Larawan

14 0 0
                                    


Habang nililigpit ng mga lumang gamit

Nakita ko ang isang kahon ng mga larawan.

Mga nakangisi, nagtatawanan

Mga bata pa at puno ng pag-asa.

Ang sumunod na larawan nakita ko

Ang iyong mukha

Na sa sandaling panahon

Ay puso ko'y iyong pinasigla.

Ala-ala ng mga oras na ginugol

Sa mga walang kwentang usapan

Mga tawanan at halakhak

Na pawang walang katapusan.

Sa umpisa'y kaibigan na tunay

Ika'y natularan

Pero sa paglipas ng panahon

Iba na ang naramdaman.

Kaibigan nga ba talaga?

Para sakin ay oo

Pero bakit parang higit pa ron

Ang nakikita ko sayo.

May mga pahiwatig

Na hindi derechahan

Pero walang tapang na magtanong

Saan ba ang patutunguhan.

Sa tagal ng panahon

Wala kang sinasabi

Pero ramdam kong

Pagmamahal ang iyong ninanais.

Hanggang sa napagod ang puso

Sa paghihintay sayo

Nabaling ang tingin

Sa ibang umiirog.

Dahil sinabi nya saking

Ako'y mahal nya

Ni minsan ay hindi sayo narinig

Mula nung umpisa.

Gusto kong sumigaw

Mahal mo ba ako?!?

Pero hindi ko kaya

Dahil babae ako.

Madaming taon na ang lumipas

Sa edad ay dumagdag

Ngunit ala-ala mo

Ay parang walang kupas.

Sa aking palagay

Kahit dekada na ang nakalipas

Sa puso ko'y may puwang parin

Pag pangalan mo ay nabibigkas.

Ngunit tapos na

Ang yugto na iyon

Alaala na nalamang

Ng isang matamis na kahapon.

Naaalala parin kita...Where stories live. Discover now