Chapter 2 : Abort Mission

Začít od začátku
                                    

"Eh? Really? How come they can teach a fetus inside a mothers womb? Anong tinira mo? Katol? Yung floral scent?" sarcastic na sabi naman ni Rancess sabay inirapan pa niya ito. 

"Ran! I'm damn serious! Stop fooling around! Kapag hindi mo ako tinulungan, kakausapin ko ang mga parents mo at sasabihin kong naging cover girl ka sa isang men's magazine!" pamba-black mail ni Josh sa kanya. 

Gulat na gulat naman si Rancess sa sinabi ni Josh dahil hindi niya alam kung pano nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Alam niyang maingat niyang ipinatago ang identity at ang true features ng mukha niya doon.

"How did you know about that? Arrggh! Your such a pain in ass! Sige na! Wag na wag ka lang makapagsumbong kila Mommy! Kung hindi asahan mo, manghihiram ka ng mukha sa aso!" bulalas ni Rancess. 

"Ok promise! Tara na! Gawin na natin yung presentation para matapos na agad!" masayang sabi ni Josh habang hinihila patayo si Rancess. 

Naku! Kung hindi lang talaga kita mahal, matagal na kitang tinapos nung mga panahong may pagkakataon ako. Nasabi ni Rancess sa isip niya. 

"Oo na! Maliligo muna ako!" tumayo si Rancess at pumunta sa walk in closet niya. Paglabas niya ay naka bath robe nalang siya at matalim na nakatingin sa kanya si Joshua. 

Shit! Itong batang 'to talaga! Tsk! Ang init tuloy ng pakiramdam ko! Anak ng! Snap out of it Josh! Hindi mo dapat pinagnanasahan yan! Parang little sister mo lang yan e! Kinakausap din ni Josh ang sarili habang nakakatitig pa rin kay Rancess. 

 "Hoy! Nakatungakngak ka dyan? Epekto ba yan ng katol? O epekto ng charms ko?" naka-smirk na sabi pa ni Rancess sabay hinawi ang buhok niya.

Napailing naman si Josh at ngumiti din.   

"Ikaw yata nagkatol e? Sige na maligo ka na dun!" sabi ni Josh habang tinutulak si Rancess papuntang CR.

"Aray ko naman! Kung makatulak wagas!" inis na sabi ni Rancess habang nakasandal sa may pinto ng CR.  

"Bilisan mo na!" nanlalaki ang matang sabi ni Josh. 

"Pangit mo! Haha!" natatawang sabi ni Rancess habang naka-cross arms na nakatitig kay Joshua. 

"Pag di ka pa naligo niyan, ako magpapasok sayo sa banyo na yan, AT AKO ANG MAGPAPALIGO SAYO!" Joshua said in a warning tone. 

Nagulat naman si Rancess sa sinabi ni Josh. Binuksan niya ang pinto nung banyo at dahan-dahang pumasok habang naka peace sign kay Joshhua. 

Rancess' POV

Grabe nakakatakot si Joshua kanina. Parang mangre-rape. Nanlalaki yung mga mata niya at nanlalaki pa ang butas ng ilong niya. Hihi. Which makes him so cute. 

Ano kayang ginagawa nun? 

Bigla namang umilaw ang light bulb sa ulo ko.Tatagalan kong maligo para lalo siyang mainis. Cute-cute niya kasi pag naiinis e. Well, insert some evil laugh here. 

** After 30 minutes** 

Joshua's POV

Tsk tsk tsk! Nananadya talaga 'to!

Kalahating oras na siyang nasa banyo ah? Nalunod na ata yun? Katukin ko kaya? Pero baka anong isipin nun? Pero nakakainis na e!

Kinatok ko na siya sa banyo. Bahala na kung ano mang isipin niya.

"Rancess! Buhay ka pa? Nalunod ka na ata dyan? Huy??" sabi ko sa kabilang side ng pinto nung banyo. Walang sumasagot. Tsk! Lakas talaga ng trip neto. 

Fine*Furious*Females [The Legends]Kde žijí příběhy. Začni objevovat