/17 Unexpected

1.4K 53 0
                                    

Kinabukasan ng paghahanap, hindi paren nila makita si Majo.

Hinalughog na nila ang lahat ng pwede niyang puntahan, tinext na nila ang kanilang mga batchmates, at pinuntahan na sa iba pa niyang kaibigan pero wala paren siya.

Nasan na nga ba siya?

Asan ka, Majo? hehe~

MAJO

Pwede na bang umalis dito?

Nakakainis naman kase mga barkada ko, tinuringan ko na ngang mga kapatid, nagawa pa nilang mag-tago sakin. Parang mga walang pinagsamahan.

Oo, naiintindihan kong dapat nilang sundin si Ram tungkol dun pero hello naman! siya lang ba dapat intindihin ha? may nararamdaman rin naman ako eh.

Nandito ako sa tree house na gawa namin ng kababata ko nung bata pa kami. Nasa kabilang subdivision ako kaya siguro hindi nila ako makita tska di nila alam ang tungkol dito, kahit na sino sa kanila.

Ano pagkain ko? Aba'y syempre, may pera ako. Patina-tinapay nalang ako tapos tubig, okay na sakin yun. Ayoko na atang bumalik sa apartment. Kaso, may school pa.

Pero okay lang yan. Papakiusapan ko nalang ibang classmates ko about sa notes.

"Uy, umuwi ka na kaya senyo." sabi ni Marc, kababata ko.

"Ayoko."

"Bakit naman kase?" tanong niya at umupo siya sa harapan ko.

"Alam mo yon? Tinuringan mong mga kaibigan pero nagtatago paren sila sakin. Nakakainis lang kasi na, hindi nila sinabing aalis na si Ram." sabi ko.

"Marjorie, wag pairalin ang pride. Mga kaibigan mo parin sila, ginagawa lang nila yun dahil ayaw ka nilang saktan."

"Drop that pride. Naiinis ako. Ayaw akong saktan? Hindi ba nila alam na mas nasaktan ako nung nalaman kong hindi manlang ako nakapagpaalam ng maayos kay Ram? Baka nga naihatid pa nila si Ram sa airport non eh."

"So yung Ram ang dahilan?" tanong niya.

"Sino ba yung Ram na yun at parang kung maka-react ka diyan e masyadong ano." dagdag pa niya.

"Taong mahal ko." sabi ko habang nakayuko.

Hindi nga pala niya alam ang tungkol don.

"ANO? Kelan pa?"

"Nung 2nd year Highschool.." sagot ko.

"Marjorie naman.."

"Sorry." nasabi ko nalang.

"Ha- bahala ka nga diyan. Basta umuwi ka na, ayaw na kitang makita dito, sinaktan mo na naman ako." akmang tatayo na siya pero nagsalita ako.

"Sorr-"

"Alam mo, Marjorie. Siguro kundi lang ako pinatigil sa pagaaral ng magulang ko, ako na yung nagustuhan mo nung 2nd year. Ang sakit lang naman kasi na malaman ko na may ibang mahal na yung mahal ko. Simula nung mga bata pa tayo, alam mong may nararamdaman na ako sayo. Hindi ko binig-deal yun kase ang sabi mo sakin, mga bata pa tayo at sabi mo rin noon na hihintayin mo ang tamang panahon pero ano nangyari? May mahal ka ng iba? Wala ka pang sinasabi sakin? Anong klase 'to?!" sabi niya at umalis na.

Tanga mo, Majo. Super.

Ano 'to? Ganto nalang?

Wala na si Ram, wala pa si Marc?

Clash of Teen BuddiesWhere stories live. Discover now