Chapter 4

16.5K 409 3
                                    

Janella's POV (Chloe)

Ang kapal talaga nitong lalaking ito. Kung di lang may masakit saakin baka sinapok ko na talaga to. =_= Nandito kami sa mansiyon nila. Pero tawa pa rin siya ng tawa. Alam niyo ba kung bakit yan tumatawa. Ganito kasi yun:

FlashBack

"Oyyy...wag ka ngang makulit" sabi niya saakin.

"Ibaba mo na kasi ako" pilit ko. Nahihiya na ako. Kanina niya pa ako binubuhat! Hindi naman ako pilay para buhatin niya!

"Wag na lampa ka kasi"

"Sinong lampa.. Sinasabihan mo ata sarili mo" sabi ko at inirapan siya.

"Oo na. Pshh ayan na.. Happy?" sabi niya at binaba ako

"Good. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Second Floor at liko sa right may makikita kang black door. Nag-iisang black door" sabi niya kaya umakyat ako kasunod siya pero kung minamalas nga naman may natapakan akong madulas na bagay kaya nadulas ako.

"Waaahhh" tili ko ng napaupo ako. Napangiwi ako. Kung minamalas nga naman!

"Hahahahahahha" aba't tawanan ba naman daw ako -_-

"Hoy tawa-tawa mo jan?!" Sabi ko sakanya

"Haahha hindi daw lampa" sabi niya grrrr.... Nakakainis tumayo ako pero ang sakit ng pwetan ko. Waahhhhhh... >_< Nakakainis. Pagkatayo ko nang maayos nauna akong pumunta sa black na door ng marinig ko ang tawa niya kaya sumigaw ako ng pagkandalakas.

"Waaahhhh may beki po dito. Mabulunan sana sa kakatawa" sigaw ko bago pumasok sa pinto

"Hoy.. Beki ka diyan bumalik ka nga dito" yun ung huling narinig ko. Che!

EndOfFlashback.


"Hahhaahaha" tawa pa rin niya

"Tumigil ka na nga" sabi ko

"Lampa" sabi niya

"Beki" sabi ko kaya napahinto siya sa pagtawa at tumingin ng seryoso saakin.

"Ako beki.. Papatunayan ko kung beki ako" sabi niya at sabay labas ng killer smile niya. Ang gwapo 0_o niya..... Waaaahhh. Palapit siya ng palapit saakin hanggang sa pumikit na ako.

"Hahahah look at your face" tawa nanaman niya kaya kinuha ko ung unan niya sa kama niya at ibinato sakanya.

"Tumigil ka nga" sabi ko at umirap sakanya.

"Hahahah" tawa niya. Leche naman o. -_-. May naramdaman nanaman akong tubig sa bibig ko. Hinawakan ko ito at dumudugo nanaman ung bibig ko. Waaaahhh! napatingin ako kay Ice at napalingon rin siya saakin. Huminto siya sa pagtawa at tumayo at pumunta kung saan.=_=

Pagbalik niya may hawak siyang first aid kit.

"Umupo ka gagamutin ko yang sugat sa bibig mo" sabi niya. Kaya umupo ako sa kama niya.

Kumuha siya nang bulak at ipinahid ito sa gilid ng labi ko para maalis yung dugo.

"Wag ka nang lalapit kay Cassandra huh? Mapapahamak ka lang doon" seryosong sabi niya

"Opo commander" sabi ko

"Pshh... Basta tandaan mo yung sinabi ko" sabi niya at tinapos na yung paggagamot... Tumayo na siya at lumabas.

Pretending to be a Nerd (COMPLETED-EDITING)Where stories live. Discover now