MNGB 23:Welcome Canada

9.3K 263 7
                                    

Jamela's POV

Nandito na kami sa Canada to start a new life,ako at si Arthur.Sa kanila muna ako titira dahil wala pa akong bahay dito and kailangan ko pang makita ang magulang ko .

"Jamela?",sabi ni Arthur habang nakahawak sa kamay ko."Magsisimula ulit tayo sa simula,dito sa lugar na'to"

Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa exit at sumakay na sa bus.

After an hour.Nakarating na kami sa mansyon nila,mayaman eh.At ang ganda ng view ng bahay nila.Para ka naring nasa mataas na bundok gaya ng sa Pilipinas,malamig nga lang dito.

"Are you ready?",sabi ni Arthur habang hinahawakan ang balikat ko.

"Yes",sabi ko habang may malapad na ngiti.Niyakap niya ako ako kaya gumanti rin soya ng yakap.

Ding dong! Ding dong!

"Yes! Coming! ",sabi nung nasa doorbell.Naririnig naman namin ang footsteps ng paparating na babae.Binuksan na niya ito.Nanlaki ang mata niya sa nakita niya.

"Hijo! Your back! My ghod!",sabi niya habang mahigpit na niyakap si Arthur at gumanti naman si Arthur ng yakap.

"I miss you, Tita",sabi ni Arthur.Naghiwalay naman agad sila ng yakap at tinignan ako ng maigi ng isang matandang Pilipinang babae.

"Sino siya?",tanong niya kay Arthur habang may nagtatanong na mukha.

"Tita...",putol niyang sabi habang inakbayan agad ako."She's my girlfriend.And she'll stay here for a...month",sabi ni Athur.Ngumiti lang ako kay Tita(char kung maka-tita ako) at ngumiti rin naman siya.

"Hello.Ang ganda mo namang bata",aniya habang nagshe-shake hands kami."What's your name?",tanong niya.

"Ahm. Jamela po.Jamela Shane",sabi ko kay Tita.Lalong lumaki ang ngiti niya nung sinabi ko na ang pangalan ko.

"Oh! What a nice name! How are you today?",tanong niya.Naku! Nosebleed ako nito.Hindi ko pa naman attitude ang mag-english.

"O-kay lang po",sabi ko.

"Ahhh",sagao niya.


"Ahm.Tita?",tanong ni Arthur habang naka-akbay parin sa akin at naglilingon sa loob ng bahay."Is Mommy around?", dugtong niya.

"Wala pa dito Mommy mo.Naggo-grocery kasama si Michelle",sabi ni Tita."Ay oo nga pala bata ka!",sigaw niya habang hinahawakan pataas ang buhok sa gilid malapit sa tenga ni Arthur.

"Aray Tita!",sigaw ni Arthur sa sibrang sakit.Nagulat lang ako sa nangyari."Tita,masakit po yan!"

"Bakit ka naglayas? Ha? Alam mo bang alalang-alala kami? Akala namin hindi ka na babalik bata ka!", Si Tita habang pinapalo-palo si Arthur sa dibdib.Humiwalay na si Arthur sa pag-akbay at nag-cross ng arms sa dibdib niya para maharangan ang bawat palo ni Tita.

"Tita,teka! Papasukin niyo naman po kami!",sabi ni Arthur habang hinaharangan parin ang bawat pagpalo ng tita niya.Mabuti't tumigil na ang Tita niya dahil kung hindi niya pa yun napatigil? Malamang ako na ang nagpa-palo palo kay Tita,palaban kasi ako eh.Tsaka ayokong masaktan ang boyfriend ko noh.

"Sige na.Pasok na kayo",sabi ni Tita.Diretso naman kaming oumasok.Kanina pa kaming nandito eh.Kanina kami nagkukwentuhan.Malamang nangangawit na ang oaa namin.
Nakapasok na kami at sabi ni Tita na pupunta muna siya sa kitchen.

Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin