Chapter 16: Safe or not?

6.3K 195 1
                                    


MINDY'S POV:

       MATAPOS isurrender ni Jeorgia ang alahas ay agad kong binalita sa lola ko.

       "La, I need my trust fund now kapalit ng heirloom na 'yan, ASAP."
       "Ikaw naman Hija, hindi makapg hintay."
       "Deal is a Deal."

        Maaga akong nagising kinabukasan. I withdrew the investment at mabilis kong naipaayos sa kaibigan kong abogado. Kulang ang resources ni Jerie at alam kong may kapasidad akong tulungan siya. Besides, ang usapan ay bibilhin ang singsing oras makita kung sino ang may hawak nito.

        Nang mapanatag na ako na nabawi na ang titulo ay tsaka ako bumyahe to Antipolo para sa pending assignments ko doon. Bago umalis ay kinatok ako ng lola ko sa kuwarto at umupo sa paanan ng kama ko.

          "Hija, I want you to have this."

Nakita ko ang alahas sa kamay niya at inaabot sa akin.

         "Lola!"
         "Wala ng amor sa pamana ng lahi ang ama mo, kinalimutan na niya ito. Gusto kong ikaw na ang humawak nito."
          "Pero hindi ho ako ang sumunod na lalaki sa angkan na puwedeng ipasa ito."

         "But you are legit to have that. Just promise me to take care of it at ibigay mo lang 'yan sa taong makakasama mo habambuhay."

        "Kayo ho ang bahala, itatabi ko na lang muna ito."
        "Hindi ka naman ililigaw ng singsing na 'yan, alam niya kung kanino siya nararapat."
        "Napaka mapamahiin niyo. It's just a piece of gold Lola, just that."
        "Naku, huwag kang magsalita ng ganyan, sige, baka magtampo yan at hindi ka niya ihatid sa tamang taong mamahalin mo."
        "Whatever Lola! O sige na, kumain na kayo at kanina pa naghihintay si Manong driver, sa Antipolo ako ngayon."

        "Iba ang aura mo ngayon talaga hija."
         "Lola...."
         "Tama 'yan.. kalimutan mo na ang nakaraan..dapat laging happy lang.."
       "Tapos na po ang lahat, I am trying to rebuild myself."
       "Mabuti 'yan...sana ay mameet ko ang inspirasyon mo."

     
        Pagdating ko sa Antipolo ay ginawa ko na ang dapat gawin sa site. Nagreport na lang sakin ang friend ko na okay na nga raw yung titulo.
Hindi na ako nakapag text kay Jerie dahil inaya na ako bigla ng mga kababata kong mag swimming.
I guess best time to unwind din.

          My heart skipped when Jerie called and I really felt thru her voice her happiness and excitement. Mula kasi ng umentra ang issue ng singsing sa pagitan namin ay hindi ko na muna binigyang pansin ang umuusbong kong feelings apra sa kanya. Basta ang gusto ko lang, kasama niya ako sa pag ahon niya sa buhay. Cause on my part, without her knowing, she is helping me too to stand again - - and to have a direction once again.

       Natatawa ako ng sinabi ni Jerie na namimiss niya ako. Kinilig ako do'n ha. As in. Pinindot nya agad kaya hindi ako nakasagot. Kaya tinext ko na lang siya after a while.

********************

        Kinabukasan, sinadya kong hindi siya itext para sorpresahin siya. Excited akong ibigay ang pasalubong ko sa kanya.

       The next day, imbis na umuwi ay dumeretso ako sa condo nina Jerie. I have missed her a lot.
Nanlumo ako ng malamang umalis na si Jerie sa condo at hindi na doon nakatira.

       Tinext ko na si Bambi at bumukas na ang unit niya sa kabilang pinto.
Sumalampak ako sa sofa pag pasok.

       "Nasa'n si Jerie?"
       "Siya agad? Bahay ko 'to Inday baka puwedeng ako muna kamustahin mo at bigyan ng mga kakaning dala mo?"
      "Kumuha ka na lang dyan kung ano'ng gusto mo, pakape nga."

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon