"Mamaaaa..." takot naman niyang sigaw at napatalon pa palayo.

Umaaray naman na umahon si Mando dahil sa sakit ng tama ng bato sa likod niya. May hinala siya na malaki talaga ang batong tumama sa likod niya.

"M-Mando? I-ikaw iyong kaibigan ni Kris, diba?" si Erlinda ng maging klaro sa kanya ang mukha ng lalaki.

Masama naman ang tingin na tumango lang si Mando habang kinakapa ang masakit na bahagi ng likod niya.

"Anong ginagawa mo dito? Malayo na ito sa Asyenda ng mga Cordoval. Hindi ka dapat nagpunta dito. Magpasalamat ka at walang nakakita sayong tauhan ni Papa. Baka napagkamalan ka pa nilang magnanakaw at nabaril," litanya ni Erlinda na hindi alam kung saan matatakot. Kung sa muntikan na niyang pagkatuklaw ng ahas o ang posibilidad na mabaril si Mando ng mga tauhan ng asyenda.

"Magpasalamat ka at napadpad ako dito. Kung hindi baka sa ating dalawa ay ikaw ang paglamayan ng mga tauhan niyo dahil sa pagkatulaw ng ahas na 'yan!"

"S-Salamat! M-Masakit ba ang likod mo?" napapangiwing tanong ni Erlinda. Sigurado kasi siyang masakit ang likod ng binata dahil malaki ang batong ibinato niya dito at malakas din iyon. Mabuti na ngalang at sa likod lang ito ng binata tumama.

"Ano sa palagay mo?" masungit na sagot ni Mando. Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ng dalaga at naliligo ito sa ilog sa gitna ng gubat. Paano na lang pala kung hindi siya dumating? Eh di natuklaw ito noong ahas. Isa pa, sa ayos nito kanina. Kung ibang lalaki lang siya ay baka nahalay na ito.

Agad na lumapit sa kanya si Erlinda. "T-Tingnan ko ang likod mo..." aniya. Nakalimutan na maliban nakataping tuwalya ay tanging ang mga basang panloob lang niya ang suot niya. Wala naman kasi siyang balak talaga maligo kanina. Balak niya lang sana tumambay at mag-isip isip tungkol sa nalalapit niyang kasal. Kasal na tanging mga magulang lang niya ang may gusto. Para siyang robot na kinakailangan lang sumunod sa mga utos ng mga ito. Ni hindi manlang siya tinatanong kung okay lang ba sa kanya ang gagawing pagpapakasal nila ni Kris.

"Huwag na. Malayo to sa bituka. Magbihis ka na lang at baka..." hindi nito tinuloy ang sasabihin.

"B-Baka?" nauutal na tanong ni Erlinda at hinigpitan ang hawak sa tuwalya sa katawan niya at humakbang palayo sa binata.

"Ah basta..." yamot na sagot ni Mando.

Agad namang kinuha ni Erlinda ang mga kasuotan niya at nagmamadaling isinuot habang nakatalikod si Mando sa kanya.

"Umuwi ka na... Babalik na ako sa kabilang asyenda," paalam ni Mando sa dalaga.

"Sandali..." pigil ni Erlinda. "Delikado kung uuwi kang mag-isa. Hindi ka kilala ng mga tauhan ni Papa. Tulad ng sabi ko sayo baka mapagkamalan ka nilang magnanaw.

Doon naman nagsimulang magkalapit sila ng dalaga at lumalim ang tinatagong damdamin nila para sa isat-isa.

"Run away with me, Erlinda! Huwag kang magpakasal sa matalik kung kaibigan kung ako naman talaga ang mahal mo," aya niya sa dalaga. Isang hapon ng muli silang magkita sa ilog na 'yun na ginawa nilang tagpuan sa nakalipas na mga araw.

Sunod-sunod na umiling si Erlinda. "Mahal kita, Mando! Mahal na mahal. Ngayon lang ako nakadama ng ganitong klaseng damdamin sa buong buhay ko. Pero hindi maari ang gusto mo. Papatayin ka ni papa kapag nalaman niya ang lihim nating relasyon," nakayapakap ito ng mahigpit kay Mando habang sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha.

"Mahal na mahal din kita Erlinda! At hindi ko kayang makita kang ikakasal sa iba. Sumama ka na sa akin. Doon sa bayan namin mabubuhay tayo ng masaya. Hindi man kami kasing yaman ng mga Cordoval. Magsusumikap naman ako sa buhay para mabigyan ka ng magandang buhay. Kayo ng mga magiging mga anak natin!" madamdaming turan ni Mando.

Marrying The Arrogant-Seducer [R-18]Where stories live. Discover now