33 -MANONG DRIVER-

355 10 0
                                        

__

PLEASE VOTE, COMMENT AND SPREAD IF YOU LIKE!

__

NADINE’S POV

''psst! Tara na!'' nandito na pala kami sa Gil Puyat station. Ako ulit ang nauna sa pag insert ng card. Sumunod si Sam. Aba! Alam na niya. Nakita niya ata sakin haha!

''tignan mo ang bilis diba? Kung nagtaxi tayo malamang hanggang ngayon nandun parin tayo'' sabi ko habang pababa ng hagdan. Hindi na siya nagsalita, anong problema nun at natahimik? Kanina ang ingay-ingay eh.. Na trauma ata sa LRT haha!

''Sir bel air 3'' sabi ni Sam sa manong driver sabay bukas ng pinto ''sakay na''

''Ha? Eh ikaw? Sa bel air 2 ka ah. Sabay na tayo'' hinila ko yung polo niya.

''Don't mind me. Kaya kong umuwi mag-isa.''ngumiti lang siya tapos unti-unti niyang tinanggal yung kamay ko sa polo niya ''sir, kayo na bahala sa kanya. Wala naman kayong gagawing masama diba?'' tsss. Kahit kelan talaga hindi marunong mang-opo 'tong taong 'to. Akala ko ba nagbago na siya?

''oo naman iho, baka siya pa ang may gawin saking masama''

''Manong naman!'' sigaw ko. Tumawa naman silang dalawa ni Sam. Tsss. Sige! Pagtulungan niyo ako!

Sinara na ni Sam yung pinto tapos nag babye na siya.. Dapat kasi sumabay nalang siya! San pa ba siya pupunta? Nako! Pag may nangyari talaga sa kanya baka masapak ko yun. Pag binalak niyang sundan si Rica na-----

''Boyfriend mo ba yun iha?'' tanong ni manong driver.

''ah.. Hindi po kaibigan ko lang hehe'' chaka ni manong chismoso eh. Pero ayos na rin atleast mas komportable ako alam kong wala siyang gagawing masama.

''hay nako, okay lang kung kayo basta alam niyo ang limitasyon niyong dalawa'' napatingin naman ako bigla kay manong sa sinabi niya. Nakahithit din ba 'to?

''nako kuya, hindi po talaga kaibigan ko lang po talaga yun''

''hindi? Halata kaya sa tinginan niyong dalawa. Tsaka matanong ko lang iha masama ang ugali nun ano?''

''ai oo manong sobra, buti nga medjo bumait kahit konti lang pano niyo po nalaman?'' manghuhula ba 'to si manong? Kung oo magpapahula nga ako. Gusto kong maexperience magpahula.

''halata naman. Halata sa tono ng boses niya hindi nga manlang nag oopo. Tsk mga bata talaga ngayon'' napansin din pala ni manong. Ako tuloy ang nahihiya sa pinag gagawa ng Sam na yun. ''pero ang mga taong ganun, ang mga taong tapat kung magmahal. Tunay na tao''

napaisip ako sa sinabi ni manong.. Tapat kung magmahal? Mmm. Oo nga, parang tapat naman si Sam. Tunay na tao? Anong ibig sabihin nun? May pekeng tao ba?

''ano pong.. Ibig niyong sabihin?''

''parehas na parehas sila ng apo ko. Nung nakita ko nga siya naalala ko ang apo ko sa kanya'' pinapakinggan ko lang si manong nakakatuwa naman parehas pala ng ugali yung apo niya at si Sam mukhang magkakaintindihan kami dito ah. Lagi din sigurong sumasakit ang ulo niya sa apo niya.

''naalala ko pa dati, halos linggo-linggo may nagiging pasahero akong babaeng umiiyak.. Yung iba tinatanong ko kung bakit sila naiyak yung iba naman naririnig ko sa usapan nila sa telepono. Lagi nilang sinasabi pinaiyak sila ni Blue Gutierrez, ang apo ko.''

''eh? Edi playboy po ang apo niyo? Ang dami po sigurong babae nun?'' gwapo siguro yung apo nito ni manong.. Madami palang babaeng pinapaiyak eh tsk tsk.

''yun nga ang problema iha.. Hindi naman siya babaero pero ang daming umiiyak na babae sa kanya.. Wala pa ngang nagiging kasintahan yun'' wala? Eh bakit ganun? Anong ginagawa niya? Sinasampal? Isa-isa?

Make him Change Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon