Chapter 2 : Abort Mission

1.3K 38 2
                                    

Hehe..Thank you po sa mga nagbabasa nito. XD*

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------

3rd Person's POV

 "Ma'am Rancess! Gising na!" gising ni Manang Nena kay Ran.

 "Pabjfhmhiyutfes!" sagot ni Rancess habang gumugulong sa kama niya.

     Napakamot sa ulo si Manang Nena dahil sa sagot ni Rancess. Napasuko na tuloy siya sa paggising dito at hinarap nalang ang nasabing bisita ni Rancess. 

"Hay naku! Ikaw na nga mang-gising dyan sir." Sabi ni Manang Nena kay Joshua na kanina pa nakatayo sa tabi ng kama ni Rancess. 

Lumabas na si Manang Nena at sila nalang dalawa ang naiwan doon. Lumapit si Joshua kay Rancess at kinulbit ito ng kinulbit pero wala pa rin. Ni hindi man lang ito natinag sa pwesto niya. Napa-buntong hininga si Joshua at pumaywang pa. 

"Miss Rancess McQuillen! Pag di ka pa tumayo dyan bubuhatin kita at ihahagis sa bintana!" Pagwawarn ni Joshua . " I'm waiting.. 10..9..8..7..6..5..4..3..2..1" 

Wala paring kibo si Rancess. Napaka-sarap pa rin ng tulog nito.

"Talagang ayaw mo ah?" binuhat na ni Joshua si Rancess. Nabigla naman si Rancess sa ginawa ni Joshua. Hindi niya akalaing bubuhatin nga siya nito. Kanina pa kasi siya nagtutulog-tulugan para pag-tripan si Joshua. 

"Waaaaaaah! Put me down!" Sigaw ni Rancess at nagpupumiglas siya. 

"Ok!" Kibit balikat na binitawan naman siya ni Joshua kaya bumagsak si Rancess sa sahig. 

"Pakinshit! Bakit mo ako binitawan?" Inis na sigaw ni Rancess ng bumagsak siya sabay hinimas ang balakang. 

"Para magising ka!" sabi naman ni Joshua. 

"So kailangan binabalibag? Arrghh! Bwisit ka talaga! Hindi man lang magpakagentle man para tulungan akong tumayo!" inis na inis na sabi ni Rancess. 

"Buti nga hindi kita hinagis e.. Tsaka kaya mo naman tumayo ba't pa kita tutulungan?" seryosong sabi ni Joshua na nag-cross arms pa. 

"Bullshit! ewan ko sayo! " nagdadabog siyang tumungo sa kama niya at nagtaklob ng kumot. 

"Hey? Tatampo agad? Bilis na ,tumayo kana dyan.." naglalambing na sabi ni Josh habang niyuyugyog si Rancess. 

"Ano ba kasi kailangan mo? Punta punta ka dito tapos binabalibag mo lang ako." Parang batang sabi ni Ran. 

"E wala akong magawa sa bahay e. Tsaka para matapos na natin agad yung presentation. Baka patayin ako ni Dad kapag wala akong naipakita bukas." sabi ni Joshua habang nakatitig lang kay Rancess. 

"Anak ng tokwang pating naman oh! Joshua! 19 lang ako! Narinig mo ba yun? 19 lang ako at nag-aaral pa. Tapos pagagawan mo ako ng presentation para sa kompanya niyo? Josh? Ok ka lang?" dirediretsong sabi ni Rancess na parang hindi makapaniwala sa gusto ni Joshua. 

Binatukan ni Joshua si Rancess.

 "OUCH! Ano ba? Nakakadami ka na ah!" sigaw niya habang hinihimas ang ulo niyang binatukan ni Joshua. 

"Wag mo ng ipagduldulan sa akin na 19 ka lang. Hoy! Kahit 19 ka lang alam kong madami kang alam diyan. Ikaw ba naman ang nag-iisang heredera ng mga McQuillen, malamang nasa tiyan ka palang ng nanay mo tinuturuan ka na sa pagpapalakad ng kompanya at mga negosyo niyo." singhal ni Joshua kay Rancess. 

Fine*Furious*Females [The Legends]Where stories live. Discover now