Chapter Thirty Five

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pero paanong nandoon pa rin siya noong puntahan kita?"

"She was so drunk that night. Doon na siya sa sala nakatulog. Hindi ko alam kung saan siya exactly nakatira at hindi ko matanong dahil bagsak na siya. Sinukahan pa niya 'yong damit niya kaya kinailangan kong pinasuot ko 'yong pinakamaluwag kong shirt. I swear to God, i never touched her."

Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa sinasabi nito. But a part of her want to believe him.

"Gusto kong sabihin sa 'yo ang totoo, pero gago ako. Hindi kita agad hinabol para magpaliwanag. Pagkatapos nun, nalaman kong naaksidente ka. At nang magkamalay ka, sinubukan kong magpaliwanag sa 'yo at sabihin na walang nangyari.. Pero itinaboy muna ako palayo. It was my fault. Hindi kita puwedeng sisihin dahil malaki ang kasalanan ko sa 'yo. Dapat hindi agad ako nagalit sa 'yo noong nalaman kong pinaniniwala mo lang ako na itinigil mo na ang pag-inom mo ng pills.. Napakababaw kong tao para magalit sa yo agad dahil doon. Mahal kita, pero nabulag agad ako ng galit at hindi kita hinintay na magpaliwanag. I just want us to have a child.." Kinagat nito ang labi, may luhang tumulo sa mata nito.. "Pero ako din ang naging dahilan para mawala 'yon sa atin."

 Napakurap si Kim. Biglang lumuhod si Diego sa harap niya. "Kahit hindi mo sabihin sa akin, i know what happened.. Alam kong nakunan ka nang ma-aksidente ka. You lost the baby and it was because of me." His voice cracked. "It was all my fault.. You had the right to hate me. Nawalan na ako ng lakas ng loob na kausapin ka pagkatapos mo akong itaboy noon. I hated myself, too. Naisip ko, hindi mo na ako gugustuhin pang makasama o makita. At para iyong lasong pumapatay sa akin. Dahil kahit hiwalay na tayo, kahit dalawang taon na ang nagdaan... Walang araw sa buhay ko ang dumaan na hindi kita naisip.. Walang oras na hindi ko sinisi ang sarili ko sa pagkawala ng baby natin, lalo na sa pagkawala mo sa buhay ko."

"Inakala ko na doon na tayo nagtapos. Na hindi na kita malalapitan.. But when i saw you at gay bar, naisip ko na baka may pag-asa pa tayo ulit. Pero pinaramdam mo pa rin sa akin ang galit mo. Hindi mo lang alam kung paano ako nadurog. Gustong-gusto kitang kausapin at lapitan pero naduduwag ako. Funny. Sa dami ng operasyon na nagawa ko sa trabaho, ikaw lang 'yong kinakakatakutan ko." His tears steadily rolled down his chiseled cheeks.

 Nanginginig na kinagat niya ang ibabang-labi. Malakas ang tibok ng puso niya. Gusto niyang isipin na nananaginip lamang siya. Pero hindi niya maloloko ang sarili. Talagang nakaluhod sa harap niya si Diego at inaamin ang lahat ng saloobin nito. Nais niya itong yakapin at aluin. Ngunit para siyang naestatwa sa kinauupuan.

"Alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa ginawa kong pagpapanggap at pagsisinungaling. But that's the only choice i had to make me you stay with me. Pinilit ko pa ang doctor na palabasing may amnesia ako just to be with you. I know i'm being selfish and an asshole again, but i love you, Kim.. I love you so much that i'm willing to do everything just to make you mine again. Mali bang sumugal ako para lang makuha ulit kita? Mali bang magpanggap para lang makuha ko ulit ang pag-ibig mo? I promise to myself, kapag naging akin ka na ulit, wala na akong balak na pakawalan ka pa. Pero kung ayaw mo na sa akin, hindi naman kita pipilitin.." Malungkot na ngumiti ang binata. Hawak nito ang kamay niya at pinaglapat ang kanilang mga palad.

 Then, he licked her lips nervously. "It's up to you if you would still choose to be with me. Sa lahat ng nagawa ko, alam kong hindi na ako karapat-dapat sa 'yo. Pero kung kailangan na sumugal ako ng paulit-ulit sa yo, gagawin ko.. Dahil ikaw lang ang kaya kong mahalin, Kim. Ikaw lang ang tinitibok nito." Dinala nito ang kamay niya sa tapat ng dibdib nito.

 "Diego.."

Her tears fell. Ramdam niya ang bilis ng puso ng binata at pareho lamang sila ng nararamdaman. Pareho lang silang nagdusa noon at hanggang ngayon ay naghihirap pa rin. Ngayong narinig niya mismo sa mga labi ni Diego kung gaano siya nito kamahal, hindi na niya kaya pang makita ang paghihirap nito.

 Umiiyak na niyakap niya ng mahigpit ang nobyo. Hindi nito dapat akuin ang lahat. Pareho lamang silang nagkamali. Ang nakaraan ay nakaraan na. Nagbigay iyon sa kanila ng aral, pero dapat na nila iyong ibaon at limuting tuluyan. Inilayo niya ang mukha sa dibdib nito at nanginginig na hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi.

"Hindi mo na kailangan sumugal ulit para sa akin, Diego. I will always choose to stay with you.. Oo, aaminin kong nagtanim ako sa 'yo ng galit noon. Inakala kong ipinagpalit mo agad ako sa ibang babae at hindi ko 'yon natanggap. Mas lalong kong di natanggap nang malaman kong nagbubuntis pala ako at nakuhanan ako. Ikaw ang pinagbuntunan ko ng sisi, ikaw ang itinuro kong may kasalanan kahit na malaking parte ay kasalanan ko rin.."

"No, wala kang kasalanan, mahal. Ako ang nagkasala dahil hindi kita hinayaan na magpaliwanag noon. Kung nalaman ko lang na hindi ka na naman talaga gumagamit ng pills, hindi ako magagalit. Hindi kita hinayaan na magpaliwanag noon. Nagalit agad ako."

"Pareho lang tayo, Diego. Pero gusto kong malaman mo na kahit galit ako sa 'yo, hindi kita kinalimutan. Malaking bahagi ng pagkatao ko na ang naangkin mo.. Kahit gaano man kasakit at kahirap, ikaw lamang ang lalaking bibigyan ko ng karapatan na umangkin sa akin. You're the one i will always love. Ikaw lang."

 Napapikit ito, tila ninamnam ang mga salita sa labi nito. Nang imulat nito ang mga mata, sinalubong siya ng tila nangingislap na tubig sa ilalim ng sikat ng araw. Hinagilap niya ang batok ng binata at hinila ito palapit sa kanya.

 Their lips met hungrily and her heart swelled with so much love for him Habol-habol nila ang hininga ng pakawalan ang labi ng isa't isa. Isinandal niya ang noo sa noo nito. Nagtama ang mga mata nila.

"Hindi ka na ba galit sa akin?" banayad na tanong nito.

"Pagkatapos ng mga nalaman ko, sa tingin ko, wala na akong dapat ikagalit sa 'yo. Masyadong mababaw kung magagalit ako dahil sa pagsisinungaling mo tungkol sa amnesia mo. At kung meron pa akong dapat ikagalit, sa tingin ko, hindi ko pa rin naman ikaw matitiis. Papatawarin pa rin kita kahit ano pa ang magawa mong kasalanan."

 Kinagat nito ang ibabang-labi at tinitigan siya. "So, papakasalan mo pa rin ba ako?"

 Pinigil niya ang ngumiti at tumingin dito. "Anong gagawin mo kung sakaling di na ako bumalik sa 'yo?"

"Liligawan kita araw-araw."

"Hmm.. Iyon lang? Wala bang kakaiba?" Ngumuso si Kim at nanunuksong idinampi ang ilong sa ilong ni Diego.

"Kung hindi effective ang panliligaw, may isa pa akong gagawin para di mo ako iwan."

"Ano?"

"Kikidnapin kita. Itatali kita sa akin at dadalhin sa unang simbahan na makita ko. I'll make sure na hindi ka matatanggi pa at hindi ka na makakaalis sa tabi ko. Wala kang magiging ibang choice kundi ang makasama ako habambuhay."

 Hinayaan niya ang sariling tumawa at pagkatapos ay masuyong hinaplos ang gwapong mukha ni Diego. "That's crazy.."

"I am crazy.. For you." Yumakap ito sa kanya at inilibing ang mukha sa leeg niya. "I love you, Kim."

"I love you more, Diego." Kahit na hindi niya pahirapan si Diego, alam ni Kim na wala pa rin talaga siyang ibang choice. Si Diego lang ang choice niya.. Si Diego lang ang mamahalin niya at iibigin hanggang sa huli.

 Tila hindi na nito napigil ang sarili. Ikinandong siya nito at ubod ng pananabik na hinalikan. As if showing her he will never let her go again.

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon