Chapter 15: Accomplished

6.3K 201 6
                                    

JEORGIA LAURICE' POV:

       PAG-UWI ng condo ay nilaro ko muna si Faw-faw. Nawawala ang stress ko. Inisip kong mabuti ang mga napag-usapan namin ni Mindy. Hindi ako nagpa bayad pero pumayag akong utangin ang pantubos ng lupa sa Bohol. Hindi iyon maaaring mawala sa amin.

      Nakakatawa, nakakatwang isipin na si Mindy pala ang babaeng humalik sa akin seven years ago. Siya at siya pa rin ang isang nakahalik sa akin. How would I forget that intimate kiss?

    Tapos ngayon makalipas ang ilang taon ay nagtagpo kaming muli. Maybe the ring has its own mind? Alam niya kung saan at paano siya babalik. Malaking halaga ang ipapaluwal ni Mindy, hindi ko pa kayang bayaran iyon sa ngayon. Sa liit ng sahod ko.

      Ang pautang niyang yun a y walang interest kaya hindi ako pumayag na walang kapalit ang halaga na 'yun. Bago ako matulog ay bumuo ako ng isang desisyon. Sa makalawa ay dadating ang dalawa kong second cousin dito sa condo.

       Scholar sila sa La Salle Taft kaya puwedeng sa kanila ko muna iencare ang space na 'to. Ibibilin ko na rin sa kanila si Faw-faw.Madali akong nag empake ng mga gamit at maagang natulog.

        The next morning, binilin ko ang aso ko sa kasambahay ni Bambi. Short talk lang ang nirelay ko kay Bam.
Iniwan ko muna ang kotse ni Tita at mga oinsan ko naman ang gagamit noon. Pagdating sa office ay nagfile na ako ng resignation. Hindi ko magagampanan ang dapat kung nakatali ako sa otso oras na trabaho sa office.

        On proby pa lang naman ako kaya hindi na kailangan ng one month notice. Makakahanap sila agad ng kapalit ko. Matapos mag resign ay nag rent ako ng isang oras sa computer shop iupdate ang resume ko.

       Mabilis akong kumilos para afterlunch ay makapasa ako ng resume sa HR ng CHB ( Creative Human Builders). Ang CHB ang sinasabing company nina Mindy. Ayokong mag apply bilang secretary niya, ayoko. Baka lalong madistract ako.

       Pero ito ang usapan, ang pumasok ako sa company nila. Sa advertising ako napunta. Apat na araw ang pasok. Monday to Thursday pero nine to seven ang oras. Off ako ng Friday til Sunday. Urgent ang hiring nila kaya sa makalawa ay magsisimula na ako. Alas tres ng hapon ay nagpunta naman ako sa Magicson Lab para sa medical ko. Medyo malungkot ng kaunti dahil lumaki ng kaunti ang mga cysts ko sa ovary. Hindi naman ito alarming.

       Pagdating ng hapon, i claimed my bag sa package counter ng isang mall at dumeretso na sa San Andres, oo...sa Apartment ni Mindy. Hiniram ko muna ang duplicate key kay Bam pero nakapag pakopya na rin ako ng sa akin.

        Mindy is currently in Antipolo pa rin para sa project nila doon. Nagtext siya na bukas na raw siya makakauwi. Hindi ko pa sinabi ang naging desisyon ko at hindi niya alam na nandito ako sa loob ng bahay niya.

       Pag tingin ko sa relos ko, mag aala-sais na ng hapon. Kaya pala kumakalam na sikmura ko. Paglabas ko para mamalengke ay nakasalubong ko si Mina.

         "Hi..si Mindy?"

        "Ahh....m-mamaya pa, nauna lang ako," I lied. Ayoko kasi ng maraming tanong. Mabait si Mina pero kasi....parang fini-flirt niya si Mindy eh.

      May extra pa naman akong pera kaya 'yun ang pinamalengke ko muna. Napuno ang ref, nakakatuwa. Kumain na ako sa Jollibee. Ang sinunod kong gawin ay ilista ang menu namin for the whole week. Masarap akong magluto, pihadong tataba si Mindy sa akin. Parang wala akong kapaguran. Isipin lang ang ngiti ni Mindy ay ginaganahan na ako.

       Inayos ko ang pagkakasalansan ng mga baso at pinggan. Bumili rin ako ng maliit na plate holders sa palengke.
Dinikit ko sa ref ang isang picture namin na magkasama sa condo. I smiled. Matapos ako sa kitchen ay tumuloy ako ng banyo. Pinalitan ko ang shower curtain ng kulay green. Nagsabit din ako ng isng albatross. Nangamoy na kasi ang ilan niyang maruming damit sa CR. Binuhay ko ang automatic niyang washing machine para habang nagpapahinga ako, ay may nagagawa pa rin. Napansin ko kasi sa cabinet ni Mindy na paubos na ang kanyang pambahay at panloob.

       Bandang alas nueve ng gabi ay nagtimpla ako ng hot choco at naupo sa salas. Binuksan ko ang TV habang umiinom. Napa-pitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Tita Salve calling....Kinabahan ako.

       "Hello!" Bati ko sabay napatayo ako dahil natetense ako pag siya ang tumatawag.

        "Jeorgia..." basag na tinig ni Tita Salve.
       "Tita, ano? Bakit kayo umiiyak! Ano ba yan..?"
      "Masaya ako, sobrang saya.."
       "Ano ho?"
       "Kaninang alas dos ay duamting si MR. Sy, binibigay ang titulo ng lupa."
      "Ano ho? Paanong nangyari 'yun?"
      "Nagpunta daw sa kanya a certain Atty. Pineda at inabot ang bayad. Kaibigan daw siya ni Mindy, napakabait na bata."

       I was speechless. May usapan kami kagabi na uutang ako pero hindi ko inasahan na ganito kabilis siyang kumilos.

        "O-oho, nanghiram nga po ako."
        "May mga inasikaso pa kasi ako sa ospital, I mean check up ni LC kaya hindi ko agad naibalita sa yo."
        "O sige na ho, gabi na, magpahinga na po kayo."

       Nailapat ko ang cellphone ko sa dibdib ko at napaluha. Naibalik na ang lupa sa amin, sa tulong ni Mindy. Sinubukan kong idial ang numero niya. I was glad ng sagutin niya dalawang ring pa lang.

           "Jerie!"

          "Mindy...nakaabala ba ako?" Naririnig ko kasi na maingay ang background niya.,

        "Oh no..no,,,nasa isang party lang ako with my friends. Nasa'n ka?"
        "N-nasa bahay. Thank you Mindy, thank you, naisauli na yung titulo, salamat."
         "Ah oo..minadali ko na. Alam mo na mga intsik, sigurista kaya inunahan ko na at para hindi na kayo magulo ni LC."
        "Thank you talaga..."
        "Sinabi ko naman sa yo na kung pinabayaran mo ang singsing, wala ka ng problema."
        "Babawi ako Mindy, pangako..."
        "Shhh...walang bawi-bawe. Ano 'yang sinasabi mo, matulog ka na, eyebags mo oh, nakikita ko na, abot dito sa Meriland."

        Napatawa ako. "Nagsu-swimming ka pala. Wala ka ng work?"
        "Tapos na po. Don't sound like my mom Jerie...."
        "Nakatwo piece ka? Maraming boys? Girls?"

        "Now you're sounding like a jealous girlfriend Jerie, ang cute mo ah! Tsaka di ako na ka two-piece, no piece ako, hahahah!!!"

        "Umayos ka dyan ha...hihintayin kitang umuwi bukas, please umuwi ka.."
       "Now you're sounding like my wife, what's happening to you?"

        Hindi ako nakapagsalita. "Jerie...are you alright?"

        "Namimiss kita Mindy..." Ayun lang at pinindot ko na ang end button. Nahiya ako bigla.

        Tinapos ko ang hot choco at naghugas ng ilang pinggan. Naglock ako ng pinto at umakyat sa kuwarto Sa guestroom ako tumuloy at nagligpit na ng gamit ko. Bahala na bukas. Pinatay ko na ang lampshade at nilagay sa ilalim ng unan ang cp ko.
Minutes later it vibrated. A text from Mindy...

       "I miss you too sweetheart...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

shan

04.04.16

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon