Chapter 6 (Justine is back)

151 4 3
                                    

Soul Mate Part 6

By: Zander

Laking gulat ko ng makita ko si Justine. Halo halong emosyon ang aking naramdaman dahil sa pagkakita ko sa kanya. Nanatili lang ako sa aking kinakatayuan at tinignan lang sya, nilapitan nyako at ngumiti na parang wala lang, na parang wala lang lahat habang ako nagagalit na natutuwa na kinakabahan di ako makapagsalita. Niyakap nyako at mas lalo akong kinabahan halo halong emosyon.

"Kamusta dave? Mukang masaya kana ata sa iba"

"Ahhh eehh okay lang. Kaibigan ko yun si franz. Ikaw kamusta?"

"Okay lang rin"

"Bat bigla ka nalang nawala 2months? "

"Gusto mo ba malaman dave? "

"Hhmmm. Oo kung pwede"

"Osge tara may pupuntahan tayo"

"Ha? Saan naman? May gagawin pako"

Nalungkot naman ito at nagsalita

"Ngayon na nga lang ako nag aya uli tatangihan mo pa"

Sabagay namiss ko rin tong letse na to!

"Oo na san ba yan? "

Ngumiti naman ito uli at nagsalita

"Basta tara na sa kotse"

"Okay"

Ng makapasok na kame sa kotse ay bigla nyakong niyakap ulit at nagsalita

"I miss you dave"

Di ko nalang ito pinansin dahil nahihiya ako mag miss you too sa kanya.

"San ba tayo pupunta justine? "

"Basta don't worry ako bahala sayo"

"Okay "

Tahimik ulit walang pansinan, naiilang ako di ako mapakali kaya nagsalita ako.

"Malapit na ba tayo? "

"Wait maybibilin lang ako dito sa mini market "

Pinark nya ang kotse nya sa minimarket at di nako pinababa dahil saglit lang naman daw sya kaya nagstay nalang ako dito sa kotse at hinintay sya. Mga ilang minuto ay dumating nadin sya at pumasok sa kotse at maybitbit na mga beer na nasa can lang.

"Justine ang dami naman nyan maglalasingan ata tayo ha"

"15 lang pieces lang naman yan ako na uubos pag di mo na kaya, don't worry"

"Bahala ka dyan ang iinumin ko lang yung kaya ko ha"

"Ayan nanaman sya sa pagiging masungit nya saken oh"

"Aba syempre Haahahah"

Nagtawanan lang kame na parang tanga. Hanggang sa makarating na kame sa isang bahay. Ang ganda parang simple bahay na pang sosyal ang datingan.

"Justine dito ba tayo? "

"Yep dito tayo"

Pumasok na kame sa loob at meron din itong mini garden sa likod at may table ang ganda. Dun kame pumunta at pumwesto para makapag usap at inuman narin.

"Cuty ko"

Nabigla ako sa tinawag nya sakin, ang tagal ko din hindi narinig yun ah

"Oh ano?! "

"Di mo ba ko namiss? (Seryoso ang muka ni Justine)"

Hindi ko masagot ang tanong nya saken at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Oo namiss ko sya sobrang miss ko sya pero di ko magawang sabihin hindi ko alam kung bakit.

Soul Mate (Bi-sexual love story)Where stories live. Discover now