Chapter Two

783K 16.5K 952
                                    


 NOON pa man ay alam na ni Kim na mapaglaro ang tadhana. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging biktima ulit siya ng mapaglarong tadhana.

 Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niya kung paano makipaglaplapan ang magaling niyang nobyo, si Edgardo sa isang maskuladong lalaki na halos makita na ang itinatago sa harapan. Nakayapos si Edgar sa lalaki, ang isang kamay nito ay humihimas sa hubad na dibdib ng kahalikan.

 Tila nawalan ng kulay ang mukha ni Kim sa nasaksihan. Hindi siya nakagalaw ng ilang segundo.. o minuto. She was such a fool. Idiot. Noong nanligaw si Edgar sa kanya, naitatak niya sa isipan na ito na ang pinakamatinong lalaki na hinihintay niya. Ito na ang magpaparaya sa kanya sa tatlong taong kalungkutan niya.

 Pero nagkamali siya. Maling-mali siya ng inisip.

 Mali rin siya ng hinala sa kinalolokohan nito. Dahil hindi babae ang kinalolokohan ng nobyo niya, kundi lalaki!

Napatiim-bagang si Kim habang nakatutok ang mga mata sa dalawang lalaki. Kumukulo ang dugo niya sa galit. Pakiramdam ng dalaga ay isa siyang bulkan na anumang sandali ay sasabog sa sobrang galit.

 Nakahanda na siyang sugudin na walanghiyang lalakerong boyfriend niya. Ngunit nasa kalagitnaan siya ng pagsugod dito ng bumangga siya sa isang poste—hindi pala poste. Paanong magkakaroon ng poste sa loob ng isang bar—correction, it's gay bar.

 She was probably the most stupid woman alive. Bakit ngayon lang niya narealize na gay bar ang pinasukan niya? Heto nga siya, na-disguise na parang isang malanding beki.

At ngayon, aakalain pa niyang poste ang katawan ng isang lalaki. Stupid, Kimberly. Stupid!

 Lalagpasan sana niya ang lalaki, ngunit natigilan siya ng humarang pa rin ito sa daan n'yan. At nakaramdam siya ng pagkaasiwa ng dumikit ang matipunong katawan nito sa kanya. She could feel the hard muscles of his body against her soft, feminine body. Tumatama ang mainit na buga ng hininga nito sa pisngi niya, nakaakit ang amoy ng bibig nito. Major turn on pa naman niya sa isang lalaki ang mabago ang hininga. Just like Die—Oh, not again! Don't mention his name, for God's sake.

 Tumaas ang tingin niya sa mukha nito. Malilikot ang ilaw sa naturang bar kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.

 But one thing is for sure: Gwapo ito. Lahat naman siguro ng stripper at call boy doon ay gwapo. Kung hindi, siguro'y hindi mahuhumaling ang nobyo niyang tinamaan ng kidlat. Nakita nya sa gilid ng mata si Edgar, patuloy pa rin ang pakikipaglaplapan. Makakatikim talaga ito sa kanya ng sampal!

 Breath in, breath out.

"Look, Mister. I have no time for your some—-"

Naputol ang anumang sasabihin niya nang masilayan niya ang ngiti nito sa labi—ang pamilyar na ngiti na may bahid ng kapilyuhan. Napakunot-noo siya. That smile..

Pamilyar sa kanya ang ngiting 'yon.. ang pantay-pantay at mapuputing ngipin.. Hindi man niya gustuhin, hindi niya napigilan ang pagbalik sa alaala niya ang partikular na tao na naging bahagi ng buhay niya noon.

Ang lalaking minahal niya ng lubos.. ang minahal niya sa loob ng mahabang panahon.

Hindi maaari.

Matagal na niyang binaon sa limot ang lalaking 'yon, at hindi na niya gugustuhin pa na maalala.

"You look familiar to me." His voice was rough and sexy, it also reminded her of that man.

 Pwersahan niya itong inignora at nilagpasan. Pero mukhang walang balak na tantanan siya ng tinamaan ng kulog. Naramdaman niya ang paghawak ng kamay nito sa kanyang braso. Magaspang ang kamay nito, isang senyales ng pagiging tunay na lalaki. Hindi kailanman naging ganoon ang kamay ni Edgar. Sa totoo nga ay mas malambot pa ang palad nito sa kanya. Iyon pa lang ay nagpapahiwatig na sa kanya na hindi isang lalaki ang pinatulan niya.

In Bed With My Ex (R-18)Where stories live. Discover now