4: "Try-Out. Try- Again?"

1.9K 68 1
                                    

"Baliw na ako sa iyo..."

Chapter 3: "Try-out. Try-Again?"

-

[[Alyssa's POV]]

"Ready na ako, Gretchen." Sabi ko kay singkit habang pinapagpag ang damit ko.

"W-wag, Baldo. Bata pa ako..." Sabi niya. Binatukan ko naman siya. "Aray!" 

"Ang bastos neto. Hindi tayo talo!" Natatawang sabi ko. Kadirii. Hahaha. 

"Dude, ang gwapo ko. Tapos ikaw pa lugi? Ikaw? Ikaw?" Tanong niya. Ang ingay neto. 

"Oo. Hindi ako pumapatol sa taong walang mata. At sinungaling." Pang-aasar ko pa. 

"Heh! Manahimik ka! Nagpapractice na sila, oh! Ikaw nalang hinihintay. Yari tayo kay Dennise neto." Sabi niya. Mga 45 minutes na rin akong nakatambay dito sa dug-out ng Lady Eagles since nag-start yung try-out nila para sa volleyball.

Mwehehehe. 

Sisimulan ko na ang plano kong pagbawi sa Baby Blue Eyes ko. 

BBE <3 Bebe<3 

'Yuck, Jejemon!' -Epal na utak

Manahimik ka!

Syempre, dito ako nagtransfer sa Ateneo De Manila University. *Evil smile* 

Balita ko kasi, sa La Salle nag-aaral yung boyfriend niyang hilaw. Si Myco Antonio ba yun? Basta. Hindi naman gwapo. Pwe.

'Yuuuck. Bitter. Insecure.' -Epal na utak

Sige, sige. Ano pa? 

'Inggit. Selos. HAHAHA.' -Epal na utak

Wala naman sa sariling natapik ko ng hindi kalakasan ang ulo ko, at napansin ni Gretchen. 

"Huy, Baliw ka?" Tanong ni Singkit. 

"Baliw sa kanya. Tara na." Sabi ko at lumabas na ng dug-out.

Nakayuko lang ako habang naglalakad at kinakalikot ang tali ng hoodie kong suot. 

"Guys, ayan na yung bago!" Sigaw ni Dennise. "Hi!"

So hindi niya talaga ako nakilala? Pfft. 

Nag-angat ako ng tingin at ngumisi kay Dennise bago ko tuluyang alisin ang hood ng jacket ko. 

"Hi po." Bati ko. Ngumiti ako sa kanila. Bumati naman sila pabalik. 

"Hi, Miss Den." Loko kong bati kay Dennise at kumindat. 

Nakikita ko na ang usok na lumalabas galing sa butas ng ilong niya. HAHAHA. 

"Anong ginagawa ng kumag na yan dito?" Tanong ni Den kay Gretchen.

"Hindi ba obvious, Miss Den? Syempre magt-tryout. Alangan maglaba ako sa gitna ng court niyo?" Nang-aasar kong sagot sa kanya habang hinuhubad ko ang hoodie ko. 

Until You Were Gone [AD FF]Where stories live. Discover now