Akmang kukunin nila ang first aid kit ko ng pigilan ko sila.

" sandali. S-sa tingin ko ay h-hindi na ako tatagal pa. M-magpakabait kayong mabuti." Kunwaring nahihirapang sabi ko at ibinuga ko ang konting ketchup na kanina ay ininom ko kaya dumaloy ito sa bibig ko

" s-sensei huwag kang bibitiw." Misaki

Huwag kang bibitiw bigla... Huwag kang bibitiw bigla ahhhh. Higpitan lang ang iyong kapit ! Hahaha choss

Natatawa na ako pero pilit ko itong pinipigilan.

" sensei ! Pangako magpapakabait na kami. Mag-aaral na rin kami ng mabuti." Ivan

" t-talaga?" Ako

" yes sensei. We promise you that. Lahat ng sasabihin mo ay susundin namin. Huwag ka lang mawala. Please sensei huwag mo kaming iiwan." Glenn at pumatak ang luha sa mga mata niya

Nagulat ako dahil dun. Wow may pinanghuhugutan?

Nakita kong naluha na rin ang iba lalo na si Dex na may uhog pa. Yak kadiri.

" sigurado kayo? Hindi na kayo magiging pasaway? Gagawin niyo lahat ng sasabihin ko?" Ako

Tumango sila bilang sagot, kaya dahil sa galak ay napapikit ako. Hayyys

" sensei no !" Sigaw nila at niyakap nila ako.

Binatukan ko naman sila isa-isa kaya bigla silang napahiwalay sa akin at kapwa mga nagulat.

" sensei?" Lexter

" wala ng bawian ha !? HAHAHA !" Ako sabay hagalpak. Kita ko ang pagkalito sa mga mukha nila

" pfft.. Aray sakit ng tiyan ko. Sorry, this blood is just artificial guys." Ako

Wow makapagsabi ako ng artificial noh eh ketchup at tubig lang naman. Hahaha para tunog sosyal

" yung mga baril kanina ay galing dito sa loob. At mga rubberguns lang ang mga iyon kaya walang mamamatay. Pero syempre masasaktan ka." Dagdag ko

" why did you do that?" Glenn at nakakunot-noo parin siya

Ay naasar ata

" i just want to test kung gaano kayo kahanda sa mga di inaasahang pangyayari. Gusto kong malaman kung ano ang gagawin niyo." Ako, pero ang totoo ay trip ko lang. Ehe pero syempre hindi ko sasabihin yun.

" tinakot mo kami sensei." Dex

" pasensya na.he-he... But I think you need a more serious training." Ako



Nagkatinginan naman sila bago tumango sa akin.

" But before that. Pwede bang... Kumain muna tayo?" Ako kaya nagtawanan sila

Mga pasaway !

" sensei, ako na lang magluluto ha ??" Masiglang sabi ni Dex

" oo nga sensei. Dito ka na lang sa sala at magrelax." Segunda pa ni George

" kami na lang maghahanda, tara lex." Misaki at hinila si lexter sa may kusina

" hoy Ivan ! Halika dito." Sigaw ni misaki kya walang nagawa si Ivan kundi ang sumunod sa kusina. Naiwan kaming dalawa ni Glenn dito sa Sala.

" hindi ka ba tutulong sa kanila?"

" tinatamad ako." Sagot niya ng di tumitingin sa akin.

Hala nagalit ata?


" galit ka ba?" Tanong ko kaya agad siyang lumingon sa akin at mabilis na umiling

" h-hindi. Nabigla lang kasi ako." Pag-amin niya... Dahil dun ay bigla kong naalala ang nakalap kong informations about sa kanya

Shit ! Bat ko ba nakalimutan ang bagay na yun?

" sorry." Ako

" natakot kasi ako ng makita kita kanina. Akala ko talaga ay totoong tinamaan ka ng bala." Nakayukong sabi niya

Namatay ang mommy niya dahil sa isang gunshot sa dibdib. At ang mas malala pa sa harap pa niya ito nangyari pagkatapos ibigay sa kanya ng mommy niya ang isang teddy bear. Pero hindi tulad ni Lexter, si Glenn ay mas lalo pang pinag-aralan ang baril kaya dito siya magaling. Halos pareho lang ang nangyari sa kanila ni Lexter ang kaibahan lang ay ibang tao ang bumaril sa mommy ni Glenn.

" natakot ako na pati ikaw ay mawala." Dagdag niya. Nakita kong naluluha na siya kaya ipinatong ko ang ulo niya balikat ko at niyakap siya. Dahil doon ay tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

" shhh. Tahan na." Alo ko sa kanya kaya humigpit ang yakap niya akin


" sensei... Pwede bang..." Glenn

" ano yun?" Tanong ko,naghehesitate kasi siya kung sasabihin ba niya o hindi. Humiwalay siya sa akin at nagkamot ng ulo





" can you be my




Ate?" Siya na parang isang batang humihinge ng isang candy


Nabigla ako sa sinabi niya pero di kalaunan ay napangiti rin

" oo ba,bakit hindi?" Ako habang nakangiti at inabot ko ang mukha niya para punasahan ang luha niya

Ngumiti rin siya at niyakap ulit ako.


" thank you. Thank you ate." Glenn at pinanggigilan pa ako





" ahem. Paano naman kami ? " Misaki

Nakita kong nakatayo sila sa tapat ng pinto ng kusina.

Ngumiti muna ako bago nagsalita

" aba, sensei niyo na nga ako ate pa?." Kunwaring asar ako kaya bigla silang napasimangot at laglag balikat.


" oh come on, my little brothers." Ako sabay spread ng braso ko. Napangiti naman sila at tumakbo sa kinaroonan ko at niyakap ako.


Sheez ! Wrong move

" ATE !" Sigaw nila





*phew*

Ang isang teacher ay hindi lang isang taong magtuturo sayo ng different formulas,different concepts and etcetera. Sila din ang magsisilbing magulang mo sa school. Pwede rin namang ate, why not? Teaching is not just about teaching but also touching every students heart.

Teacher na nga, ate pa. San ka pa?

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now