/10 Talk

2K 57 1
                                    

NORMAL POV

Hindi alam ni Majo kung anong pumasok sa kokote ni Krishie at kung maka-hiwalay siya sa barkada eh, wagas. Kaya kung ayaw ni Krishie makipagbati, ayaw rin niya, ganon sila katigas.

"Majo, san ka pupunta?" sabi ni Eke.

"Sa malayo." sagot niya.

"Taray, red alert?" natatawang sabi ni Stena.

"Pst, uy." sabi ni Lyka

"Alis na ako." seryosong sabi ni Majo at umalis na.

"Nagbiro pa kse to eh." sabi ni Lyka.

"Bawal bang magpatawa lang? Kse naman masyadong seryoso. Alam niyo yon?" paliwanag ni Stena.

"Maraming iniisip yung tao." sabi ni Lyka.

"Ah, sige. Magbangayan pa kayo diyan, makakatulong yan." sabi ni Eke.

At tumahimik silang dalawa.

Maya-maya nag-text ang mga lalaki at magkita-kita silang lahat sa downtown.

--

"Ano meron?" sabi ni Stena

"Inisip naming mga lalaki na pagbatiin yung dalawa." sabi ni Paolo.

"Simula nung nagkabati tayo, may away na naman." sabi ni Israel.

"Shucks, di ko naisip yon." sabi ni Eke.

"Talino mo tas di mo naisip?" natatawang sabi ni Cam.

"Ba't parang ikaw nag-isip ng plano na to ah?" pangasar na sabi ni Paolo.

"Asan si Ram?" tanong ni Lyka.

"Ayaw sumama. Alam mo naman issue nila ni Majo." sagot ni Israel.

"Dapat gawan din natin yun ng aksyon eh." sabi ni Stena.

"Lalim, aksyon." sabi ni Paolo at natatawa.

"Teka, isa-isa lang muna. Sila Majo at Krishie muna." sabi ni Eke

"Sila ni Krishie at ni Kyle, nagkabati naman na eh." sabi ni Lyka.

"Oo nga,. E ano muna kasi ang plano?" sabi ni Stena.

"Pagharapin lang yung dalawa na akala nila aksidenteng nagkita sila." sabi ni Paolo.

"Nasan ba si Majo?" tanong ni Israel.

"Nasa Mall, kakatext lang sakin." sabi ni Eke.

"Eh sila Krishie?" tanong ni Lyka.

"Nasa Mall rin daw, kakatext lang sakin ni Kyle." sabi ni Cam.

"Itetext ko si Majo na pupunta ako at magkita kami sa labas ng mall." suhestyon ni Lyka.

"Pwede rin yun, itext ko si Kyle na pupuntahin si Krishie sa labas ng mall tapos kunyari magpaalam siyang magsi-cr lang siya." sabi ni Israel.

"Talino lang natin guys" natatawang sabi ni Stena.

At ginawa na nga nila ang plano nila. Mga ilang sandali, umorder sila ng inumin sa Seattle's Best at pumunta na sa labas ng mall para tignan kung magkakabati na ba sila.

Clash of Teen BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon