"HAHAHAHAHA!!"

"AHH! Sabi nang wag kang tumawa eh!" Napailing naman niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay. Halatang frustrated ang itsura.

"HAHAHAHAHA!! Eh pa..ano..HAHAHAHA!!" Hindi ko matapos tapos yung sasabihin ko dahil sa confession niya, hahaha..naunahan ko pa pala syang maexplore ang star city kung ganun. Jusme, sang bato ba ito nagtatago?

"Nagpromise kang hindi tatawa.." Oy wala kaya akong sinabi..

"Hindi kaya..Hahahaha! Ayos ka ah..ah alam ko na, punta tayo nina Mitchie sa Saturday. Treat ko kayo!" Excited kong suggest sa kanya.

Agad namang nagliwanag ang mukha nito na parang batang bibigyan ng candies.. "T-talaga?! So hindi ka na sasama kay Lyndon?" Awtsu..oo nga pala no?

"Ah--eh.."

"Hindi ka na nga sasama kay Lyndon niyan?" Ngumiti siya..oh me magagawa pa ba ako? Ako narin kasi mismo ang nagsuggest na mag Star City kami sa Sabado di'ba. Maiintindihan naman yun ni Lyndon.

"Mas matanda sya sa'yo." Inulit ko yung sinabi niya sa akin, pero ngumiti lang sya.


Nagpunta nga kaming tatlo nina Mitchie sa Star City, sa sobrang excited ata ni Jan-Jan eh nangingitim ang paligid ng mata nito. Nakatikim tuloy ito ng maagang pang-aasar ni Mitchie.

Natawa kami sa expression nito pagkababang pagkababa kasi namin ng sasakyan, seryosong tumakbo na sya agad dun sa ticket booth. Ang sabi ko ay iti-treat ko sila pero si Jan-Jan parin ang nagbayad ng tickets namin, bumawi nalang daw ako sa pagkain mamaya.

Agad niya kaming hinatak ni Mitchie sa mga indoor rides, sabi kasi namin na mainit pa sa labas kaya di namin maeenjoy yung mga rides doon kaya naman mamayang 5 or 6 pm nalang kami lalabas doon. Para namang bata itong si Jan-Jan, kung saan saan kasi kami hinahatak. Andun pumunta kami sa 4D Max Rider, Mummy House, Horror House, Blizzard, yung miniature ata ng anchor's away na nakakahilo..at eto ang pinakamalupit..

NAKIPILA DIN KAMI DUN SA PETER PAN! Nakakatawa, paano puro bata yung mga katabi namin sa pila, ay sabagay..may bata nga pala kaming kasama. Tuwang tuwa pa sya dahil nago-glow yung suot niyang white shirt sa ultraviolet lights..malamang di'ba..haha!

Para kaming yaya ni Mitchie na sunud ng sunod kay Jan-Jan kung saan niya maisipang pumunta. Magsu-super late lunch na sana kami ng biglang nagpaalam si Mitchie, may pupuntahan daw silang party kaya naman susunduin na sya..mag-enjoy nalang daw kami at magpicture picture para sa kanya. Ngayon lang kami nakumpletong tatlo pero aalis pa sya. Babawi nalang daw sya next time.

Ayun nawalan tuloy ako ng ganang kumain, anong oras narin, almost 6pm..lunch slash dinner na ito eh.

Si Jan-Jan parin ang nagbayad ng pagkain, ang kulet..sabi niya ako na? Anyare naman? Anong sabi niya? Itreat ko nalang daw sya ng dessert, hay nako..pagkatapos kumain ay inaya ko narin sya

sa labas para ma-try din niya ang mga rides na nandun.

Syempre naman dun kami unang pumila sa star flyer, at dahil alam ko na kung nasaan yung nagpi-picture talagang ngumiti pa ako doon. Nung makita namin yung picture ay halos di maipinta ang mukha ni Jan-Jan, paano ko raw nahanap yung camera, hahaha..talagang pinilit pa niya akong sumakay ulit para lang makapag-pose din daw sya. Nakatatlong sakay pa kami bago niya nakuhang ngumiti at saka lang niya binili yung developed picture. Tig-isa kami, remembrance..haha.

Saka naman triny yung iba pang rides..pagod na pagod kami nang makalabas kami sa amusement park na iyon. Paano pa ako, hinang hina na ako dahil hindi nga ako gaanong nakakain kanina.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now