Chapter 27- Resume

1K 46 5
                                    

CHAPTER 27- RESUME

CHAIIRA'S POV

Nasa harap na ako ng kwarto ni Sir. Kakatok na ako. 3 beses akong kumatok para malaman niyang andito na ako. "Sir!" Ang tagal kasi e. Lagi nalang bang maghihintay?

Biglang bumukas ang pinto nung kakatok pa sana ako. Seryoso siyang nakatingin saakin at biglang iniwas ang tingin niya. Nakasuit siya na bagay na bagay sakanya. Maayos din ang buhok niya. Nakababa lang.

"Go inside." Utos niya na nagpagulat saakin. "B-Bakit po?" Kabado kong tanong. "Just." Ma-awtoridad niyang sabi. Dahil boss ko siya, kailangan kong sundin ang utos niya.

Pagkapasok ko, inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Nakarinig ako ng pagbagsak ng pinto kaya alam kong sinara na iyon ni Sir Max.

Saka ko lang napansin na wala si Mich. "Si Ms. Mich po?" Tanong ko. Umupo siya sa upuan at tinignan ang mga papeles. "She left a while ago. She just stayed here for a while." Sabi niya habang tinitignan ang mga papeles.
"Since when did Ethan started courting you?" Tanong niya na nagpagulat saakin. Akala ko ba pag-uusapan namin dito ay business? Bakit personal life ko? Hindi pa rin siya tumitingin saakin. Sa papel pa rin siya nakatingin.

Hindi ko actually alam ang isasagot. Hindi naman ako nililigawan ni Ethan e. Hindi ko lang alam kung anong trip ng baliw na 'yun.

"H-Hindi ko po alam e." Sagot ko. Tumango siya. "Come here." Sabi niya at nag-gesture na lumapit ako. "These are the hand-outs for our meeting later." Sabi niya. "I want you to hold it for me." Sambit niya. Tumango ako.

"Anyway, what time is it now?" Tanong niya. Tinignan ko 'yung wrist niya at nakita kong may relo siya.

Uh, hello, Sir? Meron ka pong relo, in case you didn't know.

Gusto ko sanang sabihin 'yun kaso baka bigla akong mawalan ng trabaho kaya sinabi ko nalang kung anong oras na. "6:53 am na po." Sabi ko. Tumango siya at tumayo.

Ewan ko ba. Ako lang ba talaga o talagang naging cold si Sir Max saakin? Parang these past few days okay naman ah? H'wag niyong isali 'yung tungkol dun sa lumipat ako ng matutulugan. Talaga naman na kailangan sa iisang kwarto sila ni Ms. Mich e. Ano ako? Third wheel? Never mind.

Naglakad na kami palabas. Inabot niya saakin ang susi ng hotel room na tinutuluyan niya. "Keep it for me first." Sabi niya. Ngayon ko lang naalala na first time niya yata sa mga ganito. Kasi nga diba? Ngayong year lang siya naging CEO ng Porsche Companies.

"Sir..." Mahina kong tawag sakanya habang naglalakad kami. Lumingon siya saakin. "First time niyo po sa ganitong meeting, ano?" Tanong ko habang nakatingin sakanya. Tumango lang siya. "Kinakabahan po ba kayo?" Tanong ko uli. Umiling siya. Napachuckle ako. Parehas kami, parehas na hindi marunong magsinungaling. Hinawakan ko ang kamay niya kaya bigla siyang napatigil sabay tingin saakin.

"Sir, wag kang magpanggap na hindi ka kinakabahan, okay?" Nakangiti kong sambit. Bigla siyang ngumiti at sinabing, "Okay." Parang ngayon ko lang yata siya uli nakitang ngumiti ng ganun.

Naglakad kami papunta sa event area nang magkahawak ang kamay. Mabuti nga 'di nagpapawis 'yung kamay ko e. Nakakahiya kung nahawakan niya 'yun tas ganun. OMG. No please.

Madaming lalaking nakasuit. Meron din namang ilan-ilan na na mga babaeng naka business attire. Kasa-kasama din nila 'yung mga secretaries nila or assistants nila sakanila.

Inabot ko na kay Sir yung hand-outs para sa meeting nila. Ngumiti ako sakanya at sinabing "Aja!". Nginitian niya rin ako bago siya tumalikod saakin at pumasok sa loob ng meeting room.

MSAM 2: Amnesia ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora