"So hindi ako worth it, Jade?" Halos nakabulong niyang sagot. Halata naman sa boses nitong naapektuhan siya ng sobra sa sinabi ko.

"Hindi ako maghihintay kung hindi ka worth it, Althea. Pero ni hindi mo nga masabi kung hanggang kailan ako maghihintay eh. Ang hirap lang kasing magmahal ng taong lagi kang binibigyan ng rason para bumitaw na. Ung kahit anong higpit ng kapit mo, kung paulit-ulit namang pinuputol ang taling kinakapitan mo, hulog ka parin. And honestly, Althea... hindi ko na alam kung may kakapitan pa ako." Paliwanag ko habang pinipigilan ko na ang pag-iyak.

"Ang sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao... ipaglaban mo. Wag mo daw hintayin na may magtulak sa kanya papunta sayo. Gawin mo ang lahat para hindi siya mawala sayo. Pero paano mo ba naman ipaglalaban ang isang taong siya mismo ang tumutulak sayo palayo?" My voice was slowly betraying me. I didn't know if I can hold on much longer.

"Jade, nakikiusap ako sayo. Just one last chance. Please. Maaayos ko din 'to. Please naman." Pagmamakaawa niya.

"Althea, ilang pagkakataon na ang ibinigay ko sayo. Kulang nalang ako ang magmakaawa sayong ako naman ang isipin mo. But I realized that I really shouldn't beg for love. Kasi ang love, hindi mo naman pwedeng hingin. Kung mahal mo talaga ako, hindi ko na kailangang makiusap sayo na ipaglaban mo ako." Mariin kong sagot.


I had to make her realize.


"Yan ba ang gusto mong isumbat sakin? Jade, sana noon palang, sinabi mo nang nahihirapan ka. Sana sinabi mo na kagad sakin, para itinigil na natin 'to." She said, which suddenly made me change my mind. Ginusto ko nalang na ganito matapos ang lahat samin. Nawalan na ako ng pakialam kung maayos pa o hindi, I just knew the conversation will take us nowhere.

"Are you fucking kidding me right now, Althea?! Lagi talagang dun ung bagsak mo eh no? Imbis na gustuhin mong ipaglaban ako, mas gugustuhin mo paring itigil ang lahat satin. Okay, you know what... I'm done. I'm fucking done!" Galit kong sagot.

Naglakad na ulit ako palabas sana ng condo unit niya, ngunit mabilis niya akong pinigilan. She suddenly wrapped her arms around my waist. I let her hug me but I remained my arms on my side. Naramdaman ko namang umiiyak na si Althea.

"I'm sorry, Jade. I'm sorry. Please, sabihin mo sakin kung anong dapat kong gawin." Pakiusap niya habang nakayakap parin sakin.

"You know what you have to do, Althea. Alam mo, pero ayaw mo lang gawin." Mabilis kong sagot.

Hindi siya nagsalita at hinigpitan lang ang yakap niya. Hinayaan ko muna siya ng ilang segundo habang sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. I didn't want to let myself break. I had to stop my tears from flowing. Paulit-ulit kong ipinapaalala ang mga sinabi sakin ni Lauren kanina.

"Hindi ko kayang mawala ka sakin, Jade. I can't lose you." She cried.


I've heard those words too many times, they no longer sound real. I've been hearing Althea say a lot of things, pero hindi ko alam kung ilan lang ang ginawa niya. Not that I'm counting or anything, kaso kasi ang hirap umasa sa mga salita. Masarap lang silang pakinggan.


"You can, Althea. You're slowly losing me without you, noticing it. Kaya mo. Hindi mo man aminin, alam kong mas kaya mong mabuhay nang wala ako. The one who you can't live without, is Cathleen. Masakit mang tanggapin para sakin, but let's be honest. Siya un." Pagpaparealize ko sa kanya.

"No, Jade. Hindi yan totoo. Mali ang iniisip mo. Kaya ko namang iwan si Cathleen eh. Wag lang muna ngayon. Magulo pa ang lahat. Please Jade, don't give up on me now." She begged one more time as she let go of me.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now