Tsk. Yun oh mga batang to talaga. Talaga nga bang angkan kayo ng mga epal ha Anghel.. Tsk..
“Ano??Bakit nyo sinabi yun? Naku naman kayo talaga!!! Yari nanaman ako sa Tita Zarren nyo nyan eh. Tsk. Patay na ko. hala dapa. pagpapaluin ko kayo jan eh.. tsk”
Sabay takbo lang ng mga bata sa taas. Yun oh nagtatawanan pa, eh parang tuwang tuwa ang mga yun pag naiinis si aNghel eh.. hehe
“Hoy san kayo pupunta? Wag kayong mangulit jan baka lalo akong mapahamak sa inyo eh. Amin na nga mga payb handred nyo!”
Tsk, kawawang anghel, namatayan na nga ng puso eh nalagasan pa ng wan payb. Tsk. Akalain mong sa pagtawag nyang yun sa mga bata eh kapwa ngiti lang ang isinukli sa kanya.. Hayyy..
Sa kwarto ni Mica..Ayun, mukha naman palang ok si Mica eh.. Natuwa lang talaga nung makita si Zarren. Maya-maya lang ay sumunod na rin sila Georgie, Gab at Raffy.
“Tita Zarren, kita mo na po si Tito Anghel? Kasi lagi po sya lungkot. Sabi Tito Nathan, break na daw po kayo. Totoo po ba?”-Mica sad face lang. Di lang alam kung sincere oh drama lang..
“Ha? Eh meron lang kaming konting tampuhan kids.”- weh? Konti daw oh. Ilang kilo?haha
“Break na po kayo eh. Kawawa naman po sya. Lagi po syang lasing tapos ayaw pa po nya kumain. Ipapasok na nga po namin sya sa mental eh.”- waaaaaah haha, bata ba ang sumagot nyan oh isang henyo?parang makatotohanan eh. hehe
“kaya nga po Tita Zarren, pano na po yung kasal nyo, di na po ba ko magiging flower girl? Siguro hindi mo na kami love.”-Georgina nag emote.
“Hay,, Georgie, hindi ganon yun, kasi mga bata pa kayo kaya di nyo pa maiintindihan. Malay nyo diba, magkabati kami ng Tito nyo.”
“Tsaka pag tuluyan po kayong nagbreak, hindi na po namin kayo magiging tita. Kayo lang naman po ang nakakalaro namin sa lahat ng tita namin eh. Mamimiss po namin kayo. Kaya sige na po magbati na po kayo ni Tita Anghel.”
Speachless lang si Zarren. Pagtulungan ba naman sya ng mga bata eh. Pero syempre diba, eh gusto naman nya eh. Tutal sa puntong to naman, halos wala nang problema, eh sang linggo nalang ay ikakasal na sila Fate at James.. Napatunayan na nga nyang walang kasalanan si Anghel eh bakit di pa rin matapos tapos ang problema nila? Haaaay…
“Di mo na po ba mahal ang tito namin?”
“Ha?” Hala ka balbon, masama ang magsinungaling.. tsk. pero kung kinakailangan pde rin naman.. haha
“Di mo na po ba sya mahal?”
“Mga bata, kahit naman anong mangyari eh mahal ko ang tito nyo. Minsan lang talaga ay hindi kami nagkakaintindihan. Eh sya ba mahal nya kaya ako?”-waaah yun oh, nangangalap na ng impormasyon oh.
“Opo, mahal ka nya.”
“Kaya nga po. Sabi nya pagpumunta ka daw po dito, ihalik daw po namin sya sayo.”- tsk, naku naman at isa isa pang humalik sa pisngi nya ang mga bata…Yun oh, may tinatagong ka sweetan talaga ang mga batang ire.. haha.. akalain nyo yun..may pinagmanahan kasi.. tsk
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 19 sayang..
Start from the beginning
