Chapter 7

48 0 0
                                        

Relihiyoso itong school namin.  

Kaya naman biglaan kaming ipinadala sa ibang school na di kalayuan para sa isang Bible Assembly. Oo, biglaan-- walang preparation o ano pa man. At ang top five lang ng section SSC at top five ng Regular Class ang ipinadala.  

Kung ang top one to four ay sila Katja, Nadette, Grace, at Chillian, ako naman ang top five.  

Mula first year, ako ang top five.  

Silang apat ang mga kasama ko. Ano pa bang ini-expect niyo? Siyempre, OP ako. Ang sama nga, eh. Sana hindi na lang ako napasama dito.  

Hindi ko rin naman mapakisamahan ang mga taga-Regular Class. Sa CGU kasi, panget ang relasyon ng SSC section sa Regular Class. Kaya gustuhin ko mang makisama sa kanila, ayaw nila sakin.  

In short, I'm alone...  

...and bored.  

At dahil sa boredom, hindi ko namalayang nakaidlip na ako sa gitna ng speech/lecture/talk (di kasi ako nakikinig dahil sa antok, kaya hindi ko alam kung ano nga talaga yun).  

Puyat din naman kasi ako eh. Ayoko mang mapuyat, pero kailangan talaga.  

Alam niyo ba ang feeling na may group project. Tapos, by cleaners pa yung groupings. Gaya ng sabi ko noon, groupmates ko ang mga goons/ganster/di grade conscious. Sa tingin niyo ba may maaasahan ako?  

Meron nga. Nagamot-amot na lang sila ng bayad at ako na lang ang gagawa. Ayos ano? Kaya naman naiinis ako tuwing may group project.  

Mabuti sana kung ang project namin ay yung walang kamatayang pagdidikit ng mga dahon sa bondpaper at lagyan lang ng konting description. Ang kaso, hindi eh. Hindi habang buhay ganun kadali ang haharapin ng isang estudyante.  

FLASH!  

Para namang nagising ako mula sa pagkakaidlip. Ano ba yun? Akala ko kasi flash ng camera. Guni-guni ko lang yata.  

"Lady Dominique, nasan na mga classmates mo?" tanong ni ma'am na nag-chaperone sa amin.  

Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Pero wala na sila sa mga upuan nila.  

"H-hindi ko po alam, ma'am," sagot ko. Naka-idlip nga kasi ako at hindi ko namalayan kung saan pumunta ang apat.  

"Ano ba yan, nag-CR lang ako sandali eh," parang naiinis na sabi ni ma'am.  

"Okay, let's proceed to the other segment of our program- The Bible Quiz Bee" sabi ng host.  

Napalaki ang mga mata ni ma'am.  

"Jusko, Dominique, hanapin mo na ang mga classmates mo. Mag-uumpisa na yung quiz bee!" nagpapanic si ma'am.  

Luminga-linga naman ako para hanapin ang apat. Kainis naman kasi si ma'am. Bukod sa biglaan na itong pagpunta namin sa event, biglaan din yung quiz bee na ito.  

"Each school must have three participants on stage blah blah blah..."  

"Three?! Bahala na!" hinawakan ni ma'am ang manggas ng uniform ko.  

Kinabahan ako. "Ma'am, don't tell me~ !"  

"Punta na sa stage, Dominique," mariing utos nito.  

"Pero ma'am!" protesta ko. Ano namang isasagot ko?! Fish bone na naman?!  

Hindi na ako pinansin ni ma'am at hinarap nito ang dalawang babaeng students sa Regular Class.  

"Akyat na rin kayo dun," sabi ni ma'am.  

She RulesWhere stories live. Discover now