Chapter Thirty Two

516K 10.7K 774
                                    

 PASIPOL-SIPOL si Diego habang nagmamaneho pauwi. Nararamdaman niya ang saya nito. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi nito at nakatingin sa mga nadadaanan nilang bahay.

 Hindi nagtagal ay napansin ni Diego ang pagiging tahimik niya. "What's wrong, love? Kanina ka pang tahimik. Ayos ka lang ba?"

 She nodded, and then a forced a smile. "I'm good."

Kunot-noong binalik nito ang tingin sa daanan. "Okay. Para lang kasing ang tahimik mo ngayon. Basta magsabi ka lang sa akin 'pag masama ang pakiramdam mo."

 Sana nga masabi niya rin dito kung anong bumabagabag sa kanya. But she can't.. She can't tell him what's wrong. Wala siyang lakas ng loob. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Natatakot siya sa maaaring mangyari kapag sinabi na niya.

 "Nakapag-usap ba kayo ni Callan?" tanong ni Diego.

 "Uhh. Medyo. Bakit? May sinabi ba siya sa 'yo?"

 "Wala. Nakita ko lang na nanggaling din siya sa garden kanina. Naisip ko, baka may pinag-usapan kayo."

 "Buntis na ba si Kira?" pag-iiba niya ng usapan.

 "Oo. Two weeks pregnant na si Kira. Kawawa nga 'yong una nilang baby. Nahulog kasi siya sa hagdan kaya nakunan siya."

Pamilyar ang sakit na gumuhit sa sistema ni Kim. Lumunok siya para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "That must be hard on her."

"Yeah. Pero sabi ni Callan, ayos na ang relasyon ni Kira at ng ina niya."

"Kaya siguro hinanap ka na nila ngayon. Masaya ba?" "Ang alin? Ang makita ang mga totoo kong magulang? Ang mga kapatid ko?"

"Yes, how does it feel?"

 Matamis na ngumiti ito. "It felt good.. Parang 'yong mga nawawalang bahagi ng pagkatao ko ay nabuo. Nakita ko kung sino talaga 'yong mga taong dahilan kung bakit ako nasa mundong ito. Nalaman ko kung saan ako nagmula."

 Ang tanging hindi na lang nabubuo dito ay ang nakaraan. Alam niya, nabuo man ngayon ang pagkatao nito. Mga may mahahalaga pa ring alaala ang nawala sa isipan nito.



"WAKE UP, sleepyhead."

 Umungol si Kim at ibinaon ang mukha sa unan. Tumawa ang lalaki at hinalikan siya sa batok. Naramdaman niya ang dila nito sa likod ng leeg niya at pagkatapos ay banayad na sinipsip ang balat niya. Muli, napaungol si Kim.

 "Argh! Diego! Give me five minutes, please."

"Naka-ilang five minutes ka na d'yan, di ka pa bumabangon. Sige ka, lalagyan kita ng kiss marks kapag di ka pa bumangon. Maraming kiss marks," babala nito sa kanya.

 Fvck him. This is all his fault. Kung hindi sana siya pinuyat nito kagabi, maaga siyang magigising. Daig pa ng binata ang may superpowers. Kayang-kaya nito hanggang ten rounds na hindi nangangatog ang tuhod! Habang siya, kapag naka-abot na sa pang-apat na kasukdulan ay nakakatulog na. But she couldn't deny that sex with him was always wonderful. Steamy and fierce.

Bumangon na siya at naamoy niya ang bawang at sibuyas na prinito mula sa kusina. "Nagsangag ka ba ng kanin?"

"Yeah. Kaya kumain na tayo. It's already eight thirty."

Oh, shit. "Maaga dapat ako ngayon sa bakeshop!" Ngayon lang niya naalala iyon. Sanay siya na maaga talaga gumigising. Minsan nga ay four-thirty pa lang ay nasa shop na siya. Agad na bumaba ng kama ang dalaga.

 Naka-prepare na ang breakfast na sa salaming mesa pagdating nila ni Diego sa kusina. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Kanina ka pa bang gising?"

"Oo. Ikaw lang naman ang mahirap magising. You slept like a rock." Pinaikutan niya ito ng mata. "Wala ka bang gagawin ngayong araw?"

In Bed With My Ex (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon