Prologue

1.2M 20.7K 1.2K
                                    

 PINASIBAD ni Kimberly o mas kilala sa palayaw na Kimmy ang kotse niya. Ilang araw na silang hindi nagkikita ni Diego. Kahit isang tawag ay wala siyang natatangap mula sa binata at aminado ang dalaga na may kasalanan siya.

He was mad at her.

 It was her fault because she lied to him. Buong akala ng binata ay tumigil na siya mula sa paggamit ng pills. Umaasa na kasi ito na sa loob ng isang taon na pagsasama nila sa ilalim ng isang bubong ay magkakaanak na sila. Live-in partner pa lamang sila ni Diego, pero pinagpaplanuhan na nila ang pagpapakasal.

 Kahit simpleng kasalan lamang ang mangyari ay ayos na sa kanya. But it seems that Diego has bigger plans. Nalaman na lamang niya na pinag-iipunan nito ng husto ang kasal nito. She has no problem with that. If he wants a big wedding, then siguro mas matutuwa siya. Dahil sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakagusto dito, siya ang babaeng napili nito para iharap sa altar. Isa lamang siyang simpleng babae na nag-aaral noon sa isang unibersidad kung saan nakilala niya si Diego.

 Si Diego na kinilala bilang isang palikero na halos lahat ng magagandang babae sa unibersidad na pinapasukan nila ay naangkin na nito. He was a player. A man who owns a pair of seductive blue eyes that could almost melt her everytime he shot her with naughty stare. May lahing banyaga ang binata kaya ganoon ang kulay ng mga mata nito.

 Until now, she can't imagine how she stole his heart. How she made him fall inlove with her. Bahagya siyang napangiti ng maalala ang lagi nitong sinasabi sa kanya tuwing tinatanong niya ito tungkol sa bagay na 'yon.

"Wala akong nakikitang mga rason para hindi ka mahalin, Kim. You are the only woman that could made me feel crazy inlove, you're the woman that i want to spend my life with.. Mahal na mahal kita. Iyon lang ang paniwalaan mo."

 Hindi niya maikakaila sa sarili na nararamdaman niya kung gaano siya kamahal ni Diego. Lagi itong naroroon sa tabi niya. Kung nililigawan siya ng binata noon, kahit saan siya magpunta ay nakasunod ito. Pumunta pa nga ito sa bahay ng kanyang mga magulang para ligawan siya at nagsasabi pa ito sa Daddy niya kung gusto siya nitong ilabas. Kahit papaano naman ay gusto rin ito ng magulang niya para sakanya at hindi siya pinagbawalan.

 Hanggang sa tuluyan na din siya nitong napasagot at naging magkasintahan na sila. Almost six years na ang relasyon nila ni Diego. Hindi niya akalain na magtatagal sila. Dahil noong bago pa lang sila ay madalas silang nag-aaway dahil sa mga babae na patuloy pa rin na naghahabol dito.

 Naalala pa niya ang isang tagpo kung saan hinarang sila ng isang maganda at sopistikadang babae habang naglalakad sila sa Luneta. Hindi daw nito matanggap na sa isang tulad niyang walang boobs napapunta si Diego.

 Aba't ang walanghiya, kung makalait sa mga flat chested, kala mo hindi kapit sa push-up bra.

 Pinag-awayan din nila ni Diego ang babaeng 'yon. Pinalabas pa ng babaeng 'yon na nang-agaw siya dahilan para mapahiya sa ibang tao. Kalaunan nawalan na din siya ng paki sa mga babaeng naghahabol sa nobyo niya. Hindi naman siguro maiiwasan sa isang relasyon na may umepal. Ang mahalaga ay buo ang tiwala niya sa lalaki na hindi ito magloloko sa kanya. Iyon siguro ang nangungunang sangkap kaya tumagal sila ng binata.

Napawi ang ngiti niya nang biglang maalala ang dahilan kung bakit halos isang linggo na silang hindi nagkikita ni Diego.

Nagsimula iyon ng aksidenteng maiwanan niya ang pills niya sa bathroom. Nakalimutan niyang naiwan niya 'yon doon at nang makita nito 'yon ay galit kinompronta siya nito.

"Bakit gumagamit ka pa nito? Hindi ba pinag-usapan na natin na titigil ka na sa paggamit ng pills?" Ngayon lamang niya nakita na galit ang lalaki. Parang kulay asul na apoy na nagliliyab sa galit ang mga mata nito.

Napalunok si Kim. "D-Diego.. Magpapaliwanag ako." Sinubukan niyang lumapit sa binata pero dumistansya ito sa kanya.

"Pinagmukha mo akong tanga, Kim. All this time akala ko magkasabay natin na binubuo ang pangarap na gusto ko na mangyari para sa ating dalawa. Alam mo na gusto ko ng magkaanak. Ilang beses na natin pinag-usapan 'yan. Nasa tamang gulang na tayo para bumuo ng isang pamilya. Hindi ba nangako ka pa sa akin? Ititigil mo na ang paggamit ng pills! Pero ano 'to?"

 Napatungo ang dalaga. Hindi niya magawang makasagot. Nangangatal ang binti niya sa galit na ipinapakita sa kanya ng binata. Narinig niya na pinagsusuntok nito ang pinto. Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi niya. Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig niya ang papalayong kotse nito.

 Kim didn't mean to fool him. Oo, nangako siya sa nobyo na ititigil na niya ang paggamit ng pills. Dahil nakikita niya ang saya sa mata nito, ang saya sa mga ngiti nito at liwanag ng mukha nito tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Umaasa ito na mabubuntis siya. But something inside her was stopping her.

Pakiramdam niya ay hindi pa siya handa para magbuntis. Kung papakasalan siya ni Deigo ay walang kiyeme na papayag agad siya. Pero ang magkaroon ng anak?

Iyon ang isang bagay na hindi pa siya siguro kung kaya niyang panindigan.

Ilang araw din niyang pinag-isipan ng husto kung ano na ang dapat na gawin niya. She knew Diego is still mad at her. Hindi niya ito masisisi. Kahit siya ay galit sa sarili niya nang sandaling 'yon. Subalit ang nangyari ay nangyari na. Wala na siyang magagawa kundi ang itama ang mali niya.

Handa na siyang ibigay kung ano ang gusto nito. Napagtanto niya na sobrang mahal niya si Diego, hindi niya kaya ang magalit ito sa kanya ng matagal. Halos lahat ng bagay ay ibinigay sa kanya ng binata. Ibinigay nito ang isang kaligayahan na kahit kailan ay hindi niya malilimutan.

Ang pagmamahal na inialay nito sa kanya ay walang-kapantay. Nagkasala siya at dapat na bumawi siya sa pagkukulang niya sa nobyo.

Ilang sandali pa ay nasa tapat na siya ng condo nito. Sa pagmamadali niyang makaalis kanina, naiwan niya ang duplicate key. Nagdoorbell siya. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumukas ang pinto.

Gayon na lamang ang pagkalaglag ng panga niya ng bumungad sa kanya ang isang magandang babae, gulo-gulo ang buhok nito at tila bagong gising. Nakilala agad niya ang malaking shirt na tanging saplot lang nito sa kanya. Pag-aari iyon ni Diego.

"S-sino ka?"

Maarteng tinaasan siya nito ng kilay. "Excuse me? Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan sa 'yo?"

Ibbubuka pa lamang niya ang bibig para magsalita nang biglang sumulpot si Diego sa likod nito. He was half-naked. Naka-boxers lamang ang nobyo. She could feel blood draining from her face. Lumaki siyang hindi mangmang, hindi bobo, at walang alam sa kamunduhan. Sa itsura ng dalawa, hindi maitatanggi na may nangyari sa mga ito.

At hindi siya nagkakamali. Nakita niyang lumarawan sa mukha ni Diego ang pagkabigla. He looked completely guilty. Sa ekspresyon pa lang ng mukha nito, tila inaamin na nito na totoo ang iniisip. Tila isang bomba na sumabog ang isang realisasyon sa harapan niya. Ipinagpalit agad siya nito sa ibang babae.

"Kim.."

Namasa ang mga mata niya at sunod-sunod na pumatak ang luha sa pisngi niya. Muli nitong sinambit ang pangalan niya. Subalit tumalikod na siya at mabilis na naglakad palayo sa lugar na 'yon.

At palayo sa lalaking una niyang minahal, ngunit mabilis naman siyang ipinagpalit sa iba.

Loving him doesn't hurt her...

But being betrayed by him does.

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon