/41 Realize

726 29 0
                                    

Simulang natapos ang Friday, hindi na sila magka-kanda ugaga sa pag-aaral. Halos hindi na nila napapansin ang isa't-isa, pero alam naman nila ang sitwasyon nila ngayon. Gustong-gusto na nilang maka-graduate on time, para makapag-bakasyon narin at of course, para makapag-pahinga ang kanilang utak na ilang buwan naring pigang-piga.

Sunday, at sobrang stress na stress na ang barkada sa kaa-aral. Lalo na si Israel na sa mismong araw pa ng Finals ang contest. Napakiusapan na ni Mrs. Tan ang mga teachers na masasagasaan ng Finals niya sa araw na iyon. Wala na siyang problema kundi ang mag-concentrate sa pagpa-practice. 

"Pre, seryoso ba yan?" tanong ni Kyle at nagbuklat ng notes para mag-aral. 

"Hindi kaya ma-late ka ng grad niyan?" tanong naman ni Cam

"Hindi ko nga alam, actually" sabi ni Israel at hinawakaan ang noo, "Pinakiusapan naman ni Mrs. Tan sila Ms. Perez, at Ms. Girlie tska si Mr. Garcia tungkol sa dance contest. Ang sabi naman sakin nasa sa akin naman daw kung kailan ko ite-take. Before contest ba or after."

"Major subject pa naman ang mami-miss mo." sabi ni Ram at nagkamot ng ulo. 

"Tapos ka na naman kaya sa choreo mo?" tanong ni Paolo at uminom ng juice. 

"Oo, polishing nalang." sagot ni Israel at binuklat ang Filipino notes. 

Nagbasa-basa lang sila ng kanilang notes para sa Finals kinabukasan. Elective lang naman at yung mga pa-'major' na subject ang Finals nila bukas, pero dahil last na nila yun bilang highschool student, bigla silang nag-seryoso. 

"Pre, mauuna na ako." paalam ni Israel at biglang tumayo. 

"San ka pupunta?" tanong ni Ram. 

"Pa-practice." at nagsuot ng jacket. 

"Sira, mag-aral ka muna." sabi naman ni Kyle. 

"Wala namang pumapasok sa isip ko eh." 

"Eh kung tinatapos mo ang projects mo ano?" suhestyon ni Paolo. "Alam mo namang may mga hindi ka pa napasang projects."

"Yun rin problema ko, hindi ko alam kung ano gagawin ko."

"Projects muna, Israel, bago review." sabi ni Cam, "Alam mo namang parang useless din ang FInals kung walang projects. Edi wala ka ring pirma sa clearance?"

Clearance rin ang isa pa sa mga problema nila. Kailangan kasi nilang matapos ang Clearance. Parang iyon ang isa sa mga susi para ka maka-graduate at pakawalan ka ng school na iyon. 

Ang problema ni Israel, sampu pa ang kulang niya pero yung ibang barkada niya, tatlo o dalawa nalang ang kulang. 

"Pucha naman ang clearance." reklamo ni Israel at biglang napaupo

"Israel, tatapatin kita," sabi ni Kyle at humarap naman ito sakaniya. "Hindi ko sinasabing dapat hindi mo na sinusunod ang mga pangarap mo bilang mananayaw, pero dahil diyan marami ka ng napapabayaan."

tumungo naman ang tatlo. 

"Una, dapat nakapasa ka na ng mga projects, pero hindi mo nagawa kasi nga busy ka sa paggawa ng choreo. Pangalawa, dapat nag-aaral ka na sa darating na Finals, pero hindi mo magawa kasi polishing ng steps, Pangatlo, imbis na isa o dalawa nalang ang po-problemahin mo sa Clearance mo, hindi dahil puro steps ang naiisip mo." 

"Ang huli, hindi mo na nbibigyan ng oras ang girlfriend mong palaging nag-aalala sayo." 

Parang may kung anong tumusok kay Israel sa huling sinabi ni Kyle sakaniya. Parang feeling niya mamamatay na siya dahil sa patuloy na pananaksak sa kaniya ng kaniyan gkunsensya. Paano nga ba niya nagagawa iyon ng hindi manlang nakikipag usap o nakikipagkita manlang sa girlfriend?

"Kung iniisip mo man kaming barkada mo, o maski kaming lalaki lang, wala sa amin yung magpakasasa ka sa pagsa-sayaw na yan, kasi alam naming pangarap mo talaga yan, pero iba ang mga babae pare, alam mo yan."

Hinilamos niya ang mga palad niya sa mukha niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi siya makapaniwalang ng dahil sa pangarap niyang makasayaw ay napapabayaan na niya pati ang girlfriend niyang walang ginawa kundi mag-aalala sa kaniya. 

"Hating gabi, nung isang araw, tinawagan ako ni Stena, tinatanong kung pinasa mo na daw ba ang mga projects mo, nagtatanong din sa akin kung kumpleto ka daw ba ng notes mo para daw makapag-aral ka ng mabuti." sabi ni Cam. 

"Tinatanong rin sa akin kung anong oras ka nakaka-uwi kapag galing kang Dance Studio, kung nakakakain ka raw ba on time, kung nakakapag-pahinga ka raw ba." sabi naman ni Ram.

Hindi na alam ni Israel ang gagawin niya sa nalaman. Binabasa niya ang mga text ni Stena, pero dahil sa pagod, sa kakaisip ng kung anong magandang steps para sa choreo, hindi niya nagagawang replayan ang mga iyon kahit gustong-gusto niya. 

Umakyat siya sa kwarto niya para mag-isip. Ngayon, hindi na niya alam kung ano ang uunahin niya, nangako siya kay Stena na Acads muna ang uunahin, pero simula palang ata ng isang araw, nabali na niya ang pangako niya. 

Tinext niya si Stena, hoping sasagot ito. 

To: Love 

Goodluck on your exams! :)

Pero after ng ilang minuto, wala paring reply. Inisiip niya na baka busy sa pag-aaral dahil alam niya na yun ang katangian ng girlfriend- ang magseryoso sa nalalapit na Finals. Kaya wala siyang nagawa kundi hindi na siya istorbohin. 

Nakatulog siya sa kakaisip. 

Nagising siya ng bandang 10:30PM, wala ng talo sa sala, natutulog narin ang mga kaibigan niya. Nilagyan niya ng tubig ang malinis na baso bago ininom. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa kakaisip. Pero kahit kanina pa siya nag-iisip, wala paring pumapasok sa isip niya. 

Ibinaba niya ang laptop niya para manood ng ilang youtube videos. 

Hanggang sa nagpop-up ang Dance Contest nila Stena nung nakaraang buwan. Yun yung nanalo sila sa school na ginanap ang Dance Contest, at yun din ang araw na sinagot ni Stena si Israel. 

Habang nag fa-flashback sa isip niya ang mga iyon, hindi na maiwasang maiyak. Ang laki kasi ng pinagbago niya simula nung naging sila ni Stena. Kumbaga, Stena changed him in a good way. 

Ngayon, narealize niya kung gaano, sobrang, kaimportante ang kaniya minamahal na girlfriend. Hindi niya kayang mawala ito sakaniya, kaya habang maaga pa, napagdesisyunan niyang makipag-usap sa girlfriend. Kasi hindi niya kakayanin kung ang Dance Contest ang magiging sanhi ng kanilang paghihiwalay.

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon