"Makaalis na nga. Yan na pala ang mga girls eh.. sige dun na ko.."-Clark
"Wuuh, sige dun kana susunod ako.. Sabihin mo nga pala ke Zarren di ako makakapunta kunwari, para pag nakita nya ko, masurprise sya.." Hehe, what a bright idea. Baka sugurin mo ko ng yakap nyan. haha
"Eh.. Bala ka.. Mukhang naidaldal na ng utol mo oh.. yun oh tinuturo na tayo.. haha.. "
"Waaaah. Gagong Nathan to ah..SInira pa plano ko.. tsk.. Nakatingin ba dito si Zarren ha?"
"Oo kaso nakasimangot. Mukhang ayaw ka makita.. (sabay kaway lang ni Clark) Oh yun oh tara na kasi eh.. Tawag ka daw ni Zarren."- Hehe, parang tanga naman tong si pareng Anghel ayaw pa kunwaring tumingin ke Zarren eh ginigiliran naman ng mata. haha.. baliw..
"Sige na nga tara na..Gwapo ko noh.. Ingat ka sakin parang Clark baka mabading ka nyan."-Sabay akbay lang kay Clark
"Ay nakow, fafa Anghel, pa tats nga ng masel moh.. tigas ah..haha" yun oh sa tonong baklush..sabay himas lang.. adik talaga tong magtropang to.. tsk..mamaya nyan sila pala ang happy ending dito eh.. haha..
Pinalo ni anghel yung kamay ni Clark.. Haha. kulit lang.:"Sira ulo ka makita tayo ng mga tao jan oh."
"Haha, pa tats lang eh."-Clark
Tsk yun oh, iiling iling lang si Anghel sa mga pinaggagagawa ni Clark..
Habang naglalakad sila papunta sa pwesto ng mga tropa..Sakto namang napatingin sa kanya si Zarren.
(Zarren's pov) Waaaah.. Bat parang lalong gumwapo si Anghel ah.. Ilang beses kaya tong naligo ngayon at parang ambango bango nya.. Hmmm. Lalong lang uminit nung dumaan sya..
(Anghel's pov) Uy Zarren wag mo pigilin.. ilabas mu yan.. haha. ilabas mu saken.. hmmm Grabe na siguro ang pagkamiss mo sakin noh.. di bale naiintindihan kita.. mahal kita eh.. tsk. Eh sino ba yang hayup na yan sa tabi mo ah.. kung makatingin kala mo gutom eh.. (ang tinutukoy nya po dito ay ang baklang classmate nila Zarren at Fate nung college, si Manda..Dating Armando ngayon Manda na. haha)
"Uy Zarren, sinech naman yung cutie cute cute na guy na yun oh.. katakam takam namaaan.. Parang ang lina-linamnam nya.. yikes!"- Manda may kulot oh.
(Zarren's pov) bigwasan kita jang bakla ka eh.. akin yan noh..wag mong mamanyak manyak ang Anghel ko ah.. upakan kita..
"Ah yun ba, barkada ni James yan"-Zarren pigil lang sa emosyon
"Yiiih, nu name? Hehe, number kaya? Ang hot nya.. tas yung isa kamukha nya ah.. kso long hair eh.. gwapo yung isa pero mas type ko to.. iba ang dating nya sakin."- Manda, may halong panggigigil lang.
"Tumigil ka nga bakla, boyfriend ni Zarren yan noh." Joy di lang nakatiis..
"Waaaaah.. di nga? sayang naman mukha pa namang yummy.. ketchup nalang kulang eh.. Raarr! eh teka, bat di kayo nagpapansinan.. war ganon? "
"Shut up.. Sasapakin kita.. tumahimik ka ah.."-Zarren
"Nyahaha! akin muna tutal LQ naman kayo eh.."-yun oh napakawalang awang baklang to.. pumunta talaga kay Anghel, pakembot kembot pa..
"Hi Papa! Im Manda. Zarren's friend."- waaaah ganyan ba talaga mga baklush, walang sinasayang na sandali? tsk tsk yari na...
Buti nalang pasensyoso tong si ANghel.. Kahit mukhang masculadang bakla tong si Manda ay nagpakagentleman pa rin sya... pero.
(Anghel's pov) Baklita.. anak ng.. badtrip naman umiirap si Zarren ah.
"Oh hi Manda..Invited ka sa kasal namin ni Zarren ah."-Yun oh.. yan ang tinatawag na lalakeng mapagmahal.haha
Syempre lumaki lang mata ni Manda.. Pahiya eh.. Ala pa nga syang ginagawa ayaw na agad.. tsk. malas nya at si Anghel the loyal ang naispatan nya...
"Ah talaga.. So ikakasal na pala kayo ni Zarren.. di manlang nya nabanggit.. sabi nga nya break na kayo eh..tama ba?"
"Sabi nya yon?"-with matching panlalaki ng ano, ng mata.. haha
"Oo.. hindi ba?"
"Sabi lang nya yun. Pero sa totoo hindi. Cool off lang kami. Sabihin mo nga pala sa kanya pinapasabi kong mahal na mahal ko sya."-waaaaah, seryoso ang balbon.. tsk tsk sabay talikod lang at pitas ng bulaklak dun sa gilid ng simbahan oh.. binigay kay Manda "Oh bigay mo yan ah..Sabihin mo galing sakin."
Tsk tslk haaaay naman Anghel mukhang desidido kana talagang mapasagot muli ang sinisinta mo ah..
Yun. Umalis na kinikilig si Manda.. Napatunayan nya kasing unkabogabol ang Anghel/Zarren Loveteam, kaya ayun, maging bakla ay di kayang mantibag.. tsk..Punta agad sya kay Zarren dala ang isang napakarikit na bulaklak. Kulay yellow.. la lang mabanggit lang.
"Yiiiiiihhhhh!! Zarren! Bruha ka talaga.. Oh para daw sayO!!!!"-Manda antili lang habang inaabot ke Zarren yung flower na pinitas ni Anghel.
"AYYYyy!"- chorus naman ang tropa niya..
"Oy bakla kunin mo na yan.. Arte neto.. Sweet naman ni Anghel.."
"Nye. Maniwala kayo jan kay Manda.. Bat di ko nakitang binigay niya yan? baka ikaw lang kumuha niyan. Lakas ng trip mu eh"-Zarren me halong kilig ang kanyang alinlangan..
"Wuuuu. Sabunutan kaya kita jan.. im acting like a london bridge na nga eh.. tulay for you and for him.. yiiiih. o kunin mo na ayaw mo ata, akin na lang."
"Amin na nga"- yun oh kunwari pa kasi eh.. syempre sa mga tipikal na story ay aamuyin yun ng bida tas ngingiti.. at sasabihing ambango kahit alang amoy.. ginawa kaya yun ni fate nung buk1..haha.. pero si Zarren, si Zarren na mapagkunwari ay di manlang inamoy kahit pahapyaw lang.. tsk.. plastik eh.. syempre daming nakatingin.. pustahan mag ccr muna yan bago aamuyin oh.. haha.
Sabay tingin lang ni Zarren kay Anghel. Tong si ANghel naman pa epal pa sabay panig sa ibang tanawin.. haha.. kahit sobrang init ay nag eenjoy pa rin ang dalawang to sa pagtititigan.. Pakiramdaman lang.. Pano walang magkusang lumapit sa kanila..
Hanggang sa dumating na rin si James.. Batian portion sila..Sa puntong to, nagmerge na naman ang mga tropa nila.. Halo-halo lang, para batiin si James..
"Uy pre, ilang ilang minuto nalang ah.. yes naman.."-JP
"Oo nga tol, buti ka pa di gaya ng iba jan, bitter. haha."-Nathan, na ang tinutukoy ay si Anghel. Napatingin nanaman si Zarren kay Anghel. waaah. Nagkatinginan sila dito. Kitang kita lang ni Anghel ang pag ngiti ni Zarren.. tsk, nahuli ang balbon.. hehe
Tahimik si Anghel. Tahimik si Zarren.. Kaya ayun. Lalo silang inasar..
"Uy Kayong dalawa kelan ba ha. Nu ba yan nagpa rebond pa naman ako para sa sana sa kasal nyo."- Joy. sinisi pa talaga ang rebond nya eh noh.
"Oo nga. Tamo tong dalawang to, aayaw ayaw pa kunwari mag usap.. Wuuuh, plastikness. Kanina pa yan nagtitinginan. Haha, yun oh.." lubhang malakas lang talagang mang asar tong si Yanskie..
"Nakita mo? Sinasabi ko na nga ba't me crush ka kay utol tinitignan mo pa. Nakow Zarren, bantayan mo yang kaibigan mo."-Nathan papansin nanaman eh.. Bigyan mo nga ng isang malupet jan Yanskie.. tsk..Gulpihin mo na kaya.
"Anghel, abnormal ba tong kapatid mu ah?"-Tanong lang ni Yanskie na di manlang sinulyapan si Nathan...
"Oo. Abnormal nga yan. Hehe. Di na nga yan nagamot eh. Wala ng lunas jan. Ay meron pala, ihi ng babaeng may wagas na pagmamahal sa kanya.. ihian mo nga Yanskie..haha"-ANghel.
Tawanan.
"Yuck! Mainit ba?"-Nathan to Yanskie
"Yuck ka din.. Baka mandiri pa sayo ihi ko eh.."
"Waaaaah. Etong gwapo kong to? tsk tsk.. tanga lang di ma iinlab saken.. at ikaw ilabyu, wag kang taksil sa relasyon naten ah. Baka nakalimutan mong sumumpa tayo sa ilalim ng puno ng six fingers. Haha.. Ang sweet diba?"-Nathan gumagrabe na, umasabay lang sa init ng araw.
"Weh, talaga? Puno ba yon.. Tanga neto.. Halaman lang kaya yun. at five fingers lang yun noh."-Yanskie habang jinajabar sa inet..buti walang naka ispat ng jabar nya..
"Ayayayay! Mukhang me namumuo nanamang pag ibig dito ah."-Detz
"Me namumuong dugo. Sa utak nyan."-Yanskie to Nathan.. waaaaah..
Tae lumilihis nanaman ah.. mabalik lang sa story.. yun.. titigan pa rin. Gang sa dumating na si Fate... Syempre lahat ng atensyones ay nakabalingness sa kanyaness. Gandaness kasi ng lolaness mu.. hehe.. Isang atensyon lang ang hindi napunta kay Fate.. Syempre, ang atensyon ni Anghel yun... Waaaah... Ke Zarren pa rin eh.. alang kurapan sa moment na ito...Tas ayun, habang abala ang lahat sa pag tingin sa bride ay unti unti ng gumawa ng moves ang bida natin para lumapit kay Zarren. Yun oh magkatabi na sila....
Waaaah. At bakit nung aakyat na sila ng hagdan (me hagdan kasi sa labas ng church.. alang basagan ng trip), yun oh, diskarte na ng Anghel natin yan para alalayan si Zarren.. Sabay hawak lang sa kamay oh.. Gulat si Zarren eh.. Muntik na tuloy mahulog ang lola mo.. Tsk, kundi lang sya naalalayan ni Anghel, subsob sana sya.. Kaso nga napakapit sya kay Anghel, kaya ayun.. Sa matipunong dibdib ni ANghel sya nasubsob.. Tsk tsk,, Nakana swerte ng bwiset na to.. haha
Di makatingin ng direcho kay ANghel oh.. Putek. Pagkakataon mo na to Zarren.. Haha..
"Ay Sorry."-Zarren, ala lng maisip. Pero nilalanghap nya ang amoy ni Anghel dito..haha..sa pagitan ng 'ay' at 'sorry' ay may singhot.. haha
"Ok lang. Nasaktan kaba?"-Anghel pumaparaan lang.
"Hindi .. Pasok na ko sa loob."-Waaaah robot ka ba Zarren? Epal naman oh...
Tsk. Kunwari pa kasi.. Trip lang siguro talaga ni Zarren na amuhin pa sya ni Anghel... tsk... plastik kasi eh.. wla namang taksilang naganap diba.. tsk.. kung ako lang masusunod idodouble wedding ko to eh.. tae..yun. pumasok na sila sa loob ng simbahan...
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 19 sayang..
Start from the beginning
