LKS 2: Getting closer

Začít od začátku
                                    

Nginitian naman siya ni Gideon saka tuluyang pumasok ng kwarto. Napansin kong palagi siyang nakangiti. May dala siyang basket ng prutas. "Good morning too, Oria."

Mukha namang kinilig ang nurse na ito at binalingan ako. "Una na ako, ma'am baka masesante naman ako kakadaldal."

"Thank you for answering my questions." I gave her a half smile. Nginitian din niya ako at saka umalis ng isinara ang pintuan.

"So good mood ka pala ngayon, Sera." I gave him my questioning look. "Nakangiti ka kasi kanina at positive ang aura mo ngayon."

"So you're an empath now?" biro ko sa kanya. Napailing na lang ako at naupo sa hinihigaan ko. Hinila naman niya ang upuan papalapit sa akin saka naupo roon. His smile was even more wider than before.

Pinakain niya ako ng luto daw niyang fried rice at chicken tapos ay pinagtalop niya ako ng mansanas. Ganoon ang gawain namin palagi kapag dadating siya ng umaga sa ospital tapos ay babasahan niya ako ng mga conversations namin sa text at Facebook. I find it hilarious and embarrassing sometimes.

Ilang araw na rin akong nakalagi sa ospital at lagi naman siyang nandoon para magbantay sa akin. Every moment we had before, nireenact naman niya. Natatawa na lang ako kung minsan.

"Good morning, mahal ko! I have a good news for you!" He said it happily when he entered my room. Natawa na lang ako sa saya niya. Nakakahawa rin kasi ang ligaya niya sa buhay.

I pursed my lips for stopping myself to smile. May dala na naman kasi siyang box. Araw-araw ay may dala siyang ganoon para sa akin, para raw makaalala na ako. Every box contains a special thing that has a special part on my life.

"What is it?" I asked, more of curiosity.

"Open it."

I gladly opened it and my mouth turns to O. Bigla akong nakaramdaman ng gutom. Siguro ay nagniningning na ang mata ko sa tuwa. He chuckled at my reaction.

"You're cute," I frowned when he hastily snatched the box on my hand. "But you need to eat breakfast first. Sasakit ang tiyan mo kung macaroon kaagad ang kakainin mo, Sera!"

"Hindi iyan! Tinapay din naman 'yan. Give it to me..." He refused. I gave him my cutest look. I even blinked my eyes two times.

He moaned as protest. "Fine! You're giving me a hard time!"

Nangiti ako ng malawak at nilahad ang kamay ko. Binigay naman niya yung box. I ate the macaroon with gusto. "I think this is one of my favorites..."

Natawa si Gideon at tumango. Nangisi ako. I knew it. Hindi man ako nakakaalala ay nararamdaman ko naman iyon. Isa na rin si Gideon sa alam kong hindi naman ako ipapahamak dahil nararamdaman kong safe ako sa kanya. Iyong una kong takot sa kanya ay baka depensa ko lang talaga. Sabi pa niya nang sinabi ko sa kanya iyon ay baka daw kaya ako nakadama ng ganoon dahil last naming pag-uusap ng nakakaalala pa ako ay nag-away kaming dalawa. Hindi pa niya sinasabi sa akin ang dahilan dahil nga napagpasyahan naming huwag munang ipilit sa akin ang lahat ng detalye ng buhay ko noon.

Kumbaga parang one step at a time. Una-una lang at siya naman ang nagbibigay sa akin ng impormasyon na kailangan ko. Nang minsan kasing pinilit kong magkwento siya ng marami at pilit kong inalala ay sumakit lang ang ulo ko.

Naging palagay na rin ang loob ko kay Gideon. Palagi siyang nandyan para sa mga pangangailangan ko at kita kong worried siya sa akin kapag minsang sumasakit ng matindi ang ulo ko.

"Nga pala, Sera..." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko saka pinunasan ang gilid ng bibig ko gamit ang thumb niya. Namula naman ang pisngi ko. He smiled.

Last Known SurroundingKde žijí příběhy. Začni objevovat