Prologue

23.2K 684 75
                                    

Dedicated to lgbtPH

PAALALA:

Hindi po ako isang propesyonal na manunulat. Ang kwentong inyong mababasa ay base lang po sa aking imahinasyon, tinatakbo ng isipan at nilalaman ng puso.

Hindi lang po iisa ang manunulat sa mundong ito kaya hindi niyo po masisisi ang sinuman sa amin na may pagkakahawig ang kwento, foreign man o lokal.

Take note: Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. Para lang po ito sa mga taong may malaking pang-unawa. Ang mga salita at damdaming nakapaloob sa kwentong ito ay base lang po sa sarili kong opinyon at wala pong balak na makasakit ng damdamin ng iba dahil ginawa ko lang po ito para ipahayag ang nararamdaman ko sa malayang pagsusulat.

And lastly: Kung feeling niyo po ay hindi niyo kayang magbasa ng ganitong kwento o hindi niyo nagustuhan ay malaya po kayong lisanin ang kwentong ito. Uulitin ko po. Hindi po ito para sa lahat at hindi po ako ang ideal na otor niyo. Salamat.

Practice Safesex guys. Always use Condom be a responsible Top. Be a Cleaner bottom. Be educated. Wala pong masamang pag-usapan ito "Awareness" sa mga kalahi natin. Love ourself and our partner.

Free to read.. Free to vote.. Free to comment. Salamat.

Ang Pagkopya Ay Mahigpit Na Ipinagbabawal!

Enjoy reading :)

___________________________________________

Gaano ba kahirap magkaroon ng pamilya? Ako hindi ko alam e. Alam niyo kung bakit? Eh hindi ko pa kase nararanasan kung paano magkaroon ng sariling pamilya. Ngayon lang.

Sabi nila kapag bakla ka, pera lang ang habol nila sayo. Sabi nila kapag bakla ka, walang magmamahal sayo ng tunay kase nga bakla ka. At sabi nila kapag bakla ka, asahan mong tatanda kang mag-isa. Ikaw naniniwala ka ba?

Ako? Oo, siguro noon. Pero nagkamali ako. Hindi lahat ng lalaki sa mundo ay pera lang ang habol nila sa bakla. Minsan kase, kasalanan din ng ibang bakla kung bakit bumababa ang tingin ng iba sa kanila. Wag kasing pairalin ang pera, para hindi pera ang mahalin sayo kundi ang buong pagkatao mo. Irespeto mo muna ang sarili mo bago ka irespeto ng iba.

Mahirap talagang makahanap ng totoong mamahalin mo sa buhay lalo na't nabibilang tayo sa sinasabi nilang ikatlong lahi. Sabi nga nila tatanda kalang daw mag-isa kapag naging bakla ka. Hindi ako naniniwala diyan. Alam mo kung bakit? Nasasayo na yan kung bakit hindi ka makahanap hanap ng taong mamahalin mo sa buhay dahil diyan sa pagka-choosy mo.

Kaya dapat magmahal ka ng tao na hindi lang puro itsura, kundi may ugali din.

Ay sorry hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Jerol Ong-Madrid. I'm 20 years old. Sa maniwala kayo o sa hindi, kasal na ako at may anak narin. Di ba ang bata ko pa. Si Lionel Madrid, 21 years old ang Asawa ko.

Hindi kayo nagkakamali ng basa. Lalaki ang asawa ko at nakatira kami sa iisang bubong kasama ang mga anak namin. Siguro naman sa hinaba haba ng panahon. Its time naman para ibahagi sa inyo ang buhay naming mag-asawa, kasama ang asawa kong si Lionel.

Gusto ko lang kasing ipakita sa inyo o ibahagi sa inyo ang buhay namin bilang mag-asawa, tulad namin. Gay couple kami. Gusto ko rin iparating sa inyo na pwedeng maging posible ang imposible, basta gagawin mong posible ang lahat at hindi ka babase sa sasabihin ng mga taong makikitid ang utak.

Hindi lang babae at lalaki ang pwedeng magka-anak. Hindi lang babae at lalaki ang pwedeng bumuo ng pamilya. Kahit sino sa atin pwede. Tomboy, trans gender, Bisexual o kahit bakla ka man. Lahat tayo ay may karapatang mabuhay ng normal.

At isa pa! Hindi ko kelangan ipaintindi sa kanila kung sino o ano ako, lalo na sa mga taong mapanghusga na kung tutuusin ay makasalanan din naman tulad ko. Yun nga lang hindi ko sila hinuhusgahan dahil hindi ako sila.

Yung mga lalaki diyan na papasok sa isang boy to boy relationship. Tanggapin niyo muna sa sarili niyo ang buo niyong pagkatao bago niyo pasukin ang isang bagay na hindi naman pala kayo sigurado. Masakit ang maiwan at lokohin ka sana alam mo yan. Wag kana lang makipagrelasyon sa kapwa mo, kung alam mo naman pala ang tatahakin mo sa huli. Hindi kami isang bagay na pwede niyong pag-experimentuhan at kapag ayaw niyo na ay iiwan niyo na lang ng basta.

Kung gusto mong bumuo ng pamilya, then go! Pero, Wag ka naman sanang maging makasarili at manggamit pa ng bakla para lang diyan sa kalokohan mo. Tao ka, tao rin kami. Kung nasasaktan ka, mas lalong nasasaktan kami. Kung ikaw, gustong magkaroon ng normal na pamilya. Kami? Ang gusto naman namin ay ang mahalin, tanggapin at respetuhin kami. Kahit yun lang! Kahit yun nalang.

Alam ko namang may totoo paring mga lalaki diyan na kayang magmahal ng totoo sa tulad namin na walang hinihinging kapalit.

Ako? Mas pinili ko kung saan ako magiging masaya at hindi ang isipin ang sasabihin ng iba. Ang makasal at makasama sa habang buhay ang taong mahal ko ay wala nang hihigit pa. You only live once.

Ang asawa kong si Lionel Madrid. Kasama ang mga anak namin ay kakayanin namin ang hamon ng buhay. Hindi na ito ang nakaraan kung saan, ay nakakulong ka sa kadiliman. Iba na ang panahon ngayon kase mas nagiging vocal na ang tulad natin. Mas nagkaroon na tayo ng konting liwanag at pag-asa, na pwedeng dumating ang panahon na magiging normal na rin ang ganitong relasyon.

This is our Story! This is THE MODERN FAMILY!

___________________________________________

*Ang basa po sa pangalan ni Lionel ay Liyo + nel = Liyonel.. Maganda lang yung spelling baka iba ang pagkakabasa niyo pinangunahan ko na kayo :)

If you dont like mahabang drama or thoughts sa bawat chapter you can skip it and mag focus kayo sa daloy ng kwento. Dont stress yourself.

Hello guys. Sana po ay suportahan niyo rin ito gaya ng pagsuporta niyo sa iba kong kwento. Pakibasa na rin po ang "Peymus" Hehehe.. please support!! :) :*

April 24, 2016

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon