl, gwapo! Sana binigay mo number ko, pumayag pa ako ng bongga!" Tuwang-tuwa talaga 'to pag lalaki ang pinag-uusapan.

"Ano ka ba! Hindi naman ako ganun kasama. At bakit ko naman yun gagawin?" I sighed. Tama naman diba? Wala namang dahilan para magpanggap akong grilfriend niya, diba? Kahit pa sabihing it's a love thing. Hello? 21st century na tayo. Hindi na uso itong mga ganitong paandar.

"Sabagay." Nag smile na lang si Kathy, naiintindihan niya naman ako eh. Kaya nga mahal na mahal ko 'tong baklang to. "Sige na friend, matulog ka na. Tama na ang pang-disturb ko. Alam ko kasing kagabi ka pa hindi nakakatulog..."then nag smile siya sa akin "...kakaisip sa kaniya."

Ah ganun? Hindi ko naman iniisip si Dave. Minsan lang, okay? Okay sige, medyo madalas. Okay? So gusto niya talaga akong pagdiskitahan ha.

"Goodnight Carlo Ian Hernandez!!!" Sigaw ko habang sinasarado niya na ang pinto.

"Che!"

BOOK 1: For The Love of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon