UPBRAID

5.9K 222 10
                                    

CHAPTER 20



SA RESTO


Nagkita kami ngayon ni Sally dahil hindi ko kayang makita si Cathleen at Althea sa office. Umaga palang ay sinabihan ko na ito na sabay kaming maglunch dahil alam ko ngang pupuntahan ni Cathleen ang girlfriend ngayong araw. Althea wanted me to stay, para daw hindi ako magworry kung ano man ang gawin nila. As if naman hindi magiging masakit sa side ko. Nasa office man ako o wala, I wouldn't be comfortable.


"Uyy Jade, kailan mo na ipapakilala ang boylet mo sakin?" My bestfriend interrupted my thoughts.

"Kapag okay na ang lahat." Biro kong sagot.

"Eh kailan naman magiging okay ang lahat? Dadating ba ung time na un?" Tanong ulit niya.

Bigla akong hindi nakasagot dahil kahit ang sarili ko ay hindi alam ang sagot sa katanungan niya. Halos isang buwan palang since Althea confessed her feelings for me. Hindi ko naman siya minamadali, pero sa ngayon ay hindi ko pa makuha ang complete assurance na dadating nga ung araw na magiging ready silang dalawa ni Cathleen.



Gusto kong sabihin kay Sally ang totoo. Besides Althea and Batchi, siya lang naman ang pwede kong pagsabihan. Ayoko narin maulit ung dati na masyado kong itinatago ang sarili ko; and it's not like ibang tao ang sasabihan ko. Bestfriend ko naman si Sally. But I'm pretty sure, this is not gonna be so good.




"Uhmm, best..." I hesitated a bit. Tinignan niya ako at hinayaan na ituloy ko ang sasabihin ko.

"Paano kung sabihin ko sayong naulit ung dati?" Mahina kong tuloy. Napayuko ako pagkatapos kong magsalita.

"What do you mean dati, Jade?" Taka niya.

"Uhmm... college?" I answered with a questioning tone.

"WAIT!! By college, you mean Lauren?!" Gulat niyang tanong.

Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakayuko.

"So ginugulo ka na naman niya?"

"No." Mabilis kong sagot.

"Iba?! Sh*t best. Sabi mo phase lang un? You said it was a one time thing? Ano na naman 'to?"

"Sorry best. Hindi ko naman kasi ginustong mangyari. It just happened. Narealize ko nalang nung hulog na hulog na ako." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"So, ito ung sinasabi mo nung last phone call mo? Sino siya? Please don't tell me na ung kapartner mo sa trabaho." She warned.

Hindi na naman ako sumagot. Eh mukhang ramdam naman na ata ng bestfriend kong 'to ang lahat eh. Kahit hindi na ako magsalita.

"Jade naman. Ano 'tong pinasok mo?! Hindi ka ba natuto nung kay Lauren? Ha?! Tapos may sabit pa 'to." Sermon niya. Her eyes weren't judging like how they were when I admitted my thing with Lauren before. They were only full of concern this time.

Again... I didn't answer. Hinayaan ko nalang na sermonan niya ako.

"Best, hindi ako galit or anything. Hindi rin kita hinuhusgahan. Pero kasi Jade, nakita kita nung nagkalabuan kayo ni Lauren eh. Halos magunaw ung mundo mo. What makes you so sure na hindi na mauulit un? Eh lalo ngayon, sobrang complicated ng situation niyo." Mahinahon niyang sabi.

MAYBE ONE DAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon