SHADOW 3

514 51 0
                                    

Napangiti nalang ako ng maalala ko ang kakulitan namin nu'n ni Summer.

Biglang may humintong jeep sa tapat ko at saktong papunta ito sa direksyon ng aking school. Muli kong tiningnan ang park bago ako sumakay ng jeep.

Mga kalahating oras din ang naging biyahe ko bago makarating ng aking paaralan.

Saktong nagring ang bell hudyat na magsisimula na ang unang klase ngayong umaga.

Madali kong tinungo ang aking room at nabungaran ko ang maiingay kong classmates.

Ano pa ba ang bago? Lahat naman ng klase sa eskwelahang ito ubod ng gulo.

Nagmadali kong inipag ang bag ko sa upuan ng may makita akong isang piraso ng pulang petal ng rosas.

Hindi ko na ito pinansin at inilagay nalang sa loob ng bag ko. Malay ko ba kung may admirer lang ako. Admirer? Sa isang pirasong petal ng rosas? Nagpapatawa ba ako?

Mabilis lumipas ang oras at namalayan kong last subject ko na pala. 9am to 3pm lang ang pasok ko.

As usual, after class diretso na ako sa bahay. Wala akong social life. 'Di ako magimik. Wala akong kaibigan. Bahay at school lang ang pinagkakaabalahan ko.

Pagbaba ko ng jeep, saktong nakatapat na ito sa bahay namin. Hindi ko alam at bakit napalingon ako sa park.

Wala ni isang tao duon. Mas minabuti ko munang puntahan ang park bago ako pumasok sa bahay tutal maaga pa naman at siguradong wala duon si Mama at Papa at nasa trabaho pa.

Habang inililibot ko ang aking mga mata sa park, unti-unti na namang bumabalik sa alala ko ang mga panahong kasama ko si Summer.

----------------------------------------------------

"Summer di ko kaya baka malalaglag ako" turan ko sa kaibigan kong kanina pa ako pinipilit turuang magbike.

"Paanong hindi mo makakaya eh ayaw mong subukan. Puro ka kasi reklamo. Paano mo matututunan ang isang bagay kung 'di mo susubukan" replay niya.

"Basta ayoko. Saka nalang 'pag matanda na tayo" sagot ko.

"Ano? Kapag matanda na tayo? Eh baka 'pag tanda natin wala na ako" sagot niya sa akin.

Nagtaka ako. Bigla akong natahimik at bigla ko nalang siyang natanong "Bakit? 'Pagtanda ba natin 'di na tayo magkasama?"

Matagal bago siya sumagot. "Depende, malay mo mamatay na ako agad"

"Hindi magandang biro 'yan Summer Trevor!" Pagalit kong sabi sa kaniya.

"Ikaw naman 'di mabiro. Malamang jowk lang 'yun," pag bawi niya. "Pero paano kaya kung mamatay ako agad no? Ano kayang magiging reaksyon mo?" dugtong pa niya.

"Summer! Tama na! 'Di na ako natutuwa. Ayoko ng ganiyang usapan. Tara na nga umuwi na lang tayo" sambit ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

"Wait Sammy" pagpigil niya sa akin. "May gusto akong ibigay sa iyo" sabay abot niya ng isang papel.

"Ano to?" Pagtataka ko

"Buksan mo kaya ng makita mo" nakangiti niyang sabi.

"Pusong papel? Bakit? Saka wala man lang nakasulat? Aanhin ko 'to?" Sabi ko habang nakatingin pa din sa papel.

"Itago mo 'yan. Malalaman mo rin kung ano 'yan sa takdang panahon" saka siya biglang ngumiti.

"Ang baduy mo naman. May patakdang panahon ka pang nalalamn diyan. O siya, salamat dito. Ngayon ko lang nalaman ang korni mo pala. Haha" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Hahahaha" napatawa na din siya. "Ano, gusto mo ba turuan na ulit kitang magbike?" tanong niya.

"Saka nalang 'pag ready na ako. Tara nalang ulit duon sa duyan. Ugoy mo ako dali." At nagmadali akong tumakbo papunta sa duyan.

Kasabay ng bawat ugoy ay ang sabay naming tawanan ni Summer.
----------------------------------------------

Bumalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang ihip ng hangin.

Bigla nalang akong napangiti ng maalala ko ang mga sandaling kasama ko ang tinuring kong bestfriend.

Huli na ng malaman kong nakaupo na pala ako sa duyan na madalas naming upuan ni Summer.

Ilang taon na ba ang lumipas ng lumisan siya? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Oo, limang taon na ang lumipas ng huli ko siyang makita.

Limang taon na ang nakaraan ng iwan niya ako.

Masakit. Sobrang sakit. Pero anong magagawa ko kung siya na ang lumayo?

Limang taon akong nagtatanong sa sarili ko, ano ang dahilan ng kaniyang paglisan? Nang kaniyang paglayo? Pag-iwan sa akin sa ere?

Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Nawala siyang parang bula.

Magkikita pa kaya kami? Magkakasama? Masasabi ko pa kaya sa kaniya ang matagal ko ng kinikimkim sa loob ng limang taon?

Oo, limang taon na ng mawala siya pero hanggang ngayon, hanggang ngayon mahal ko pa din siya.

Mabilis kong inabot ang bag ko at tumakbo na pauwi.

Ayokong bumaha ng luha ngayon sa park. Pagod na ako! Pagod na akong maghintay at umasang babalik pa siya.

Mabilis akong nakauwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko. Inilapag ko muna ang bag ko at humiga.

Tinatamad pa akong magpalit ng damit. Umupo ako sa kama ko. Tumingin sa harap ng salamin. Ang laki na ng pinagbago ko simula ng umalis siya.

Tumangkad lang ako ng konti pero wala namang nagbago sa ganda ko. Ang pinagbago ko lang ay kung paano ako kumilos. Dati rati masayahin ako,  maingay, magulo. Oo masayahin parin ako ngayun pero sa harap na lang ng mga magulang ko, hindi sa harap ibang tao.

Hay.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, nakita ko ang isang 'di kalakihang box.

Ang box na pinaglalagyan ko ng mga binibigay sa akin ni Sumeer nu'ng kami ay magkasama pa.

Lumapit ako sa box at binuksan ito. Nakita ko na naman ang mga pirasong papel na hugis puso. As usual, wala itong mga sulat.

Hindi lang isang beses akong binigyan ni Summer ng pirasong papel. Maraming beses. Halos tuwing magkikita kami may binibigay siya. Hindi ko na nga 'yon mabilang sa sobrang dami.

Natapos lang 'yon ng minsang 'di na siya nagpakita sa akin.

Isinara ko ulit ang box at pumunta ulit sa kama ko.

Humiga muna ako at ipinikit ko ang aking mga mata at sa ilang sandali ay nakatulog na ako.

Shadow BoyfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin