''ehh. Manong hindi ko po maintindihan.. Kung hindi siya babaero eh bakit ang daming umiiyak sa kanya?'' tanong ko.
''masyado kasing mailap sa babae ang apo ko.. Pag ayaw niya sa isang babae sasabihin niya talaga na ayaw niya sa'yo. Ganun siguro ang ginawa niya. Nung una nga akala namin bakla siya. May itsura naman siya pero wala parin siyang nagiging kasintahan'' ah! Parehas nga sila ni Sam. Parehas suplado! Parehas prangka.. Pag ayaw niya sa'yo sasabihin niya na ayaw niya. Kahit alam niyang masasaktan ka sa sasabihin niya wala siyang pakielam kasi para sa kanya gusto niya lang ipaalam na wala siyang interes sa'yo.
Pano ko nalaman? Eh dati halos araw-araw ding may umiiyak sa school gawa niya. Yung iba binibigyan siya ng cake.. Pinagbabake siya ng cookies tapos itatapon lang ni Sam sa harap niya at sasabihin 'F*ck'. Ang sama no? Ganyan si Sam.
''pag nalalaman nilang apo ko si Blue lagi nalang nila sinasabi sakin na ang sama-sama ng ugali ng apo ko. Ang suplado, mahilig magpaiyak, walang puso. Pero kahit ganun, para sakin hindi masama ang apo ko.''
''hindi ko 'to sinasabi dahil sa apo ko siya. Sinasabi ko 'to dahil simula pagkabata niya nasubaybayan ko siya.'' patuloy niya ''alam kong ginagawa niya yun kasi ayaw niyang makasakit ng tao'' medjo nalabuan ako sa sinabi niya. Ayaw makasakit? Eh bakit nagpapaiyak siya?.
Napansin ata ni manong na medjo naguguluhan ako ''magulo ano? Ayaw niyang manakit pero nakakapanakit siya''
''ah opo. Magulo talaga''
''nung una, hindi ko rin siya maintindihan, pero sa tinagal tagal. Nalaman ko rin ang gusto niyang iparating''
''eh ano daw po yun? Ano daw pong dahilan kung bakit niya ginagawa yun?'' si Sam kasi kaya nambubully eh dahil trip niya lang.. Dahil galit siya sa nanay niya binubuhos niya ang galit niya sa taong nakapalibot sa kanya.
''ginagawa niya yun kasi gusto niyang ipakita kung anong gusto niyang ipakita, sinasabi niyang hindi niya gusto ang isang tao kasi hindi naman talaga niya gusto. Mas mabuti na daw na masaktan sila sa katotohanan kesa maging masaya sa kasinungalingan.''
''masaktan sa katotohanan kesa maging masaya sa kasinungalingan?'' bulong ko.
''kesa pansinin niya yung taong nagtatapat ng pag-ibig sa kanya, hindi niya pinapansin kasi ayaw niyang magbigay ng paraan para umasa yung taong yun sa kanya'' tumango lang ako sa sinabi ni manong.. Tama nga naman yung apo niya.. Kasi diba kung ako man yung nagkagusto sa apo niya tapos pinansin niya ako anong iisipin ko? May gusto din siya sakin. Aasa ako.. Kasi syempre, gusto ko siya kahit simpleng ngiti niya lang bibigyan ko nang kahulugan. Kasi nga gusto ko siya DIBA?
''ah.. Naiintindihan ko na po yung apo niyo manong.. Ayaw niyang makapanakit pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin yung gusto niyang sabihin nang hindi ka nasasaktan'' ngumiti naman si manong.
''pag mahal ka niya, hindi niya ipapakita sa'yo. Pero pag sinabi niya na mahal ka niya maniwala ka kahit ilang magagandang babae ang itabi mo sa kanya ikaw lang ang nasa isip niya. Kaya kahit ganun ang apo ko madami paring nagkakagusto dun.. Loyal daw kasi at hindi manloloko''
''manong sa phase 4 po ah.. San po nag-aaral ang apo niyo?''
''sa Don Aurelio University'' EHHH?? mayaman ba 'tong sila manong? Eh kung mahal sa FSDG mas mahal sa Don Aurelio.. Parang Brent kaya yun milyon ang tuition fee eh.
''scholar siya dun iha. Kaya dun siya nag-aaral'' ah! Naks! Ako nga hindi nakapasa sa Scholarship exam nila kaya sa FSDG ako napunta.
''talaga po? Edi ang talino po pala ng apo niyo'' wahh! Gusto ko siyang makilala.. For sure gwapo yun.. Tapos matalino! Kaso suplado din tsss. Ok na ako kay Sam ayoko ng magdusa pa. :)
''matalino naman, kaso scholar siya dahil sa banda''
EHHHHHHHHHH?????? makalaglag panga pala yung apo ni manong.. Tsss. Kaya pala habulin ng babae eh.. Kasama sa banda..
''ai manong dito nalang po'' kinuha ko na yung wallet ko para magbayad kaso..
''wag na iha.. Nagbayad na yung nobyo mo'' nagbayad na? Bakit parang hindi ko nakita? Tsaka..
''manong naman.. Hindi ko po boyfriend yun.. Tsaka sige po salamat ingat po'' binuksan ko na yung pinto at lumabas na.. Anong oras na yari na naman ako nito.
*ding dong*
lumabas si ate para buksan yung pinto.
''good evening ma'am'' bati niya
''ate.. Wag ng ma'am nakakahiya eh..''
''sige po''
''nandyan na sila?'' tanong ko.
''yes po ma'am kanina padin po kayo hinahanap nila sir'' ai! Ang kulit ni ate! Sabing wag na mag ma'am eh -.-''
pagkapasok ko ng loob ng bahay lahat sila nakaupo sa sofa at nakatingin sakin. Hala! Sabi na nga ba mayayari ako nito eh! Si Sam kasi!
--
AUTHOR’S NOTE
PROMOTE PROMOTE DIN PAG MAY TIME :DD
Si Blue Gutierrez ay bida sa aking isang storya na ‘THAT KIND OF GUY’. KASO INERASE KO NA SIYA hahaha. Next year ko ilalagay :D
Yah! May kinalaman siya sa kwento dito xD bale, magkaconnect ‘tong Make him Change at That kind of Guy. Makiki-uso lang pffft! Jokes! Matagal ko na ‘tong plano. Mas maganda kung magkakakonekta lahat ng story para may twist LOL.
YOU ARE READING
Make him Change
Teen FictionSTILL DON'T KNOW IF I SHOULD CONTINUE THIS OR WHAT. HAHAHA #JEJEDAYS. PARDON ME GRAMMAR NAZIS. THIS IS UNEDITED THO. But before you read this, I have a five questions... First, Have you met a guy or a girl who's irritating? That even if he/she just...
33 -MANONG DRIVER-
Start from the beginning
