Chapter 46 - Protector -

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tsk. Hindi kita pwedeng patayin ngayon! Papahirapan ka muna ni Boss bago ka mawala!"

Nanginginig ako sa takot ng lumabas sila ng pinto. Pinapaputikan nila yung part ng poste sa itaas ng ulo ko. Kung ako 'yung tinamaan, baka wala na ako ngayon.

"Sa..Sapphire" nanlaki ang mata ko ng marinig ko s'yang nagsalita.

"A-are you....okay?" malalang-malala 'yung natamo n'ya. Yung puti n'yang t-shirt ay halos naging pula na sa dugo n'ya. Putok ang labi n'ya at nagdudugo yung kamao n'ya.

"A-anong......ANONG GINAWA NILA SA'YO?!" Hindi ko mapigilang mapaiyak ng makita kong umiling lang s'ya at ngumiti.

"No. No. No! Anong ginawa nila sa'yo?! Anong nangyari?! Sabihin mo!"

"W-wala naman s-silang ginawa masyado sa..kin," nakangiting sagot n'ya kahit halata mong hinang-hina na.

Napakagat-labi ako at hindi ko mapigilan ang pag-iyak, "W-wala?! E halos hindi ka na makilala sa tindi ng mga sugat mo tapos wala?!"

"N-nag-aalala ka? I-I'm fine. E ikaw? O-okay ka lang?"

Tumango ako. Pinipigilan kong mapahikbi sa lagay n'ya. Parang ang tagal-tagal na n'yang naghihirap sa lagay n'ya.

Sandaling tumahimik ang paligid. Walang nag-iimikan sa'min. Tanging ang paghinga n'ya ang naririnig. Naghahabol s'ya ng hininga. Mukhang..sobrang sama ng lagay n'ya.

"T-tell me.." basag ko.

Tumingin s'ya sa'kin at hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"I-ikaw ba...yung tumawag sa'kin na unknown number? Ikaw...ikaw r-rin ba yung nagtext sa'kin na h'wag ng tumuloy sa party?! Ikaw ba?!"

"Y-yes.."

"Then why?! Bakit mo ako ayaw papuntahin?!" hindi ko mapigilang sumigaw. Frustrasted na ako. Sa lagay namin, sa lagay n'ya at nag-aabang sa'min na kapahamakan sa lugar na 'to. Dagdag mo pa na wala sa'kin ang mga gamit ko. Naalala ko rin na pinatay ko yung phone ko. Ang tanga-tanga ko!

"Because t-they want to kill you! Ayokong mawala ka! Dibale nang..dibale nang ako yung mapahamak at sumalo sa gagawin nila sa'yo! Ayokong mapahamak ka! Ayoko!" sigaw niya. Kita ko ring nangingiligid ang luha n'ya. Mas lalo akong napaiyak.

"Bakit sinasakripisyo mo pa ang sarili mo? Bakit?" matamlay kong tanong. Ngumiti s'ya sa'kin.

"Because I love you, Klayne. Forever.."

Tuluyan akong napahagulgol, "B-but I...I don't feel the same..Why? Bakit..bakit mo -" naputol ang sinasabi ko dahil sa naging sagot n'ya.

"Because I'm willing to sacrifice my life for you. A long time ago, I promised something to you. I'll be your protector. I will always be. I'll protect you no matter what kasi mahal kita. Kahit hindi mo ko magawang mahalin. Po-protektahan kita kahit buhay ko pa ang mawala," nakangiting sagot n'ya. Pinagmasdan ko siya at nakita kong tumutulo na ang mga luha n'ya.

Napayuko ako saka napakagat labi.

Hindi ko deserve ang ganitong klaseng pagmamahal. Hindi ko deserve ng isang babaeng katulad ko ang pagmamahal n'ya. Hindi ko deserve ang ganyang klaseng pagmamahal mula sa katulad n'ya. Hindi..Hindi talaga.

"N-no. You need to live. Sa..ibang babae mo ibigay ang buhay mo. H'wag sa'kin. I'm not the right girl for you. I'm not the perfect girl for your life. I don't deserve your love..Not me. S-stay alive. H'wag mong i-alay ang buhay mo sa'kin. H-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kahit kailan 'pag sinakripisyo mo amg buhay mo para sa'kin!"

"You will always find a way to forgive yourself. Ikaw ang happiness ko kaya ngayong alam kong hindi ka sa'kin masaya. Parang nawalan na din ako ng ganang mabuhay pa. Kasi hindi mo na ako mahal. Kasi nasa iba ka na. Kasi hindi na ko. Kasi wala ka na. Kasi wala ng tayo."

Napahikbi ako sa mga sinasabi n'ya. Narinig ko din ang mahina n'yang paghikbi saka tinuloy ang sinasabi n'ya.

"Pero kung mawawala ako ng dahil sa'yo. Sasaya ako. Kahit mabuhay ka at maging masaya ka sa piling ng iba. Kahit ang dahilan ng ngiti mo ay hindi ako. Sapat na 'yon para sa'kin. Kasi alam kong kaya napagpapatuloy mong ngumiti ay dahil nagawa mong mabuhay ka. Nagawa mong makaligtas at mabuhay pa. Mabigyan pa ng chance na makasama ang mahal mo. Nagawa mo ang lahat ng 'yon dahil sa sakripisyong gagawin ko.
"Wh-what do you mean na gagawin mo?" kinakabahang tanong ko.

"I have a plan..Listen, maluwag lang ang pagkakatali ng mga mokong na 'yun sa'kin. Magagawa kong makakawala. Ililigtas kita, Klayne. Nakikita mo ba yung pintong 'yun?" turo n'ya sa pintong nilabasan nung mga lalaki kanina.

"Paglabas ng pintong 'yan, mga lumang makina ang bubungad sa'yo. Nasa isang abandoned factory tayo. Medyo malaki ang lugar na 'to pero dire-diretso lang para makalabas. Kukunin ko ang atensyon ng mga bantay. Madami sila pero priority ko ang safety mo. 'Pag lumabas na tayo, mauna kang tumakas. Susunod ako sa'yo. H'wag na h'wag kang lilingon sa'kin. Kailangan mong makaligtas. Humingi ka kaagad ng tulong."

"P-pero paano ka?"

"I'll be fine. Sa kaso ko, kaya ko pa naman. Don't worry. Mabubuhay ako."

"Live, Ace. Live."

---
Tadaaaa! Musta naman? Sorry kung ngayon lang nag update. Sinong nag-akalang si Kiefer yung nagligtas kay Sapphire sa chapter na 'to? Taas kamay. Lol.

No schedule of update.

Innocent meets  Leader [TO BE REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon