Authors Note

56.2K 1.1K 169
                                    

Let me clarify some things, This is the history of writing this book and etc.

Ang Last Section po ay Inspired sa Special Section. Uulitin ko po, "INSPIRED". Special Section was the first Mystery/Thriller Book that i have red. Nalaman ko ang about sa Special Section nang nag titingin tingin ako ng libro sa bookstore, At nang napansin ko yung librong "Special Section" Kasi diba parang kakaiba yung Title at syempre pag baguhan ka sa Thriller. Exciting ang unang pag basa mo sa isang thriller book. Binasa ko yung Description sa likod tas parang interesting talaga yung book, pero wala talaga akong extra money nun :3 Kaya bumalik ako after few days at binili yun. Excited na excited ako na basahin yun tas nalaman ko na meron pala sa wattpad nung story. Sabi ko, 'bakit di ko alam?' Siguro di ko lang talaga na eexplore pa yung wattpad. Tas nung natapos ko na yung Book. Talagang na astigan ako, patayan sa isang section? Woah.

Doon nagsimula na gumana ang imagination ko sa pagpatay, XD Minsan iniisip ko kung paano pag may patayan sa room namin? Minsan kinakausap ko yung best friend ko "Dude, Isip nga tayo kung paano papatayin si ano...." Andami naming naisip na kung anong anong kabalastugan Tss. Na parang minascre na namin yung tao.

Kaya naisipan ko na gumawa nalang ng story, isulat ko nalang ng hindi nasasayang yung nasa isip ko. Tas dapat matatalino talaga ang gusto kong characters, Star Section nga unang gusto ko e, kaso nung nagtitingin ako sa wattpad, andami ng ganun na title. Matatalino, etc etc. Kaya ginawa ko Last Section. Last nalang para kakaiba. Tas Type lang ako ng Type tas ito minsan yung nirereklamo ng iba yung. 'Bunutan at Numbering na patayan' sa unang part. Wala pa akong nababasang mga bad comment nung sinimulan ko to.

Sinulat ko ito dahil na inspired ako, hindi para magpakung ano ano.

Wala ngang pumapansin nung sinusulat ko ito, natapos ko ito na nag ka reader ako nung nasa Chapter 25 ata. Tuwang tuwa nga ako kasi atleast nag ka reader din ako, lahat naman tayo gusto na mapansin yung story natin.

I start to write this nung August 29,2014. 15 ata ako nun at talaga naman wala akong alam sa pagsusulat, hindi ko pa alam yung mga writing style. Kaya kung mapapansin niyo medyo hindi maayos ang pagkakasulat. Line spacing at ang pag nanarrate na parang hindi humihinga, Typo at grammar error, etc. At Hindi ko din alam kung ano mangyayari sa story nato, Sinulat ko to kasi trip ko gumawa ng story na may patayan kaya sulat lang ako mg sulat kasi wala naman bumabasa, pero di ko alam habang sinusulat ko to na unti unti kong nabuo yung Plot ng Story. Wala talaga akong nakaready na plot para dito. Nagkaplot lang ako habang nasa gitna na. Kaya na lupitan ako sa sarili ko, paano ko napag connect connect yung mga pangyayari? Lalo na sa killers ko.

Ang mga Characters ko dito ay mga classmate ko at ako yung bida :3 Louie, Etc. Basta malalaman niyo sa Story.

Yung iba nag dro-drop ng mga Mystery story. Alphabet of Death, Suicide Pact etc. Hindi ko pa po nababasa ang mga iyon, nabasa ko ang AoE nung tapos ko na to at tungkol ang AoE din sa bunutan pero yung nabunot mong first letter ang ikakamatay mo.

Ang mga Story talaga talaga sa akin na nag pa Inspired ay Tatlo.

1st, ang Special Section.

2nd, Class 3C Has A Secret na origin ng patayan sa isang school at section. Nabasa ko ito nung nasa gitna na ako ng paggagawa nito, nacucurious kasi ako andaming patayan na story ang nagsasabing dedicated kay Charotera101 ang Author ng Class 3C kaya bumili ako ng book dahil wala sa wattpad.

3rd, Ang 1027017112D ni MyBurning.

Ang astig nga e, Si Ate Oneechan na Inspired sa Class 3C ako na inspired sa Class 3C at Special Section. :)

Haba ng Authors Note? Ganyan din kasing haba yung pasensya ko e pero di ko na natiis -_-

Kaya ko to tinype hindi dahil gusto ko lang magkwento sa nangyari sa pagbuo dito, kwinento ko to para malaman niyo yung nangyari habang sinusulat ko to.

Ang dami kasing rude readers na kung ano ano sinasabi.

May Comment na parang ginagawa akong Joke o Laughing matter. May mga Laugh out loud na emoji na parang minamaliit ako sa comment nila.

Alam kong may ganun talagang tao, hahanap ng pagkakamali para may masabi siya. Crab mentality

Hindi na ako mageexpect na may mag cocomment padin ng masama about sa story, Ganyan naman talaga. Pero atleast nasabi ko na yung side ko.

Ge. Mahaba na masyado. :3

Salamat nalang sa iintindi at sa hindi :)

Last Section (Exclusive under Dreame)Where stories live. Discover now