Chapter 30

8.2K 203 7
                                    

Janella's POV

"Janella okay ka lang ba?" Naramdaman kong tinapik ni Pat yung balikat ko.

"A-ah sumakit lang yung ulo ko" sabi ko

"Tara na uwi na tayo.. Baka may makakilala pa sayo dito mas lalong sasakit yung ulo mo" sabi niya at tinulungan akong tumayo.

-

Nakaalis na si Pat. Ayaw niya pa ngang umalis kanina kaso sabi ko okay na ako kaya naman umuwi na siya. Humiga na ako sa kama at natulog.



-










"Really it's only me?" The girl giggle. W-wait it's that me?

"Of course" the boy said

"Don't leave me okay?" She said

"Of course I will never leave by your side" He said









-

Napabalikwas ako dahil sa panaginip na yon. What was that? Blur yung mga face. I can't see it. Ano bang ibig sabihin nito? Napapunas ako ng pawis dahil sa panaginip ko. Bakit ako nanaginip ng ganito. Ughhhh.



Lance POV

"No you'll follow me simply because I'm your father " Psh whatever.

"So what's your plan?" Tanong ko. Nakita ko yung pag-ngisi niya.

"Kukunin ko sakanya ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya" Sino kaya?

"Who?" Tanong ko mas lalong lumawak yung ngisi niya.

"You'll see" sabi niya at tumayo "I better go" sabi niya at tinapik yung balikat ko bago umalis.

May kutob akong masama sa binabalak niya. Kailangan ko siyang mabantayan. Ayoko siyang mawala saakin.

-

Pumunta ako sa room ni Janella. Nagdoorbell na ako. Bumukas ito at nakita ko si Janella na hinihilot ang sintido niya. Anong nangyayari sakanya?

"Are you alright?" Tanong ko at inakay siya papuntang sofa.

"Sumasakit lang yung ulo ko" sabi niya. Wait diba isa ito sa sintomas ng may amnesia? Pero ang tanong may naaalala kaya siya?

Pumunta ako sa kitchen niya at kumuha ng tubig.

"Here drink it" sabi ko at inalalayan siyang uminom ng tubig.

"Thank You" sabi niya pagkatapos niyang uminom ng tubig.

"You need to rest Janella" sabi ko

"I will" sabi niya at ngumiti ng tipid



Janella's POV

Nakaupo kami dito sa sofa ngayon. Talagang sumasakit yung ulo ko. Hinilot ko ito dahil hindi ko makaya yung sakit.



"I got you Janella" sabi ng isang lalaki na bata at binuhat yung batang babae

"Hahaha put me down Ice" tumatawa na sabi ng babae

"Okay.. Okay I will put you down" sabi ng lalaki at binaba ang batang babae.




Napahawak ako sa ulo ko. Naramdaman kong may tumapik saakin. What was these all about? Bakit ba ako nagkakaganito?


"Janella!" Rinig kong sumigaw si Lance. Gusto kong ibuka yung bibig ko but I can't. What's happening to me? My body feel numb.












Then everything went black. *_*

Pretending to be a Nerd (COMPLETED-EDITING)Where stories live. Discover now