BT10 : The Norosaki siblings

Start from the beginning
                                    

" oo ba. Pwede ko namang ituro yun sa inyo pero..." Ako


" pero?" Misaki


" pero kailangan niyong makagraduate sa taong ito."



" eh? Bat naman ganun katagal?" George

" ayaw niyo? Sige wag na lang." Ako at muling kumain

" no.. Sige ! Payag na kami." Sila


^____^

" okay."



----------------------

Lunes na ngayon at pasukan nanaman. Hayyyyyyy ! Bagong araw nanaman para sa akin at sa D-class

Kasalukuyan akong patungo sa office ni Boss Rei, nandoon na daw kasi sa office nya ang tatlong transferee. Paano ko nalaman? Syempre tinext niya ko,textmate kami ee hahaha

As usual kakatok ako sa pinto at maririnig ang "come in" at papasok. Ganun naman lagi

Pagpasok ko ay agad kong napansin ang tatlong estudyante na nakatayo sa harapan ng lamesa ni boss Rei habang siya ay relax lang na nakaupo.
Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo

" Nica these are your new student, Georgette,Nessete and Reign E-jay Norosaki. Guys this is your adviser Nica Yashiro" Pakilala niya sa tatlo at nagbow naman sila bilang paggalang sa akin at ganun din ang ginawa ko

Magkakaiba sila ng behavior. Si Georgette mukhang mahiyain at di pala salita. Si Nessette naman ay kabaligtaran niya, palangiti at mahahalata talagang masayahin siyang bata. Si Reign E-jay naman ay may pagka-mysterious,tahimik at seryoso kung tumingin.
Ayon sa obserbasyon ko sa kanila ngayon ay mukha naman silang hindi gumagawa ng masama. Mukhang mga mababait at hindi alam ang salitang "gulo" kaya paano sila napunta sa D-class . But looks can be deceiving ikanga.

" ngayon ang pormal na pagsisimula nila sa academy na to. Ikaw na ang bahala." Rei

Kaya tumango ako sa kanya at ngumiti sa tatlo.

" Tara na?"

-----------------

Nasa tapat na kami ngayon ng pintuan at tahimik lang ang mga estudyante ko sa loob katulad ng tatlong nasa likodan ko ngayon.

" dito muna kayo ha at ipakikilala ko kayo sa kanila." Ako

Nginitian lang ako ni Nessete at ni Georgette. Si Reign naman ay tumingin lang sa akin ng diretsu.

Creepy


Pagpasok ko ay nagulat ako ng makitang nagbabasa silang lahat. Bawat isa sa kanila ay may hawak na libro at ang ilan ay nakareading glasses pa.

May himala !

Ngingiti na sana ako at muntikan ko na silang purihin ng makita kong baliktad ang librong hawak ni Ivan at parang may isang magazine rito.

" wow... Kung araw-araw sana ay ganito ang madadatnan ko rito." Ako at ngumiti sa kanila

" ah ganun talaga sensei medyo nakahiligan na rin namin ang pagbabasa eh." Sagot ng kaklase nilang si Ed at nagsitanguan naman ang iba


" ganun ba? Alam niyo malapit na e." ako



" ang alin po sensei?" Tanong ni Misaki nang hindi nakatingin sa akin sabay buklat ng isang pahina ng librong hawak niya.


" malapit na eh. Malapit na akong maniwala na may himala at magpapyesta. Pero kasi hindi pulido ang plano niyo. Dahil may isa sa inyo..." Ako sabay lakad papunta sa direksyon ni Ivan, nakatingin na rin silang lahat sa akin at inaabangan ang susunod kong sasabihin.

" ang hindi ginawa ang dapat." Ako sabay hablot ng librong hawak ni Ivan
I hear some of them groaned

" wala naman siguro sa inyo ang magbabasa ng baliktad?" Ako

" ah kasi... Uso yan ngayon sensei. Alam mo na." Palusot ni Ivan


" habang may isang magazine ng mga magagandang modelo." Dagdag ko at tumalikod para bumalik sa harapan.

" pahamak ka talaga ! "

" ibibitin talaga kita mamaya."

Ibinato sa kanya nila Glenn ang librong hawak nila kaya todo ilag siya rito.


"Okay enough ! Mayroon akong ipakikilala sa inyo. Guys you can come in now." Tawag ko sa tatlo at mukhang nagulat pa sila ng tawagin ko sila pero di kalaunan ay isa-isa na silang pumasok. Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Misaki at ang pagtingin sa kanya ng mga barkada niya. Sa tingin ko ay kilala na nila ang tatlo

" meer your new classmates, Georgette...Nessette and lastly Reign E-Jay Norosaki" Turo ko sa kanya sunod kay Nessette at panghuli ay si Reign.

" pwede na kayong maupo sa mga bakanteng upuan malapit kanila Lexter."

Mayroon kasing apat na bakanteng upuan malapit sa kanila Lexter at George. Since tatlo ang Norosaki siblings ay may isa pang bakante.

Walang imik silang naupo doon at nagtataka naman ang ibang D-class kung bakit biglang natahimik sila Misaki.

I think there is something I must know.

-------------------

-SOMEONE'S POV-

" I think siya na ang pinapahanap sa atin ni Master." Nakayukong sabi ng kapatid ko

" Yeah I think so. Sa wakas ay nakita na natin siya" Masayang sagot naman ng isa pa

" huwag muna kayong pasisiguro. We need to observe her actions first. Mahirap na ang magkamali." Seryosong sabi ko



Nahanap ka rin namin. Sisiguraduhin kong madadala ka namin kay Master. We need to. Kahit delikado

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now