Chapter 5 (Bonding)

77 2 0
                                    

Soul mate Part 5

By: Zander

Lumipas ang 2 bwuan ng hindi nagpaparamdam si Justine at hindi ko nalang ito inisip at pinansin pero kahit ganon ay hindi parin nawawala ang pag aalala ko sa kanya at pagkamiss. Pero hindi ko na lamang ito ininda dahil narin sa pagkabusy ko sa aking pag aaral at itinuon ko nalang ang aking atensyon sa aking mga kaibigan. Matatapos na ang aming 1st sem. Kayat magkakaroon kami ng 2 linggo na bakasyon. Kasama ko sila bea, cheng, mico, franz, alexander at si andrea sila ang mga classmates na kaibigan ko na lagi kong kasama sa lahat ng lakad mga loko loko sila pero kahit ganun man ay di naman naapektuhan ang pag aaral.

Papunta kami ngayon sa mall upang kumain dahil manlilibre si Franz isa sa mga kaibigan namin na medyo rich kaya't ng matapos ang aming klase ay agad kaming pumunta sa SM Megamall para makapag nonding doon. Kumain lang kami at naglibot libot. Si franz ang isa sa mga kaibigan ko na pinaka close ko sa lahat. Habang naglilibot kame ay biglang nagsalita si franz.

Franz: Oy guy's nood tayo cine KKB (Kanya kanyang bayad) si dave lang ang ililibre ko ng ticket bwuahahahaaa.!!!!

Bigla namang nagsalita si mico.

Mico: Aba bat sya lang dapat lahat kami grabe ka naman.

Franz: Oy wag na maarte libre ko na nga yung foods aarte ka pa Haha tsaka isa pa ang yaman yaman mo gusto mo ililibre ka pa. 250 lang ang ticket oh.

Mico: Grabe to Hahaha sge na nga sagot ko na si bea!!!

Bea: Wow thank you mico :* Ano nakain mo ngayon? Sili ba? Hahaha.

Mico: Edi wag na bahala ka dyan.

Bea: Jk lang thank you himala kase ililibre moko.

Alex: Osya ako na sagot kay andrea tutal babe ko naman to. Hahahaha.

Andrea: Wow babe ha?! No thanks ako nalang bibili ng ticket ko.

Alex: Jk lang ito naman di mabiro. Haha sagot na kita okay wag na pumalag kiss kita dyan e.

Andrea: Ulul Don't me Haha pero thanks sge.

Mico: O okay na Haha naks patner patner tayo except kay Dave at Franz bromance Hahaha.

Nagtawanan naman lahat kaya feeling ko nainsulto ako pisti tong franz na to lakas mang asar.

Franz: Bromance pala ha. E kung umuwi kana kaya para kame nalang ni bea. Ano?!

Mico: Oy pare walang ganyanan saken lang si bea. Hahaha nagbibiro lang ako e ikaw naman.

Me: Oy mukang kutong lupa manahimik ka baka tigayawatin yang makinis mong muka. Masasayang ang kagwapuhan mo kay bea nyan. Hahahah

Natawa naman si bea sa sinabi ko.

Bea: Bwuahahhaa. Nako babaero si mico. Baka masapak ko yan.

Mico: Oy ang bad mo saken ha. Hahahha tara na nga bumili na tayo ng ticket.

Bumili na kami ng ticket, Horror ang napili namen para naman may thrill. Ng makapasok na kame ay wala pang masyadong tao kaya nakapamili kame ng naayos na pwesto at sa gitna kameng lahat kaso kame ni Franz ang sa likod nila dahil patner patner nga sila at magkakatabi kaya dito lang kame sa likod. Ng dumami na ang taong nagpasukan ay kinuha na ni franz ang popcorn at drinks namen para makapag ready na. Nagsimula na ang palabas nakakatakot nga ito dahil sa sound effect palang ng pinapanood namen ay katakot takot na at lalo na ang taong pumapatay. Napapasigaw sila bea, cheng at andrea kapag may scene na nakakabigla kayat napapahawak sila sa mga boys na sila mico, at alex habang si andrea naman na walang patner ay katabi si cheng at napapahawak din pag nagugulat ito. Ako naman ay di maiwasan na mapahawak sa braso ni franz dahil nagugulat ako syempre di ako sanay manood ng horror. Natatawa lang si franz saken at hinahayaan lang ako. Ewan ko ba kay franz di manlang natatakot o nasisigaw sa palabas parang tanga lang. Maya maya ay may napansin ako sa kabilang upuan sa dulo na may nakatitig sa amin na lalaki kaya't tinignan ko ito ng mabuti ng malaman kung sino ito pero bigo ako dahil hindi ko maaninag ang kanyang muka dahil sa madilim, Hindi ko nalang ito pinansin at nagfocus nalang sa aming pinapanood pero hindi nako makapanood ng maayos dahil sa nakatitig saamin. Napansin naman yun ni franz kayat tumingin sya sakin at nagsalita.

Soul Mate (Bi-sexual love story)Where stories live. Discover now