Chapter 13: Pendant

6.1K 183 0
                                    


JERIE'S POV:

      HINDI ako nakatulog habang nasa bisig ko lang at yakap si Mindy. Masarap ang pakiramdam na yakap ko siya ng ganito. May umahong feeling sa puso ko na gusto ko siyang alagaan.

          Ngayon ko lang ulit naramdaman ito, matapos ang kay LC na gusto kong alagaan at protektahan.
Nang makasama ko siya sa Bohol at nakilala pa, hindi ko na siya muling tinarayan. May times mang ganon ay lambing ko na lang 'yon.

         Kumalam na ang tiyan ko, pagtingin ko sa relo ko ay mag-aalas-otso na pala ng gabi. Kinapa ko ang leeg at noo ni Mindy. Wala na siyang lagnat. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Masarap ang init na nagmumula sa kanya patungo sa katawan ko, at aaminin kong may kaunting kiliti.

       Maya-maya'y nagmulat siya ng mata at ng mapagtantong ako ang kaharap niya ay ngumiti siya. 

         "Thank you," bulong niya. Ginawaran ko siya ng halik sa noo. Napaka normal na ang gawin ko 'yun. Sinuklay ng kamay ko ang medyo pawisan niyang ulo. 

        "Okay ka na ba?"
        "Better. Buti inasista ako ni Mina. Hinang hina ako kanina, ewan ko ba."

           I sighed. "But it's much better being in your arms Jeorgia."
         "May chicken joy ako at prutas, kumain na tayo?"
         "Sige pero may tanong ako."
         "Hmmmmm...ano?"
         "Namiss mo ba ako?"
         "Hindi naman."

         Lumabi si Mindy. Napatawa naman ako ng mahina.

         "Isang linggo kang hindi nagparamdam? Dapat sumaya ako dahil walang nangulit sa akin, pero oo, namiss kita."
         "Kaya ka nandito?"

         Naisip ko ang tunay na pakay ko sa kanya. Hindi ko masabi kaya umoo na lang ako. Pinag-bihis ko muna siya ng komportableng damit tsaka kami sabay kumain. Matapos kumain ay inaya nya ako lumabas.

         "Sigurado ka bang okay ka na?" tanong ko sa kanya habang papalabas kami ng compound."
         "Oo, lagnat laki lang 'to. Nakakahiya naman sa 'yo kasi, hindi pa ako nakalinis ng bahay."
        "Saan ba tayo pupunta? Ako na lang magmamaneho kung gusto mo?'
         "Hindi na...tsaka gusto rin kasi kitang makausap talaga."
          "Ako rin."

        Marahan lang siyang nagmamaneho. Ang sabi niya ay  sa may Paco Park lang muna kami tumambay. While on our way, pareho kaming tahimik. Parang pareho kaming malalim ang iniisip.

       Ako, dahil sa mareremata naming lupa sa Bohol at si LC at ang kinabukasan namin pareho. Siya? Hindi ko alam. Minsan palihim ko siyang tinitingnan. Pumayat siya ng kaunti pero hindi naman nawala ang mestisahin niyang ganda.

       Pagdating sa Paco Park  ay naupo kami sa isang bench. Ang alam ko lang, kahit saan gusto ko siyang makasama.

          "Ah Jer...sabi mo gusto mo akong kausapin? Tungkol saan ba 'yon?"

       Humugot muna ako ng hininga bago sumagot. Kinuwento ko sa kanya mula umpisa hanggang sa ditong tinawagan ako ng tita na tatlong linggong palugit na lang sa pag claim ng sanla.

         "Hindi ko na puwedeng hingan ng tulong ang Aunt Ros, marami nang naitulong sa amin yun eh."
       "Aunt Rosalia?"
       "Oo...teka paano mo nahulaan?"
       "Hula lang, siya 'yung nasa abroad na may ari ng condo mo ngayon diba?"
       "Ah oo nga....siya nga."
       "Bakit wala siyang asawa?"
       "Hindi ko alam. Bakit naging interesante ka naman bigla kay Tita?"
       "Wala naman....So ano'ng plano mo ngayon?"
       "Mindy..."

        Matagal bago ako nagsalita. Pero pakapalan na ito ng mukha.

        "Mindy....."
        "C'mon Jerie, it's okay..."
        "Gusto ko sanang tanungin kung active pa rin 'yung offer mo na magtrabaho ako sa 'yo triple ng sahod ko ngayon?"
       "Ang gawin kang tiga?"
       "Ha?"
       "Tiga..tiga saing, tiga luto, tiga linis plantsa etcetera etcetera?"
        "Oo."
        "At akala mo nga seryoso ako?"
        "Akala ko lang kasi...."

          Hinawakan ni Mindy ang kamay ko at inakag patayo. "Tara do'n tayo sa resto, may ipapakita ako sa 'yo."

         Umorder ng banana bread at kape si Mindy. Tsaka binigay sa akin ang folder na hawak niya.

         "Bago mo muna buksan 'yan, gusto kong sabihin na may trabaho na ako Jerie. Kahit ayaw ko, ay tinaggap ko ang alok ni Daddy na bumalik sa kompanya namin bilang isa sa mga arkitekto niya. May bago kaming project sa Antipolo."

         "Arkitekto ka pala? Kaya ka nawala."
        "Oo, arkitekto ako at dahil 'yun ang gusto nila."
       "Ano ba gusto mo pala?"
        "I am more inclined to photography."
        "Ow...kaya pala isa ka sa kasama ni Bambi?"
        "Oo, may tinayo rin akong maliit na studio, hindi alam ng pamilya ko 'yon, actually, dream yun at..."
         "At?"
         "Tinamad na akong ituloy, nawalan ng inspirasyon. Sa amin 'yun ng ex ko."
         "Lucky man..."
         "Woman."
         "I see."
         "Huwag na nating pag-usapan ang past. Ang ibig kong sabihin, puwede kitang ipasok sa company namin."
         "Ha?"
         "Marami kang puwedeng pasukan. Sa talento mong yan at abilidad. Puwede ka sa Marketing Department, Executive Secretary. At the same time puwede ka mag part-time sa akin bilang assistant ko, doble na lang ng sahod mo ngayon."

          Napag-isip niya ako. Malaking tulong 'yun sa maintainance ni LC. Pero hndi sapat yun sa tatlong linggong palugit sa lupa.

         "Pag-iisipan ko Mindy, pero ano ba itong folder na to?"
        "Buksan mo, then lalabas muna ako para mapag-isa ka. Pagbalik ko, mag usap tayo."

         Inisa isa kong tingnan  ang mga pages. Hindi ko na dinetalye pero nakatawag pansin ang picture ko at picture ng Tita ko. Tsaka ko binalikan ang mga naunang pahina at natuon sa picture ng isang pares ng hikaw. Hinawakan ko ang pendant ng kuwintas ko.

          Ano ang kinalaman ng suot kong alahas sa mga investigation report na pinakikita ni Mindy?

******************************

Ty....

Sorry guys for a short update.

Shanen







Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon