21

2.8K 158 14
                                    

PRINCE


Maraming nababadtrip kay Feliz. Una kasi maganda siya. Iyong gandang nakakainsecure. Tipong kung babae ka at wala kang self confidence at puro chismis lang ang trip mo sa buhay e malamang isa ka na sa miyembro ng I Hate Feliz Fan Club. Pero kung lalaki kang katulad ko syempre ang unang una mong mapapansin kay Feliz e iyong kagandahan niya. Sa totoo nga lang noong una hindi ako naniniwala na may attitude si Feliz kasi mukha siyang Mama Mary. Siya iyong tipong hindi makabasag ng pinggan sabi nga nila.


Tapos kapag nagsasalita pa siya parang ang sweet nya at napakabait sa lahat, mabait naman si Feliz. Iyon lang kadalasan lang iyon pag tulog siya. At ang kaso kay Feliz lagi siyang gising.


Sa high school uso ang status quo. Parang high school musical ayun lang hindi kami kumakanta at sumasayaw. Pero uso talaga na ang sikat ay sasama lang sa mga sikat. Ang mga magaganda ay makikipag lunch lang sa mga magaganda at ang mga gwapo ay makikipagtawagan lang ng bro sa kapwa nila gwapo. Si Lindsey na nabuhay sa self pity ay naniniwala sa rule na yun. Sa sobrang paniniwala niya doon halos ipagtabuyan na niya ako papalayo sa buhay niya at papalapit kay Feliz.


Kaya ko naman talagang maki-ride sa pagkasnob ni Lindsey e. Okay na sa akin yung nakakasama siya araw araw hanggang sa makaipon ako ng lakas ng loob para aminin sa kanya na ako si Prince! Ako yung liniligawan este sinusulatan niya! Ako yun! Pero naging cold siya sa akin. At ako naman, hindi rin ako nagkaroon ng lakas ng loob para ipaglaban siya.


"Do you like Lindsey?" tanong ni Feliz isang araw habang nakaupo kami sa canteen at busy akong tinititigan si Lindsey na nakaupo halos mahigit na sampung mesa ang layo samin.


"Huh?" halos mabilaukan ako sa sinabi niya dahil buong pagaakala kong nakikipagusap siya kay Amanda katulad din niyang maganda sa labas. (see what I did there?)


"Sabi ko gusto mo ba si Lindsey?"


"I can understand English, Feliz!" halos lumabas sa ilong ni Amanda iyong iniinom niyang iced tea at natawa rin si Feliz.


"Alam mo walang ibang napapansin yang si Lindsey kung hindi ang kawawa niyang sarili! Kulang na nga lang dyan e magsuot siya ng flashcard sa likod niya na may nakasulat na 'Pangit ako! Mas maganda ate ko!'" sabay tawanan naman tong mean girls.


"Hindi naman siya pangit a. Ang ganda kaya niya."


Pinaikot ni Feliz ang dalawang eyeballs niya. Kung paano niya ginagawa yun hindi ko na alam. Basta ang tumatak lang sa akin noong araw na iyon ay kung gaano kasama ng ugali niya dahil sa sinabi niyang, "If Lindsey's pretty edi ano pa si Amanda?"


Insulto. Para narin niyang sinabing ang pangit sobra ni Amanda. E sa totoo lang maganda rin naman siya. Medyo nangingiwi lang at biglang slurred speech pag nagsasalita. Parang nastroke lang. Tsaka nagtaka pa ko at tumawa pa talaga siya sa joke nay un ni Feliz. Hindi siguro niya nagets.


Noong una ganun si Feliz. Pinapakita niya na masama ang ugali niya. Na mapanglait siya. Pero lahat naman ng tao may rason kung bakit ganun sila. Sa kaso ni Feliz, pagod na siyang laging pumapangalawa sa panganay niyang ate na ginawang scholar sa isang napakasosyal na boarding school sa America.


Kung kay Lindsey, siya ang nagkukumpara sa sarili niya at sa Ate Lissy niya; kay Feliz halos ipamukha ng mga magulang niya kung gaano kalayo na ang narrating ng ate niya sa kanya. Araw araw sa buhay ni Feliz iyon ang naririnig niya. Agahan niya ay ang "You could do better and follow your sister's footsteps" dialogue ng tatay niya. Tanghalian niya ang "You should be more of your sister." At ang dinner niya "Ano ba yan, Feliz. Yan lang hindi mo pa magawa. Your sister could do one hundred times better kahit nakapikit pa siya"


Itinago lahat ni Feliz ang mga napagdadaanan niya sa kanila kaya siya naging ganun. At habang tumatagal na nakikilala ko siya noon nakikita ko ang posibilidad na maging Feliz kapag hindi siya kinukumpara sa ate niya.


"Alam mo, Prince, kung gusto mo talaga si Lindsey bakit hindi mo siya lapitan at kausapin at sabihing gusto mo rin siya? I don't think it will be hard naman for you kasi ang gwapo mo tapos mabait ka pa." Lagi niya yun sinasabi. Kasi nga daw lagi nalang niya akong nahuhuling nakatingin sa table nila Lindsey kapag lunch break. Lagi daw dapat nasa likod niya ako kapag lalabas siya ng classroom kapag uwian na at lagi daw akong spaced out kapag nagsasalita na siya. Pero hindi ganun kadali yun.


Hindi ganun kadaling maglakad papalapit kay Lindsey para sabihing gusto ko siya. Kasi 1) baka isipin niyang nangtritrip lang ako 2) baka hindi siya maniwala na gusto ko siya 3) kapag inamin kong ako ang napapadalhan niya ng sulat araw araw iisipin niyang simula noon alam ko na tapos hinahayaan ko lang siya.


Isang araw bigla nalang may naisip si Feliz para si Lindsey nalang daw ang umamin na may gusto rin siya sa akin kasi mukha ngang crush niya rin daw ako.


"Why don't we pretend na tayo? Alam mo kasi ganun yung mga babae e, saka lang nila malalaman na they like someone kapag hindi na sila hinahabol?"


Naniwala naman ako kay Feliz. Kaya naging kami. Ang kaso nga lang, hindi pala talaga alam ni Feliz ang components ng utak at feelings ng mga babae na katulad ni Feliz. Ilang taon na ang nakalipas, fourth year high school na kami.


Dalawang taon na kaming nagkukunwari ni Feliz.


Pero wala paring Lindsey na lumapit at umamin na gusto niya ako.


Na crush niya ako.


Sa dalawang taon na yun mas naramdaman ko ang unti unti niyang pagalis sa buhay ko. Dumadaan siya ng corridor at nasasalubong akong hindi man lang ako tinitignan. Dalawang taon akong nabuhay sa mundo ni Lindsey na parang hangin...


Nararamdaman...


Pero


Hindi


Nakikita....

Isang Milyong Sulat 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon