2: "Hi."

2.3K 70 10
                                    

"Ice cold, I freeze up when I see you..."

Chapter 2: "Hi."

[[Dennise's POV]]

"Sa Saturday pa daw sasabihin yung results eh. Eh kayo? Kailan kayo magpapatry-out?" Tanong sakin ni Myco habang pinupunasan ang gilid ng bibig ko gamit ang tissue.

"Sa Saturday din." Sagot ko. "So, how's the vacation?" 

"Masaya. Pero sana sa susunod, kasama ka na ng family." Nakangiting sagot niya. Bigla namang nag-ring ang phone niya. "Teka lang ah." Pagpapaalam niya. Lumayo naman siya  para sagutin ang tawag.

 Dad suddenly appeared out of nowhere, again

Kanina pa ba siya nandyan, or...?

Bumalik naman si Myco. Nagkakamot ng batok. 

Parehas sila ni ano ng mannerism kapag kinakabahan.

"Uhm... Dennise, Tito. Mauna na po ako." Nakangiting pagpapaalam nito. Ngumiti naman si Dad.

Nagmano ulit sa kanya si Myco at humalik sa pisngi ko.

"Dad, hatid ko lang po si Mycs sa labas." Tumango naman si Dad.

Hinatid ko na siya labas at sumakay siya sa kotse niya. Pero bago siyang tuluyang magpatakbo, binaba niya muna ang bintana niya at nagflying-kiss sakin. Napangiti ako.

Kunwari ko namang hinuli ang halik niya sa ere at dinikit sa pisngi ko. He smiled and started to drive.

"Anak," Lumingon naman ako. "Get ready. May pupuntahan tayo." Yun lang at pumasok na ulit sa loob si Dad. Sinara ko naman ang gate.

Saan naman?

-

"Dad, just tell me na kasi!"

Kanina ko pa kinukulit si Dad. Ayaw niya kasi sabihin kung saan kami pupunta.

"Manahimik ka, princess." Dad sweetly said. Ugh. "We're on our way to FOREVEEEER!"

I covered my ears nang pakanta niyang sinabi yung "Foreveeeeer!".

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

I saw the flower stand malapit sa Xenon. Napangiti ako.

Nasaan na kaya siya?

Habang tumatagal, napansin kong kila Bang kami papunta.

"Dad, kila Bang ba tayo dadaan?" Kilala niya si Bang. In fact, kilala niya ang buong barkada.

Ilang beses na kaya sila pabalik-balik sa bahay sa loob ng tatlong taon.

Laging nandyan ang mga kaibigan ko para sakin noong hindi pa ako makamove-on sa pag-alis ni 'you-know-who'. Voldemort lang ang peg?

Hanggang sa dumating sa buhay ko si Myco. Yung super duper crush ko bago ko marealize na mahal ko yung bestfriend ko.

Bestfriend kong tinakasan ako. Hays.

"Sweetie, we're here." Rinig kong sabi ni Dad. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"God, why are we here?" Tanong ko kay Dad. Ang tahimik ng bahay nila Bang, parang walang tao. Pero andyan yung car ng parents niya.

Yung katabing bahay niya naman, napaka-ingay.

Until You Were Gone [AD FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon