TIME APART

6.5K 263 37
                                    

CHAPTER 26



*ONE WEEK LATER*


Mag-isa ako sa opisina the past days dahil napagdesisyunan ni Althea na magpahinga muna ng isang linggo. Maayos naming pinag-usapan un. Sinabi ko sa kanya na hindi niya ako kailangang iwasan dahil kaya ko parin namang magtrabaho kasama siya, pero ang idinahilan niya ay para mawalan ng rason si Cathleen na puntahan siya sa opisina. Nakapagdahilan na daw kasi siya para hindi ito dumalaw sa penthouse unit niya. Kung ano man un, hindi ko na itinanong. Pumayag nalang ako dahil tingin ko, kailangan din naming hindi muna magkita. Hindi para makalimutan namin ang nangyari, pero para makapagpahinga naman muna kami sa magulo naming sitwasyon.

I was checking the interior design proposals for our current project when someone knocked on the door. Nagtaka ako dahil wala naman akong meeting ngayong araw, and I wasn't expecting anyone.

"Pasok." Sabi ko nalang dito.

Nang bumukas ang pinto, laking gulat ko nang makita ko ang tao na pakiramdam ko ay ilang taon ko nang hindi nakikita. Althea. Bigla ko namang naramdaman ang pangungulila ko sa kanya na akala ko'y wala naman.

"What are you doing here, Althea?" Nag-aalangan kong tanong habang nakatayo parin siya sa may pintuan.

"Hello sayo, Ms. Tanchingco." Nakangiti niyang bati sakin. Medyo masaya ang tono nito pero nakita ko rin naman ang bahid ng kalungkutan sa kanyang mga mata.

Nilapitan niya ako, dahan-dahang umupo sa lamesa ko at halos tumapat sa kinauupuan ko.


I don't really know what to feel right now. Ang alam ko lang masaya akong makita ulit si Althea. And there are still butterflies in my stomach as we look into each other's eyes.


"Kamusta?" Tanong niya.

"Ayos lang. Ang daming trabaho. Ikaw kasi eh, ang tagal mong bumalik." Biro ko nalang sa kanya, at natawa kami pareho.

"Patay! Eh paano na? Mukhang madadagdagan pa yan sa mga susunod na linggo." Nakailing naman niyang sagot pero nakangiti ito.

"What do you mean?"

Bigla siyang yumuko at huminga nang medyo malalim. Agad rin naman niya akong tinignan pagkatapos nun.

"Nandito lang ako ngayon para ipaalam sayo ng personal." She said.

Kinabahan naman ako bigla.

"Ang alin, Althea?"

Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago sumagot.

"I'll be gone for a month, Jade. Actually, dapat two and a half weeks lang dahil un lang naman ang sabi ni Papa. May pinapaasikaso kasi ulit siya sa New York. But I requested to extend my office leave. Feeling ko kailangan ko muna ng break." She explained.

In a way, I was relieved that it's not what I was thinking. But at the same time, nalungkot rin ako dahil hindi ko siya makikita at makakasama ng isang buwan. I want to tell her that she can take a break here, pero ayoko kasing pakialaman ang desisyon niya. Besides... maybe we both need this. Sabi nga ni Batchi, we need some time apart, right? Maybe this will really help us.

"Kailan ang alis mo?" I plainly asked.

"Bukas ng gabi."

Tumango lang ako at hindi na ulit nagsalita. Halos isang buong minuto nabalot ng katahimikan ang silid. Althea was the one to break it this time.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now